The dinner went well. No, perfect.
Lincoln's so sweet, so thoughtful. Parang ibang tao ang nasa harapan ko ngayon. Sa news kasi ay iba ang pagdedescribe sa kaniya. He's snob, cold and rude daw. But he isn't.
"Sa kabilang kwarto ako matutulog. I know you're not comfortable with me yet." Sabi nito nang makapagpalit.
Tumango naman ako. That'll be much better. Nang makaalis na siya at nahiga na ako sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang sandamakmak na text na galing kay Red.
Red:
What was that?!You're freaking married now!!!
Text me back.
Should I tell our parents?
Damn! Nalaman nila dahil sa news.
Nag-type naman ako ng ire-reply sa kaniya.
Ako:
Pag-uwi na ako magpapaliwanag.I'm on a vacation, ikaw na muna ang bahala sa boutique.
Itinabi ko ang cellphone ko pagkasend. And suddenly, something hits me.
Ano ba itong ginagawa ko? I'm messing up, am I? Hanggang kailan ito? Hanggang saan tutungo itong nangyari na ito?
I need to talk to him tomorrow about this. About us.
----
"Good morning!" Masayang bati ni Lincoln at inalalayan pa ako pababa sa hagdan.
Kumunot naman ang noo ko sa kilos niya. He's acting really weird.
Iginiya niya ako patungo sa dining room kung saan nakahanda na ang mga pagkain. Those are my favorites.
"I cooked these. Alam ko kasing paborito mo ito." He smiled at me.
Ipinaglagay niya ako ng pagkain at umupo na sa tabi ko. Tahimik kaming kumakain pero ramdam ko ang kasiyahan niya.
Maybe I'll just ask him later. I don't want to ruin his happiness.
Nang matapos kumain ay napagdesisyunan namin na magtungo sa beach. Suot ko ang two piece na bigay niya sa akin. Private property ito kaya ayos lang daw na ito ang suotin ko.
Naglalakad kami patungo sa dagat nang biglang may tumawag sa kaniya.
"Mauna ka na. Susunod ako agad pagkatapos nito." Tinanguan ko lang siya at umalis na doon.
Mainit ang sikat ng araw pero malamig ang tubig kaya masarap magtampisaw. Nilingon ko si Lincoln na ngayon ay mukhang iritado dahil sa kausap. Pero nang lingunin niya ako ay nginitian niya ako at kinindatan pa.
Natapos din siya sa pakikipag-usap at sinamahan na ako sa dagat. Nagkukwentuhan lang kami ng mga bagay bagay at nag-iinisan. I'm comfortable with him and I don't know why.
Nang matapos kami sa pagligo ay bumalik kami sa mansyon. Naligo muna ako at nagpalit at naabutan ko siyang naghahanda ng lunch namin.
Nang maupo ako sa tabi niya ay kinagat niya ang kaniyang labi.
"I know you're confused about this. I'll tell you everything you need to know."
BINABASA MO ANG
Her Impromptu Wedding
Teen FictionLast night, she was all high and drunk at her sister's best friend's bachelorette party. And the next day, she'll be the one getting married. What the hell is going on?