Prologue

20 2 0
                                    

Watching the stars in the dark sky. The dark sky, I used to love. Used to live with. The dark that question myself everyday. It make me remember how and why it made me. 

Everytime I see the dark I just feel hopeless, I just feel that I shouldn't live. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat akong magtago sa dilim, dahil dadating ang panahon na magkakaroon din ng liwanag. In the very dark sky, we have stars to light it up.

"Nakikita mo ba yon?" Tanong sa akin ng lalaking katabi ko habang tinuturo sa akin ang isang bituin.

"Hmm yeah, anong meron doon?"

"Yun ang pinakamaliwanag na bituin na nakikita ko ngayon." nakangiting sabi nya.

That smile, the perfect nose, and the mysterious eyes. I love everything about him.

"They say that the brightest star that you'll see is one of your loved one's who past away."

Wala akong sinabi at hinayaan lang syang magsalita. Nag-eenjoy pa akong titigan ang kanyang mga mata.

"Kapag ako nawala and you miss me, just look for the brightest star okay?" he said while smiling at me.

Biglang nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa mga sinabi nya. 

"Baliw ka ba? Anong kapag ikaw nawala? Iiwan mo ko?" Galit na singhal ko sa kanya at hinampas siya sa braso.

"Joke lang, di kita iiwan." natatawang sabi nya sakin habang naglalambing na yumayakap.

I didn't say anything, I just want to nurture the moment. I don't want this feeling to fade.

"Pero seryoso, kapag ako nawala tingnan mo lang yung pinaka maliwanag na bituin, palagi mong tatandaan na lagi kitang binabantayan."

"Paano ko naman malalaman na ikaw yon? Ang dami daming maliwanag na bituin, oh." tinuro ko ang mga stars na halos nakapalibot sa amin.

"Di ko din alam." he almost whispered. "Pero malalaman mo."

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Nagkatinginan kami ng ilang segundo. 

Ngumuso ako. "Di naman mangyayari yon, di ko na kailangan alamin."

Bumitaw siya ng pagkakayakap sa akin. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa likod at binuhat ang sarili habang nakatingin sa kalawakan.

Napatingin ako sa kanya dahil sa biglaang pagtanggal ng yakap niya.

"Bakit?" rinig ko ang sarili kong takot sa pagbigkas ko ng salitang iyon.

"Alam naman natin na hindi natin hawak ang future, right?" lumingon siya sa akin ng seryoso.

Natakot ako don. Ano bang pinagsasabi niya. Alam ko yon syempre, yung mga nangyayari pa nga lang ngayon hindi ko hawak e pero masaya ako.

Pero yung tono niya parang may pinapahiwatig. Oh sadyang nagiisip lang talaga ako nang iba. 

"Oo.. alam ko naman." tumawa ako para maibsan ang awkwardness. "Bat ba ganyan ka magsalita?"

Tinitigan niya ako. "Para handa ka."

I glared at him and yawned.

"Inaantok na ko," sabi ko na lang at sumandal sa balikat niya.

"You can always sleep in my shoulder." he said and kiss my forehead.

Kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ay ang paggising ko sa katotohanan, katotohanang isa lamang iyong panaginip. Isang napakagandang panaginip.

Unexpressed BlindnessWhere stories live. Discover now