Chapter 7

4 0 0
                                        

Nabuhayan ako ng loob sa mga papuring ibinigay sa akin ni sister at ng mga bata. 

Pakiramdam ko ay mas madami pang bagay ang kaya kong gawin kahit na may kapansanan ako. 

Kaya naisipan ko na sa susunod na araw ay susubukan ko ang ilang mga bagay katulad ng pagtugtog.

"Ano yan? Art mo na bang matatawag yan?" rinig kong sabi ng isang tinig at kinuha ang aking ipinipinta.

Palibhasa ay umalis na si Sister Letty kaya malakas ang kanyang loob na awayin ako dahil alam niyang di ako magsusumbong.

"Wow ha! At mata pa talaga ang pininta mo? Ano umaasa kang makakakita ka pa din? Kung mayaman ka, Belle pwede ka pang mangarap, pero sa estado ngayon ng buhay mo? wala nga atang gustong magdonate para makatulong sayo" 

Minsan ay hindi ko na din maintindihan si Chi. Sa mga simpleng bagay na ginagawa ko ay palagi siyang may nasasabing pagkakamali ko at ang maliit na bagay na yon ay palalakihin niya at dinadala sa aking pagiging bulag. 

Alam ko namang bulag ako at hindi nila yon kailangang ipaalala sa araw araw. Minsan ay nakakawalang pagasa nalang din ang mga sinasabi nila sakin dahil di ko maitatangging mas malapit sa katotohanan ang mga yon kaysa sa mga pinapangarap ko. 

Ngunit sabi nga ni Gen hindi ko dapat pinapakinggan ang mga salitang nagpapababa ng tingin ko sa aking sarili, dapat ay palagi kong iniisip na sa bawat bagong umaga ay may bagong pag asa.

"Ano di ka makapag salita? Pipi ka na din ngayon? o nahiya ka kasi tama ako na hindi maganda tong gawa mo?" 

"Ano ka ba Chi syempre di naging pipi yan, nahiya lang talaga siya kasi narealize niya na ang bulag na kagaya niya ay wala ng magagawa pang maganda" Pagsegunda ni Kath kay Chi.

"Ano ba ate Chi at ate Kath! Palagi nyo nalang niaaway si ate Belle!" Pagsuway sa kanila ng batang si Hanie.

"Kung ako sayo Hanie mananahimik nalang ako" Sagot ni Kath.

"Diba tinuturuan din kayo ng values ate? Kaya dapat alam nyong bad ang mangaway sa kapwa" sabi naman ni Sol.

"Kaya nga ate Chi at ate Kath tsaka maganda kaya gawa ni ate Belle, nakita ko nga dati yung pinaint nyo e pero mas maganda yung kay ate Belle kahit di sya nakakakita" Hindi ko alam kung paano patitigilin sila Hanie at Sol. Maliban sa deredretso sila magsalita ay may punto ang mga sinasabi nila at halatang pinapahalagan nila ang mga tinuturo sa amin tungkol sa values.

Nagpatuloy sila Hanie at Sol sa mga sinasabi nila nang may narinig ako na malakas na tawa.

"Ano ba yan Chi at Kath mas alam pa ng mga bata ang good manners." Sabi niya at tumawa ulit.

"Gen.." Sabi ko na tila nakikiusap na tumigil siya dahil alam ko na mangyayari kapag nagpatuloy pa siya sa pagtatanggol sa akin.

"Paano kaya kapag nalaman nila Sister na ganyan ugali nyo? Ang mga mababait na si China at Kathrine ay nangaaway at pinangaralan ng mga bata?" Gen said with humor in her voice.

Totoo ang mga sinabi ni Gen na sa harap nila sister ay mababait sila Chi at Kath, isama mo pa si Nith. 

Sabi sakin ni Gen dati ay sabihin ko daw kila Sister ang mga ginagawa nila Chi sa akin pero sabi ko sa kanya ay ayos lang yon. 

Sinabi niya pa sa akin na kapag di ko daw sinabi ay nagsisinungaling na din ako non. 

Pero hindi naman pagsisinungaling yon dahil wala namang tinatanong sila Sister sa akin. At kapag nagtanong naman si Sister ay hindi ko alam ang isasagot dahil ayaw ko din namang mapagalitan sila Chi dahil sa akin.

Unexpressed BlindnessWhere stories live. Discover now