"Mama, ano pong gagawin natin dito sa mall? Sino po ba yung ipapakilala mo sakin? Mama, gusto ko bili muna tayo ice cream!"
Sunod sunod na sabi ng isang batang babae sa kanyang ina habang nakakapit sa mga braso nito. Ang bata ay nasa limang taong gulang pa lamang
"Bibilhan ka ni mama ng ice cream pero makikipagkita muna tayo sa ipapakilala ko sayo, okay?" Nakangiting wika sa kanya ng mama nya.
Wala ng nagawa ang bata kung hindi ang maglakad sa mall habang nakahawak sa kanyang ina. May nakita syang tindahan ng mga laruan kaya napabalik pa ang tingin nya dito at di namalayang nabunggo sya sa isang batang lalaki.
Tinulungan ng nanay ng batang babae ang lalaking nabunggo ng anak niya.
The girl is just standing in front of the guy and looking in his eyes, there's something in his eyes, she can't stop herself looking at him.
"What? Are you just going to stare at me?" Tanong ng batang lalaki na nagpagising sa kanya sa reyalidad.
"U-Uhm... Sorry d-di kasi ako nakatingin sa d-daan, natumba ka pa t-tuloy"
And she was surprised because the boy smiled at her.
"Akala ko nagalit siya sakin" sabi sabi nya sa isip nya.
"I'm fine, don't worry. I'm sorry because I'm not looking where I am heading to"
"Ano ba yan puro english, e di naman ako magaling magsalita nyan" sabi nya ulit sa isip nya.
Nginitian nya nalang ang batang lalaki kahit wala syang naintindihan sa pinagsasabi nito.
"Ezekiel!" A woman in her mid-30s called the boy.
"Mom!" Tawag pabalik ng batang lalaki at naglakad na papunta sa kanyang ina.
"Ezekiel" ulit ng batang babae sa pangalan nito.
"Yes that's my name, don't forget about that ha?" The boy said and run towards his mom.
Paulit ulit lang na iniisip ng batang babae ang pangalan ng lalaking nakilala nya at ang mga mata nito hanggang sa makarating sila sa dapat nilang puntahan.
Isa itong restaurant at dumeretso sila sa isang lamesa na may naghihintay na isang lalaki na mas matanda lang ng ilang taon sa kanyang ina.
"Anak ito ang tito arthur mo, ang boyfriend ko" Pagpapakilala ng ina nya sa lalaking nasa harapan nya ngayon.
"Arthur, ito naman ang anak kong si Isabelle"
Gustuhin man ngumiti ng batang babae ay hindi nya magawa dahil habang tinitingnan nya ang lalaking nasa harapan nya ay iba ang nararamdaman nya. Parang nakaramdam sya ng hindi kaligtasan, ng isang kapahamakan.
"Ano ba kasing ginawa mo kay Belle? Kahit kailan ay hindi pa siya napahamak kapag kami ang kasama niya, kaya ano ang ginawa mo sa kanya?!"
"I didn't do anything to her, okay? I'm just playing a piano and then she fainted!"
"Tigil tigilan mo ko sa kakaingles mo ha at wala akong maintindihan."
Rinig ni Belle na sigawan pagkagising pa lamang nya. Nagmulat sya ng kanyang mata at syempre, kahit magmulat sya ay wala pa ding pinagkaiba, kadiliman pa din naman ang makikita nya. Gusto man nyang makakita ng ibang kulay ay hindi na siguro sya lulubayan ng kulay ng kadiliman. Mapait na lamang syang napangiti sa kaisipang ito.
"Belle, gising ka na!" Masayang wika ni Jc.
"Anong nangyari?" Tanong niya dito.
"Ano? Hindi mo maalala? May amnesia ka na Belle? Belle ako to si Jc, yung kaibigan mo! Naalala mo ba ako Belle?"
Napailing si Belle sa reaksyon ni Jc dahil tinatanong lang naman niya kung anong nangyari, nagisip na agad ito na may amnesia siya.
"Ano ka ba wala akong amnesia!" Sabi niya sabay hampas sa braso nito na nasa gilid.
"Aray!" sigaw ni Yhuan.
Nagulat siya dahil akala niya si Jc ang nasa tabi niya kaya komportable siyang hampasin lamang ito.
"Sorry! Akala ko kasi nasa kanan ko si Jc e, sorry talaga"
"No, that's fine. I understand that you can't see" sabi niya na nakapagpatahimik sakin
Dahil maraming beses na ang mga pangyayaring ganito. Dahil sa hindi makita ang nasa paligid ay madalas ang mga pagkakamali niya. Iniisip niya na siguro hindi muna siya magkikilos upang hindi na siya makagawa pa ng mali.
"Lahat nalang din kasi ng ginagawa ko ay palpak. Minsan ay may tumatama sa ilan kong ginagawa pero di ko naman dapat laging asahan na palaging ganon, swertehan nalang siguro. Pero naalala ko na puro kamalasan nalang pala ang nangyayari sa buhay ko, ayaw makipagkaibigan sakin ni swerte." yan ang bulong niya sa kanyang sarili.
"U-Uh.. I mean ano-"
"Hindi Yhuan ok lang, wala namang masama sa sinabi mo, yun naman yung totoo" pagputol ko sa sasabihin nya.
"Ah oo nga pala sila sister at Gen nasa labas kausap yung doktor" Magiliw na sabi ni Jc upang mabawasan ang awkwardness.
"Doktor? Bakit may doktor?" Nagtatakang tanong niya.
"Tanong mo dyan kay Yhuan, sya nagsabing dalhin ka dito e. Wait lang ha, tingnan ko lang sila Gen sa labas"
"Dinala ka kasi namin sa Hospital" sagot ni Yhuan.
"Di naman kailangan ng doktor e, baka kulang lang ako sa tulog o kaya sa kain"
"But still, you need to be checked, it's for your own sake, Isabelle"
"Bakit naman? Wala naman akong nararamdamang masama e"
"Hindi pa ba sapat na rason yung pagkahimatay mo?"
"Sus! Kulang lang ako sa tulog"
"At ano naman ang dahilan ng pagpupuyat? Are you thinking about something? Is there something bothering you? What is it, then?"
Grabe naman to sunod sunod kung makapagtanong, pwede bang isa isa lang? Mahina ang kalaban.
Tsaka ano yung tanong nya? What am I thinking? Paano ko naman sasabihin sa kanya na sa sya yon.
Ano yon sasabihin kong "I'm thinking about you, you keep on bothering me, I can't sleep without thinking if you're fine."
"Oh, so It was me you're thinking about huh" He said.
WHAT? nasabi ko ba ng malakas yung nasa isip ko? hala patay na, ano na kayang iniisip ni Yhuan tungkol sakin. Na crush ko sya? Yuck ha, never yon mangyayari.
"And now you can't speak. So what is it bothering you?" Tanong nya pa ulit
"Ayan na naman ang englishero" rinig kong sabi ni Jc na kababalik palang. Salamat naman at bumalik sya dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Yhuan
"Akala ko ba ay may mga nagtuturo sa orphanage? Di ba kayo tinuturuan ng english?"
Sana di na maalala ni Yhuan yung topic namin kanina.
"Naturuan naman kami pero di kami kasing bihasa katulad mo at tsaka hindi ako sanay gumamit ng english, bumabaluktot ang dila ko"
Totoo yung mga sinabi ni Jc, Hindi kasi pinaka-priority na ituro samin ang english, mas binibigyang pansin ang values dahil ito ang pinaka importante sa lahat.
"Pero itong si Belle, yan ang pinaka magaling samin magsalita ng english" Sabi ni Jc at naramdaman kong tinap nya ang balikat ko na parang nagyayabang
"Oh I see. She speak in english kanina and I can say that she's really good in it." Sagot ni Yhuan, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nakangiti sya habang sinasabi yon.
Di ko nalang sya sinagot dahil baka bumalik na naman kami sa mga tanong nya kanina na hindi ko naman alam kung paano sasagutin.
"So, How did you learn in speaking english? I mean, you're really good at it and you're not stuttering while talking"
"I learned it since when I'm a kid, there's someone who teach me in speaking that language, in exchange I will teach him to speak in tagalog."
Naalala ko na naman sya. Kamusta na kaya sya? Naaalala nya pa din kaya ako? I miss him. I miss you, Kiel.
YOU ARE READING
Unexpressed Blindness
Teen FictionShane Isabelle is a girl who can see the cruelty of the world and also stuck by her past met the boy Yhuan who's blinded by the truth.