Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Jusmiyo. Ano ba'ng ginawa ko kagabi?
Umupo ako at tumulala, inaalala kung ano ba ang nangyari. Unti-unti ay bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi.
Bachelorette party ni Arianna at nalasing agad sila. Inom din ako nang inom non at may nakita akong poging lalaki.
Ano ba'ng pangalan non? Ah! Lincoln!
Oo, iyon. Tapos ay hinawakan niya ako sa pisngi at sabi niya ay ako ang kailangan niya tapos—
HALA!
Agad akong napalingon sa tabi ko at nakita kong may lalaking nakatalikod sa akin. Hmm. Ang sexy. Oh geez!
Tinulak ko ito at nahulog naman siya sa kama. Ipinulupot ko ang kumot sa katawan ko kahit naka-t shirt naman ako.
"Manyakis! Pinagsamatalahan mo ako 'no?!" Hysterical na sigaw ko.
Pinaikot naman niya ang mga mata at naupo uli sa kama.
"Tss. I didn't do anything to you. Ikaw ang may ginawa sa akin." Aniya.
"Ako ang nanamantala?! Edi sana pinigilan mo!"
"Sinukahan mo ako noong nasa roof top tayo at nawalan ka ng malay. Dinala kita sa isang kwarto dito. Magpasalamat ka na lang."
Hmm. Napahiya ako doon. Dapat ay hindi na ako nanisi dahil wala naman akong naramdamang something.
"At bago ka pa magsisisigaw d'yan. Hindi ako ang nagpalit sa iyo. Tumawag ako sa customer's service."
Tumango-tango naman ako at alanganin siyang nginitian. Tumayo naman siya at kumuha ng twalya sa closet. Ako naman ay tumayo na rin at hinanap ang dress ko.
"I'm freaking late, damn it." Anito at papasok na sana sa banyo nang biglang bumukas ang pintuan.
Agad akong bumalik sa kama at nagtalukbong dahil hindi ko din alam.
Si Lincoln ay natigil sa pagpasok sa cr at nilingon ang pumasok sa kwarto.
"So you really don't want me?"
Unti-unti akong sumilip dahil pamilyar ang boses na iyon.
"I'm waiting for you and then I'll see you with another girl?! Really, Lincoln?! That's how much you don't want to marry me?!" Galit na sigaw nito.
Oh damn.
Arianna!
BINABASA MO ANG
Her Impromptu Wedding
Fiksi RemajaLast night, she was all high and drunk at her sister's best friend's bachelorette party. And the next day, she'll be the one getting married. What the hell is going on?