"Bakit ka nandito? Nasaan si Jc?"
Kinalma ko ang sarili ko pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Bakit ba ako kinakabahan? Siya lang naman yan. Siya lang naman yung nakakainis na lalaki na naninigarilyo dito. Siya lang naman yung lalaking antipatiko. Ang lalaking ang babaw ng tingin sa akin.
Kaya bakit ako kinakabahan? At bakit rin siya nandito, pagkatapos niyang hindi magpakita--
Nevermind.
"Diba sabi ko babalikan kita?" seryoso niyang sabi.
Umayos ako ng upo at lihim na ngumisi.
Isang hilaw na ngisi.
Babalikan pala, huh?
"Bakit ngayon pa?" bulong ko. Minsan sana ang daming tao dito kasi kahit bulong lang yun para sa akin, rinig pa rin niya kasi kami lang naman dalawa nandito.
"It's better now than never"
"Okay."
"Anong okay?"
"Okay." ulit ko. Ano bang dapat explanation dun? Okay, okay na. Kailangan pa bang i-describe?
"Ang sungit." he giggled.
Inayos ko ang buhok ko at muling naalala ang kanina kong tinanong sa kanya.
"Bakit ka nandito?" tanong ko.
Okay na ulit, tapos babalik siya dito. Dapat di na lang siya bumalik. May bago na akong pinagkakaabalahan dapat dun na lang ako nakafocus.
Nasan ba kasi si Jc? Sabi niya dito daw ah.
"Bawal ba?" maangas niyang sagot.
"Bakit ka nga nandito?" medyo pasigaw kong tanong. Naiinis talaga ako. Bigla na lang nangyayari itong ganitong reaksyon ko. Lagi lang naman ako kalmado pero pagdating sa antipatiko na to, hays.
"Sinagot ko tanong mo kanina, hindi mo lang naintindihan." sagot niya. Narinig ko ang mga yapak niya papalapit sa pwesto ko.
"Ano?" taka kong tanong.
Ano nga ulit sinabi niya? Kung saan saan pumupunta utak ko.
"Bakit di mo na lang sabihin?" tanong ko muli at kinapa ang piano na nasa harap ko.
Muli ko ulit narinig ko ang dahan dahang yapak niya papalapit sa akin. Hanggang sa tumunog ang piano, napindot niya ata.
Dahil ang tahimik ng paligid habang naglalakad siya ay nagulat ako sa biglang pagtunog. Napatalon pa ako kaya tumawa na naman siya.
Aish! Napahiya pa ako.
"Tawa ka?" inis kong tanong.
Agad naman tumigil ang tawa niya. Mabuti naman.
Pero dahil tumigil siya, bigla naman naging awkward dahil wala nang nagsasalita sa amin. Dagdagan mo pa na sobrang tahimik dito na parang kami lang talagang dalawa.
Sana naman pumunta dito sila Hanie at Sol o kaya mas mabuting si Jc na lang.
Puntahan ko na lang kaya? Oo tama! Bat ngayon mo lang naisip yan Belle? Tama nga talaga sila Cha sa expression nila sa akin.
Tatayo na sana ako para umalis na nang magsalita si Yhuan.
"Tinatanong mo kung bakit ako nandito.." tumigil siya saglit. "Hindi ba obvious na dahil sa iyo?"
YOU ARE READING
Unexpressed Blindness
Fiksi RemajaShane Isabelle is a girl who can see the cruelty of the world and also stuck by her past met the boy Yhuan who's blinded by the truth.