Pinaupo ako ni Gen sa pagitan nila ni JC.
Isa pa to, bakit na naman kaya sila nagaaway kaninang dalawa? Sanay naman na kong nagaaway sila pero ang pangit naman tingnan kung magaaway sila sa harap ng mga bata at lalo na dahil kakain na.
Tinuro din kasi nila Sister sa amin na masamang mag away sa harap ng pagkain.
"Uy JC bakit kayo nag aaway kanina ni Gen?" Tanong ko kay JC nung tumayo si Gen para kumuha ng tubig.
Ayoko kasing tanungin si Gen dahil alam ko naman na ang isasagot lang non "may bago pa ba? syempre epal na naman yang JC na yan, nakakainis nalang yan palagi"
"Ewan ko dyan sa bestfriend mo, pinapaalis ako dito kanina sa upuan kasi nauna daw si Tristan e dito naman talaga upuan ko"
"Bat di mo pa kasi pinagbigyan? Alam mo namang crush niyan si Tristan kaya syempre gusto niyang makatabi" bulong ko dahil baka di ko alam naririnig na pala ako ni Tristan.
"Ano? Ako magaadjust para kay Tristan? Bahala sila diyan, tsaka isa pa yan bakit may crush crush na? Bawal pa yang crush crush na yan sa inyo ni Gen" masungit niyang sabi.
Tumaas ang kilay ko doon. Makasalita naman tong si Jc.
Talaga bang bawal?
"Sundin mo na lang kasi siya, mag-aaway lang kayo lalo e." sabi ko habang kumakain pa rin ng dahan dahan.
"Oh mainit ha" paalala niya sa akin at nang makitang hindi naman ako napaso tinuloy niya ang pakikipag-usap sa akin.
"Alam mo dapat di mo talaga kinukunsinte yang si Gen, lumalaki ulo. Akala mo naman gwapo si Tristan."
Natawa ako. May galit na ba siya ngayon kay Tristan? Grabe siya makalait. Hindi naman magugustuhan ni Genesis yun dahil lang sa muhka diba? Sigurado akong may magandang katangian si Tristan na nagustuhan talaga ng kaibigan ko.
Ano kayang itsura nitong si Jc? Si Tristan din? Lalo na si Gen! I'm sure sobrang gaganda ng muhka nila. Sana nakikita ko sila para lagi ko silang mapuri kasi deserve nila yon.
Kung pwede nga lang araw araw ko silang puriin.
Napangiti ako pero bigla ring nalungkot.
Hanggang sana na lang ba talaga iyon?
"Diba?" narinig kong sabi ni Jc.
Lumingon ako sa gawi niya. Nakalimutan kong kausap ko nga pala siya. Kinalaban na naman ako ng kalungkutan. Gising Isabelle!
"Ha? A-ano yon?" medyo nahihiya kong sabi dahil baka kanina pa siya salita nang salita pero hindi naman ako nakikinig.
"Sabi ko hindi naman talaga gwapo si Tristan. Ang dami kong sinabi tungkol sa kanya pero ayun yung pinaka buod nun. Hindi gwapo si Tristan." explain niya.
"Nai-insecure ka ba sa kanya Josh Caleb?" simple kong tanong at tinuloy pa rin ang pagkain ng mainit na sabaw.
"Ano?! Ako mai-insecure? Huh!" gulantang niya na tinanguan ko lamang.
"Bakit naman ganon mararamdaman ko? Sino ba siya?"
Nakangiti akong nagkibit balikat. Etong kaibigan ko talaga kahit kailan OA. Ayaw na lang sabihin sa akin na affected siya na may gusto si Gen sa ibang tao.
Sandali kaming natahimik dalawa habang nakain ng narinig kong binaba niya yung kutsara.
"Shane Isabelle, bawiin mo ang sinabi mo sa akin kanina."
Tuloy ako sa pagkain. "Bakit ko naman babawiin? Tinatanong lang naman kita."
Ramdam ko na ang frustration niya. Lihim ako natatawa.
YOU ARE READING
Unexpressed Blindness
Teen FictionShane Isabelle is a girl who can see the cruelty of the world and also stuck by her past met the boy Yhuan who's blinded by the truth.
