Ilang minuto naming inayos ang mga balloons at ang mga alcohol. Nagpalit na rin kami ng mga swimsuit at ayaw nilang isuot iyong kulay red kaya ako na ang nagsuot.
Mahihinhin talaga silang tao. Ang boboring ng kulay ng swimsuits nila. Sana pala ay ibinilin ko na red lahat.
May binayaran pala silang dj na kakarating lang din. Ako na ang kumausap kung anong ipapatugtog. Napakapakialamera ko talaga.
Inabutan ko sila ng mga inumin at una ay ayaw nila pero nang nakainom nang konti ay natamaan kaagad kaya inom na nang inom.
"WHOO! ENJOY YOUR LAST NIGHT OF BEING SINGLEEEE!!!" sigaw ko sabay talon sa pool.
Nagtawanan naman sila at medyo sumasayaw na rin. Si Red ay nakaupo lang sa isang gilid at pangiti-ngiti habang umiinom din.
Nilapitan ko naman siya at binasa ng tubig.
"Anong inaarte mo d'yan? Makisayaw ka nga doon!" Sabi ko at umahon para mahila siya.
Napigilan naman niya ako at malungkot na nginitian.
"Naiinggit talaga ako sayo, Purple. Lahat ng tao ay napapasaya mo kaya mas gusto ka nila kaysa sa akin. Even Charles."
Napairap naman ako sa sinabi niya. "Charles na naman. Alam mo, wala akong pakialam d'yan sa boyfriend mong babaero. Ikaw ang matalinong tanga, alam mo 'yun?" I saw tears on her eyes wanting to fall. "Tss. 'Wag mo ng isipin iyon sa ngayon, let's party!"
Tumawa naman siya at nagpahila na. Nagtatawanan at nagkukwentuhan kami nang halos kalahating oras. Naputol lamang iyon nang tumumba silang lahat. Nalasing na sila non?
Sakto namang dumating ang limang lalaki.
Binilang ko iyon. Teka, hindi lima. Anim.
"Ba't anim kayo? Sinong hindi kasali?" Tanong ko sa mga ito habang iniiwas ang tingin sa pinakapogi sa kanila. As in, pogi talaga. Siya na ang pinakapoging nakita ko.
Itinuro naman nila iyon.
"Oh siya. Alis na kayo. Tulog na ang mga kasama ko."
Tumango naman sila at umalis na.
Nilingon ko naman siya at nginitian. "So, anong kailangan mo?" I asked.
His eyes darkened. Imbis na matakot ay lalo akong naattract. Umigting ang panga niya at lumalim ang paghinga nang pasadahan ako ng tingin.
"I'm Lincoln, nice to meet you, beautiful." Anito at ngumisi na nakapagpataas ng balahibo ko.
Oh goodness.
"Oh. Uhm, I'm Purple. So, ano nga ulit ang kailangan mo?"
Lumapit siya sa akin at inilapat ang kamay sa pisngi ko. "You, baby. I need you."
BINABASA MO ANG
Her Impromptu Wedding
Novela JuvenilLast night, she was all high and drunk at her sister's best friend's bachelorette party. And the next day, she'll be the one getting married. What the hell is going on?