Chapter 10

4 0 0
                                    

Masayang kinuha ni Belle ang ice cream na binili nya sa nagtitinda sa may parke nang makita nya ang isang bata na nadapa at umiyak na nang umiyak.

Nilapitan ito ni Belle at iniabot ang ice cream na dapat ay para sa kanya.

"Bata oh, sayo nalang to basta wag ka na iiyak" sabi niya saboy abot sa bata na nakaupo pa din sa damuhan.

Tumingin sa kanya ang bata at habang tinitingnan nya din ito ay nakaramdam sya na parang pamilyar ito.

Tiningnan ni Belle ang kabuuan ng batang lalaki.

"Naka-uniform sya katulad ng sa mga estudyante dito. Mas matanda siguro sya sakin pero ang iyakin naman" isip niya.

"I don't want your dirty ice cream! It contains a lot of germs." masungit na sabi ng batang lalaki at nagpatuloy sa pagiyak.

"Kahit di ako ganon kagaling sa english, naintindihan ko pa rin ang sinabi mo! Nanonood kaya akong peppa pig tuwing umaga! Kung ayaw mo kumain nito edi wag, di ka naman pinipilit e. Dyan ka na nga batang lampang iyakin."

Sa sobrang inis niya ay tinalikuran na lamang niya ito.

"Ang sarap sarap kaya nito, paborito ko kaya tong ice cream na to." Bulong bulong ni Belle habang naglalakad palayo.

"W-Wait! Bata!" Tawag kay Belle ng batang lalaki.

"Hindi Isabelle wag kang haharap, napaka arte non, wag kang kakausap ng mga maarte."

"Bata! Comeback here please."

"Bahala sya dyan Belle, wag mo syang papansi--"

"Ouch! I can't stand. M-my feet!"

"Hay nako! Ano ba yan!"

Hindi na din napigilan ni Belle na hindi tulungan ang batang lalaki dahil turo sa kanya ng mama nya ay tumulong sa kapwa kung kaya naman.

Kahit na naiinis siya ay binalikan niya ang batang lalaki at tinulungan itong tumayo. Dinala niya ito sa malapit na duyan at ibinigay ang ice cream.

"Arte arte mo pa kanina, kakain ka din pala"

"I didn't know na it's delicious pala e"

Dahil wala nang makakain si Belle ay bumili na lang ulit siya ng para sa kanya at sabay na ulit silang kumain.


"Bat ba puro ka english, di ko naman maintindihan lahat ng sinasabi mo" iritang tanong ni Belle.

"I grew up in States that's why I can speak in english very well. How about you? You always speak in tagalog, I'm not sanay pa naman so I can't understand you sometimes"

"Kasi po di pa naman ako nagaaral kaya di pa ko marunong mag-english"

"You're not studying yet? So, I'm mas matanda?"

"Yes, you're mas matanda but you're iyakin" sabi ni Belle habang natatawa at ginagaya ang pagka-conyo ng batang kausap nya.

"I'm not iyakin. It's just that, uhm.. m-masakit yung sugat"

Nagkibit balikat at hindi na sya sinagot ni Belle. Tinuloy nalang nila ang pagkain. Ilang sandali ay muling nagsalita ang batang lalaki.

"Are you always here?"

"Di naman, pero malapit lang bahay namin dito"

"What? Malapit? The what?"

"Hay nako! My house!" Naiinis na sabi ni Belle sa batang englishero.

"Your house is malapit? What is malapit?"

Pilit inisip ni Belle ang english ng salitang sinasabi ng bata pero hindi talaga nya maisip.

Unexpressed BlindnessWhere stories live. Discover now