Chapter 4

6 0 0
                                    

"So far, my favorite part is that all donations will go to the children's welfare. Give them the things they lack, the things they want, just for this day. Also repair the parts that needed, fix them immediately so that accidents are avoided." sabi ni Mrs. Abueva.


Ngumiti ako at nagpalakpakan kaming lahat.


Sa tono pa lamang niya ay malalaman mo na kaagad ang antas ng kanyang buhay. Marangya siya ngunit may mabuting puso. Napapangiti ako sa isipan na may mga tao pa ring kagaya niya. 


Sa gulo nang mundo ngayon. Sa gulo na nangyayari sa mga lugar. Sa gulo na nangyayari sa mga tao. May mabubuti pa rin na namamayani. May mabuti pa ring puso sa masamang mundo.


"Also, I want to thank my son for encouraging me to pursue it further."


Halos lahat ay nagpalakpakan o sabihin na natin na nagtilian. Halos lahat pala dito ay babae.


"Anong nangyari, Gen?" bulong ko.


"Pumunta yung lalaki sa tabi ni Mrs. Abueva-"


"Everyone I present to you my son, Yhuan Ezekiel Abueva."


Nagtaasan ang balahibo ko sa batok ng marinig ko ang pangalan nang anak ni Mrs. Abueva.


Nakatingin ako sa parte nila. Ayokong yumuko dahil para sa akin ay bastos iyon. Kahit na dilim lang naman ang aking nakikita kahit saan akong tumingin ay hindi parin maganda na nakayuko ako habang may nagsasalita sa unahan.


Nagpalakpakan sila at nagsimula nang magbulungan ang nasa parte namin.


"Kinikilig talaga ako.."


"Ang gwapo niya.."


"Lagi siyang nakatingin dito.."


"Sa akin kasi siya natingin.."


Kumunot ang noo ko. Ano bang meron at ganun na lamang sila kiligin?


Ngumiti ba ng bonggang bongga ang lalaki na nangangalang Yhuan?


Kinalabit ko si Jc na nasa tabi ko lamang.


"Anong nangyari at kinikilig sila?"


"Malay ko rin. Pumunta lang naman sa unahan tapos ngumiti. Wala namang nakakakilig doon." iritang sabi niya.


"Gwapo rin siya. Ayun ang nakakakilig." sabat ni Genesis.


"Tss lahat naman tayo nangiti. So kapag may ngingiti ba sa daan, kikiligin ka kaagad?"


"Pwede. Depende kung sino yung tao.."

Unexpressed BlindnessWhere stories live. Discover now