Nasa harap ako ng bintana. Sabi ni Gen ay papalubog na daw ang araw kaya ang sabi ko ay iwanan na lamang niya ako sa malapit na bintana.
Kahit na hindi ko nakikita ang paglubog ng araw. Masarap pa rin sa pakiramdam na atleast natatapos ang araw na ito nang walang nangyayaring masama.
Nakatayo lamang ako at nakalagay ang mga kamay sa likod.
Bumabalik sa aking mga alaala ang kahel na kulay ng papalubog na araw. Napakaganda nitong tignan lalo na kung nasa dagat ka.
Bata pa ako noon kaya di ko alam na dapat pala sinusulit ko ang oras nang pagtititig doon.
Noon ay binabalewala ko lamang ito dahil ang nasa isip ko ay natural lamang iyon. Natural lamang na lumulubog ito at kinabukasan ay sisikat din dahil ano bang meron? Oo nga't maganda, lahat naman nang gawa ng Diyos ay maganda ngunit hanggang doon lamang. Maganda lang siya.
Ayun lang ang aking nasa isipin kaya umaalis ako agad kapag nasulyapan ko na ito. Siguro hindi ako umabot nang limang minuto man lang.
Hindi ko alam na dadating ang panahon na hahanapin ko ito. Hindi ko alam na magsisisi ako at hindi ko man lang ito tinitigan ng matagal.
Hindi ko alam na ako'y mabubulag at hindi na muli iyon makita.
Napalunok ako sa aking mga naiisip. Sadyang malupit ang tadhana sa akin. Ngayon ko lang kasi nalaman ang kahalagahan ng isang bagay na akala ko ay maliit, iyon pala ay malaki ang parte sa akin kung saan wala na ito. Kung saan hindi ko na ito nakikita.
Ang saklap.
"Hays. Bat pa kasi natambay dito kung wala lang din naman nakikita?"
Narinig kong tanong ni Chi. Sigurado akong siya yun. Sa paulit ulit na ganito, kilala ko na boses niya.
"Chi?" tanong ko at luminga ng kaunti.
"Oo ako nga, bulag." sabi niya.
Natanggal ang pagkakahawak ko sa aking kamay sa likod.
Nasaktan ako sa sinabi niya. "Wag mo naman akong tawaging ganyan."
"Oh bakit?" humakbang siya, ramdam ko yun kaya takot akong humakbang patalikod. "Lalabanan mo ako?"
I sighed. Yumuko ako at umiling.
"Hindi naman pala eh. Alam mo madalas talagang masakit ang totoo. At ang totoo sayo, bulag ka, walang makita, isang pabigat, feelingera. Nagtataka nga ako bat ka pa nandito," tumawa siya. "Eh, sa pagkakaalala ko hindi naman to para sa mga bulag. Hindi ka nababagay dito."
Mabilis ang paghinga ko. Halo halo ang nararamdaman ko. Takot, galit at hiya.
YOU ARE READING
Unexpressed Blindness
Teen FictionShane Isabelle is a girl who can see the cruelty of the world and also stuck by her past met the boy Yhuan who's blinded by the truth.
