"Sister, siguro naman po pwede na tayong umuwi. Okay naman na po ako." bulong ko sa kanya.
Napayuko ako pagkatapos kong sabihin iyon. Nagpapasalamat ako sobra na kahit simpleng aksidente lamang ang nangyari sa akin ay kailangan pa nila akong dalhin sa ospital.
Pero kasi mas gusto ko pa na magpahinga sa orphanage kaysa dito. Ayos naman na ako, hindi ko na kailangang magtagal pa dito. Sa tingin ko mas lalong lala ang sitwasyon ko kung pipiliin pa nilang magstay ako dito ng isa pang araw.
"Doc, sigurado po ba kayo na pwede sa orphanage na lang siya magpahinga?" tanong ni Sister Letty.
"Doc, gusto ko na pong-"
"Isabelle, wag nang makulit. Kung sasabihin ng doktor na mananatili ka pa dito ng isang araw ay mananatili ka. Para rin naman to sa kalusugan mo, maliwanag?" sabi sa akin ni Sister Ruth.
I pursed my lips and sigh.
Siguro nga wala akong magagawa kung kailangan ko pang manatili dito. Kung sabagay uuwi pa rin naman ako, di naman ako iiwan nila sister.
"Sa kalagayan ng bata ay medyo okay naman na siya, kailangan lang talaga ng pahinga at madalas na paginom ng tubig. Na-trigger lang talaga ang utak niya sa mga memoryang hindi na dapat inaalala."
Napatahimik kaming lahat ng banggitin ni Doc ang tungkol sa memories na lumabas bago pa ako mahimatay. Parang bigla ko ulit naalala lahat.
Pumikit ako. Hindi ka dapat matakot Belle. Walang magagawa ang takot mo. Hindi niya ako masusundan dito. Alam kong mas ligtas ako sa orphanage. Yun lang ang safe zone ko sa ngayon, kaya sana makauwi na kami..
"Kaya sige, magayos na kayo ng gamit at pwede na rin kayong umuwi." narinig ko ang pag-ngiti ni Doc at Sister.
Napangiti rin ako. Sa wakas! Akala ko mahabang pilitan ang mangyayari.
Tinulungan ako ni Sister Ruth na mag-ayos ng sarili habang si Sister Letty naman ay tahimik na nag-aayos ng gamit.
Pagkatapos magbayad ay dumating na rin ang van na pagmamay-ari ng orphanage mismo. Tinulungan kami ni kuyang driver na akyatin ang gamit at tulungan din sila Sister na sumakay.
Habang nasa byahe ay ang daldal ni Sister Ruth pero ang tahimik pa rin ni Sister Letty sa tabi ko.
Dahan dahan kong inabot ang kamay niya. Nang maramdaman ko na ay hinawakan niya rin ito gamit ang isa pa niyang kamay.
"Bakit po ang tahimik niyo ngayon, Sister?" tanong ko dahil nagtataka talaga ako. Iba ang pagkatahimik niya, parang may bumabagabag sa kanya.
"Napapaisip kasi ako kung okay lang ba talaga na umuwi ka na? Hindi kaya kailangan magstay ka muna kasi baka kung ano ulit na malala ang mangyari sayo." alalang sabi ni sister.
Napangiti ako at sumandal sa balikat niya. "Sister wag na po kayong mag-isip ng kung ano, ayos na po ako. Mas gagaling ako kapag nasa orphanage kasi atleast dun nakikita niyo ako, kayo mag-aalaga sa akin. Hindi na kayo mag-aalala diba po?"
"Hay nako kang bata ka. Syempre sino ba ang hindi mag-aalala diba? Sa tingin ko nga mas mag-aalala ako kung nasa orphanage ka kasi baka mali ang ginagawa namin."
I giggled. "Tiwala naman ako sa inyo Sister. Walang mangyayari sa akin lalo na kung alam kong nandiyan lang kayo sa tabi ko."
Mas lalo kong siniksik ang sarili ko sa braso niya.
She brushed my hair lightly and didn't say any word.
"Matulog ka muna at gigisingin na lang kita kapag nandun na tayo."

YOU ARE READING
Unexpressed Blindness
Teen FictionShane Isabelle is a girl who can see the cruelty of the world and also stuck by her past met the boy Yhuan who's blinded by the truth.