I've been looking for him for almost 10 minutes but I can't find him! Sobrang laki kasi nitong bahay niyang ito. Huhulaan ko pa kung saang kwarto siya pumasok. Wala naman siya sa kwarto niya kaya kung saan saan na ako nagpunta.
Nang matapat ako sa isang kwarto ay may narinig akong nag-uusap.
"Damn it, you're so pretty."
Kumunot ang noo ko dahil doon? Who is that? Is it Lincoln? Hindi ko masyadong marinig ang boses.
"Yeah. You're handsome too." Boses iyon ng babae.
Nanlaki ang mata ko at hindi na napigilan na buksan ang pinto. Thank God, hindi iyon naka-lock.
"WTF, LINCOLN! ARE YOU CHEATING ON ME?!" sigaw ko pagkapasok.
Nilingon naman ako nung babae na nakasandal doon sa lalaki. Nanonood sila ng movie. Nang malingon ko ang lalaki ay namula ang pisngi ko.
It wasn't Lincoln! Damn! I'm dead!
"Oh. You must be Purple." Tumayo ang lalaki.
"A-ah, hehe, ano, sorry. Bye!" Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.
Tumawa siya dahil sa reaksyon ko. "I'm Lance, Lincoln's brother." Sabi nito habang nakangisi.
Sasagot na sana ako pero may narinig akong nagsalita sa likod ko.
"Take your hands off of her or I'll cut it." Malamig ang boses na sabi ni Lincoln.
Tumawa lang si Lance at nilingon ang kapatid.
"By the way, iuuwi ko na si Maria."
Nagulat naman ako nang sampalin siya ni Maria.
"Who the hell is Maria?! I'm Alliyah!" Galit na sabi nito at umalis na.
Napailing-iling na lang si Lance at nagpaalam na bago umalis.
Nilingon ko si Lincoln na hanggang ngayon ay wala pa ring imik. Iniiwas niya ang tingin sa akin nang tumingin ako sa kaniya. Aalis na sana siya pero hinawakan ko sa braso. Nanigas naman siya dahil doon.
"Tss. A-aalis na ako." Malamig na sabi nito.
Hmph.
"Bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong nagawa ah? And kung meron, edi sorry. I don't want you mad. Please?" I displayed my infamous puppy eyes.
Pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman. Pero natalo siya dahil niyakap niya ako at binaon ang mukha sa leeg ko.
"Damn it. I can't stay mad at you."
Napangiti naman ako dahil doon. Hmm. Softie.
Nagpunta kami sa kwarto at umorder ng pizza. Tatapusin namin iyong series na pinapanood namin.
"By the way, bakit nandito iyong kapatid mo? Kailan dumating? Bakit hindi ko alam?"
"Are you interested in him?"
Kinurot ko ang pisngi niya. "No. I'm just asking. Seloso ka naman."
"Nandito na siya bago pa tayo dumating. Akala ko ay siya lang. Nagdala pala ng babae. Kung alam ko ay hindi ko papayagan dahil ayokong tumira ka sa ganong lugar."
Tumango-tango naman ako dahil sa sinabi niya.
"And he likes you." Dagdag na sabi nito.
Parang lason sa bibig iyon dahil ang gara ng reaksyon niya nang sabihin iyon.
"Oh?"
"Yes. Noong nalaman niya na may kinababaliwan ako ay tinanong niya. Gusto ka ngang pormahan pero napigilan ko. You're mine, Saria. Mine only."
BINABASA MO ANG
Her Impromptu Wedding
Teen FictionLast night, she was all high and drunk at her sister's best friend's bachelorette party. And the next day, she'll be the one getting married. What the hell is going on?