Chapter 12

1 0 0
                                    

"The day ends with the sunset and there's no happy ending because the ending itself is sad, but every time I'm watching the sunset I realized that not all ending is sad because some things will end for a good reason, for a new beginning"

Maya-maya ay rinig kong sabi ni Yhuan habang nakaupo pa din kami sa may bench.

Ano kaya yung new beginning when I ended seeing things? Aish wag na ngang isipin yan

"Namiss kong manood ng sunset" sagot ko nalang sa kanya

"So you're always watching the sunset before?" He asked

"Hmm... Oo" nakangiti kong sagot nang may maalala

"I like that smile of yours, care to share what is the reason behind that beautiful smile?"

"May naalala lang" mahina kong sagot sa kanya

Nakakahiya naman kasi siguro kung bigla nalang ako magkwento sa kanya diba? Pero sya naman nagsabi na magkwento ako ah?

"Ano yang naalala mo?"

"Sure kang gusto mong malaman? O sadyang wala lang talagang mapagusapan kaya nagsesettle ka nalang dyan?"

Hala Isabelle! Ano ba naman yung tanong mo sa kanya? Buti pa nga nakikipagusap sayo yung tao e.

"Nah, I'm really curious. I want to know you more"

"Oh, well... Ano ulit yung tanong mo?" Tanong ko sa kanya

"Kung ano yung naaalala mo sa sunset"

"Hindi ano yon, kundi sino" pagtatama ko sa kanya

"Kaibigan mo? Babae o lalaki?"

"Lalaki sya, kaibigan ko. He's my first best friend. Naaalala nya pa kaya ko?" Tanong ko habang nakatanaw sa sunset kahit di ko naman talaga ito nakikita.

"Oh, so di mo na sya nakakasama ngayon? I thought it's JC" natatawang sabi ni Yhuan

"Hindi si JC no! Naging kaibigan ko to nung nakakakita pa ko"

"How old are you that time?"

"5 years old?" Patanong kong sagot sa kanya kasi di ako sigurado kung ilang taon ba ko non, ang bata ko pa kasi

"You're not sure about your age but atleast, you still remember him huh?"

"Di ko sya makakalimutan, di pa nga ko nakakapagsorry sa kanya e"

"Bat ka naman magsosorry sa kanya?"

Naalala ko na naman, yung umalis akong di nagpapaalam sa kanya. There's a lot of question in my head after that day. Palagi pa din kaya siyang napunta doon sa may park? Hinihintay niya pa din kaya ako tuwing uwian nila? Nalungkot ba siya noong hindi na ako bumalik? O masaya siya kasi wala na yung batang makulit na babae na hirap na hirap siyang turuan ng english? Sobrang daming tanong na hindi pa din nasasagot.

Pero what if araw-araw niya pa din kaya akong hinintay? Umasa ba siyang babalik pa din ako? Siguro hindi, kasi di naman ako kawalan sa kanya. But I still need to apologize for not saying goodbye. But now, how?

"Oh sorry ayaw mo bang pagusapan?" Tanong ni Yhuan na nagpagising sakin mula sa pagiisip

"Ah hindi ok lang, ano ulit tanong mo?"

"Kung bakit kailangan mong magsorry sa kanya?"

"I left him without saying goodbye, kailangan kong mag-sorry diba? Kasi paano kung hinihintay niya pa din ako?" Tanong ko at tingin sa direksyon ni Yhuan

"Oh, so iniwan mo siya ha? Masakit kayang maiwan nang walang paalam"

Hala ako pa naging masama, pero di nga naman kasi talaga maganda yon pero di ko naman gustong umalis noon e.

Unexpressed BlindnessWhere stories live. Discover now