Chapter 1

12 1 0
                                    

Disclaimer: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

____________


"Nandito ka lang pala Belle, kanina ka pa namin hinahanap e"


Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Genesis.


Pakiramdam, eto nalang ang tanging nagagawa ko. Ang pakiramdaman ang nangyayari sa paligid ko.


"Bakit mo ko hinahanap?" tanong ko sa kanya.


"Ah, narinig ko kase sila Sister Ruth kanina na pinaguusapan na may bibisita daw sa atin sa susunod na araw! Excited na ko Belle, makakatanggap na naman ako ng mga mgagandang damit!" magiliw nyang pagkekwento sa akin.


"Bakit ka nakikinig sa usapan nila Sister Ruth? Gen, alam mong masama yan" pangangaral ko sa kanya.


Dito na ako lumaki sa orphanage, sila Sister Ruth na ang tinuring kong magulang. Si Genesis naman ang aking naging kaibigan. Nakakatuwa ang pagiging madaldal nya, hindi sya nauubusan ng kwento bawat araw. Hindi din syang napapagod na samahan ako kahit saan ako magpunta.


Kahit may kulang sa akin, pakiramdam ko pa din na ang swerte ko dahil sa mga tao sa paligid ko.


Narinig namin na tumunog na ang bell, hudyat na oras na ng tanghalian.


Tumayo na ako at naramdaman kong tumayo na din sa gilid ko si genesis. Agad nyang kinuha ang kamay ko para alalayan ako sa paglalakad.


"Ano kayang ulam ngayon? Sana naman hindi munggo" nangangarap nyang sabi.


"Huwag ka ng umasa Gen, biyernes ngayon"


"Hay nako, friday is munggo day na naman!"


Inis nyang sabi at nabitawan pa ang pagkakahawak sa kamay ko kaya muntikan na akong madapa dahil paakyat na pala ang daan.


"Ano ba Gen! Bat mo naman binitiwan ang kamay ni Belle? Pano kung di ko sya nasalo? Edi nadapa na sya dito?!" Inis na sabi ni Jc kay Gen.


Si Jc ay kaibigan din namin ni Genesis. Madalas silang mag away dalawa at tuwing natatalo na ang isa sa kanila ay lumalapit na sa akin upang humanap ng kakampi. Silang dalawa na ang naging kapatid ko dito sa loob ng bahay-ampunan.


"Hala sorry Belle. Sorry talaga, ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Gen at hinawakan pa ang mga braso ko, tinitingnan nya siguro kung may sugat ako.


"Ano ka ba wala yon, tara na gutom na ko" anyaya ko.


Pagkapasok namin sa loob ay rinig na rinig ko kaagad kung gaano kaingay. Hindi naman siguro kami naubusan ng pagkain no?


Unexpressed BlindnessWhere stories live. Discover now