3 days.
It's been three days since I last saw him. He's always busy. Always going home late.
Hindi naman siya ganito noon. Kapag aalis siya ay nagpapaalam siya sa akin. Sabay kaming kakain ng breakfast, uuwi siya ng dinner at kakainin ang niluto ko.
Pero ngayon ay nakaalis na siya bago pa ako magising. Tulog na ako kapag umuwi siya.
Kaya ngayon ay pilit kong nilalabanan ang antok ko para lang mahintay siya at makausap. I don't want him to be like this. I'm his wife.
Sa lumipas na mga panahon na kasal kami ay hindi ko naiwasan na mahulog sa kaniya. I don't love him but I like him. But maybe soon, I'll love him.
Narinig ko ang pagparada ng sasakyan kaya tumayo na ako. Nang buksan niya ang pinto ay nagulat pa siya ng makita ako.
"Hi..." Alanganin kong bati sa kaniya.
He smiled at me. Pero iba iyon, hindi iyon ang ngiti na binibigay niya sa akin noon. Pilit ang ngiti niya ngayon.
"Bakit gising ka pa?" Tanong niya at ibinaba ang dalang suit case.
Dati ay sasalubungin niya ako ng yakap pero ngayon ay hindi. Hinubad niya ang suot na coat at naupo sa sofa.
"Hinihintay kita..."
He looked at me. Ha tapped the seat beside him. Umupo ako roon at ako na ang yumakap sa kaniya. I felt him stilled. He didn't like it anymore?
Dahil doon ay humiwalay ako sa kaniya. I bit my lip to stop my tears from falling.
"Why? B-bakit ka ganyan?"
I didn't bother to look at him. Baka kasi kapag tumingin ako ay dumoble ang sakit e. I don't want to be hurt.
"What?"
"Bakit hindi ka na gaya noon? A-ayaw mo na s-sakin? Do you want me to go now?" Nabasag ang boses ko.
Ilang minuto siyang natigilan bago sumagot.
"No, don't. I'm just c-confused." Anito at tumayo na. "Matutulog na ako. Goodnight."
Gusto ko siyang habulin. Gusto kong pigilan siya at pagpaliwanagin. Pero gugustuhin niya ba iyon? Iniwan niya ako rito. Isa lang ang ibig sabihin noon. Ayaw na muna niya sa akin.
----
Kinabukasan ay umalis ako na tulog pa siya. Ako na ang nagbukas ng boutique. In-off ko ang cellphone ko dahil ayoko munang kumausap ng kahit na sino. Pinag-leave ko muna ang mga empleyado ko. Pati na rin si Red kaya mag-isa lang ako rito.
May mga customer na dumadating. Hindi ko mapigilan mapangiwi kapag nababanggit nila ang pangalan ni... nevermind.
Nang mag-lunch ay nag-order na lang ako. Sa counter ako kumain dahil may mga dumadating na customer. Inabot ako ng isang oras dahil nauudlot iyon.
Nang oras na para magsara ay inililigpit ko na ang mga gamit ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya nagsalita na ako.
"I'm sorry po pero sarado na kami. Balik na lang po kayo bukas."
"E kung ikaw na lang ang huwag bumalik sa bahay niyo?"
Nilingon ko ang nagsalita. It's Arianna.
"What are you doing here?" Gulat na tanong ko. Wala akong naging balita sa kaniya sa loob ng isang buwan na pagsasama namin ni Lincoln. Iyong nagpunta lang siya sa bahay ni Marie.
"To tell you the truth." She said while smirking.
Kumunot ang noo ko. "What? Ano ba'ng sinasabi mo? Look, I'm sorry for everything that—"
"No, Purple. I'm sorry. I'm sorry for fooling you. Kaya nandito ako kasi hindi ko na kayang makita kang... mahirapan. So, I'm telling you the truth now. Masyado ng mahaba ang pagpapakahirap mo."
BINABASA MO ANG
Her Impromptu Wedding
Teen FictionLast night, she was all high and drunk at her sister's best friend's bachelorette party. And the next day, she'll be the one getting married. What the hell is going on?