Magsasalita pa sana ko pero may narinig na kong natakbo palapit sa amin.
"Belle!" rinig kong sigaw ni Jc.
Nalaman kong nakalapit na siya nang maramdaman ko ang braso niya sa balikat ko.
"Ikaw lang? Nasan si Gen?" Tanong ko sa kanya nang wala akong marinig na boses ni Gen.
"Ah! Naiwan doon sa loob kasama sila Sol at Hanie." tumigil siya saglit. "Ay ikaw pala Sir Yhuan," Sabi niya nang mapansin siguro na may kasama ako dito.
Pero hindi ko narinig na sumagot yung Yhuan, sa halip ay narinig ko ang kanyang yapak papalayo.
Akala ko ay tuluyan na siyang umalis nang narinig ko pa siyang nagsalita. "Yhuan Ezekiel Abueva, tandaan mo ang pangalan ko at tatanungin ko yan sayo kapag nagkita ulit tayo"
At naramdaman kong tuluyan na nga siyang nakaalis.
Yhuan Ezekiel Abueva.
Isang napakagandang pangalan pero masama naman ugali ng nagmamay-ari.
Base sa pagsasalita ni Mrs. Abueva ay mukha naman siyang mabait, pero bakit kaya ganon ang ugali ng anak niya?
At tandaan ko daw ang pangalan niya? Sino ba naman makakalimot sa tulad niya?
Antipatiko! Tatanungin niya ko pagnagkita ulit kami?
Hindi niya pa rin ba gets na hindi ako nakakakita?
Tsaka hinding hindi na ko makikipag usap sa kanya no!
"Hoy Belle ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Jc kaya natauhan ako.
"Ha? Oo naman, bat naman hindi?"
"Magkasalubong yang kilay mo e, ano bang ginawa sayo ng Yhuan na yon?" Tanong niya sakin.
"Pwede ba Jc wag natin pagusapan yung antipatiko na yon? Tara na nga baka hinahanap na tayo nila sister" pagyaya ko sa kanya.
YOU ARE READING
Unexpressed Blindness
Teen FictionShane Isabelle is a girl who can see the cruelty of the world and also stuck by her past met the boy Yhuan who's blinded by the truth.