Pagkatapos namin kumain ay dumeretso rin kami sa aming kwarto.
Nasa iisang kwarto lang kami ni Gen dahil din sa kagustuhan nila Sister. Upang matulungan ako nito sa mga bagay na hirap akong gawin.
Heto na naman ako sa pag-iisip na pabigat ako. Nahihiya ako sa kanya dahil nararamdaman ko na lagi na lamang siyang nasa tabi ko imbis na gawin ang gusto niyang gawin.
"Hindi mo kailangang mahiya sakin belle, dahil ginagawa ko to ayon sa kagustuhan ko. Dahil dito sa loob ng bahay-ampunan ay magkapatid tayo"
Yan ang naging sagot nya nung sinabi kong nahihiya ako sa kanya.
"Ikaw na muna ang maligo Belle. Maglilinis kase muna ako ng kwarto" sabi niya sa akin.
Nakaupo lamang ako sa kama.
Nang marinig kong sabihin niya iyon ay tumayo ako.
"Sige, pero pwede naman ako tumulong sa paglilinis" sabi ko sa kanya habang kinakapa ang damit sa cabinet.
"Hindi na Belle maligo ka na, pagkatapos mo ay siguradong tapos na din ako maglinis dahil kaunti lang naman ang kalat"
"Sige na nga" pagpayag ko.
Hindi na din naman ako nahihirapang maligo dahil tanda ko naman na kung saan nakalagay ang mga shampoo, sabon, tabo, at timba. Ang itsura ng comfort room ay nakatatak na sa isip ko kahit hindi ko pa naman ito nakita kahit kailan.
Siguro ganon na lamang ang aking ginagawa, gumagawa ako ng sariling imahinasyon sa aking isipan upang matandaan kung saan nakalagay ang mga bagay na mahahalaga at ang mga madadalas na puntahan araw-araw.
Pagkatapos ko maligo ay sumunod na agad si Gen. Sobrang tagal maligo ng babaeng yon, kung minsan nga ay tumatagal pa ng isang oras.
"Gen lalabas lang muna ako, ha!" sigaw ko sa kanya mula sa labas ng banyo.
Hindi siya sumagot sa akin, di ko alam kung narinig niya ako basta nagpaalam ako sa kanya.
Tinahak ko na ang pamilyar na daan sa akin. Ito ang lugar dito sa orphanage na kayang kaya kong puntahan kahit wala ang gabay ni Gen o Jc.
Dito ako pumupunta tuwing gusto kong mapag isa. Hindi ko man nakikita ang lugar ay alam kong maganda ito.
YOU ARE READING
Unexpressed Blindness
Novela JuvenilShane Isabelle is a girl who can see the cruelty of the world and also stuck by her past met the boy Yhuan who's blinded by the truth.