"Saan tayo pupunta?"
Tumigil kami nang maramdaman ko na ang pamilyar na simoy ng hangin pero hindi niya pa din binibitawan ang kamay ko.
"B-bitawan mo nga ako" sabi ko sa kanya.
"Baka madapa ka"
"Nakatayo lang naman ako e, paano ako madadapa?"
"Malay ko ba kung tatakasan mo ako" sabi niya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa akin.
"Teka, bakit mo nga pala ako bigla biglang hinihila ha?" tanong ko sa kanya.
"Hoy di kita bigla biglang hinihila no, nagpaalam kaya ako sa mga kaibigan mo" pangangatwiran niya pa.
"Edi sana sila ang hinila mo, sa kanila ka naman pala nagpaalam e"
"Bat ba ang sungit sungit mo sakin tapos sa iba naman ang bait mo?" parang naiinis na tanong niya sa akin.
Sabi nila sister ako daw ang pinaka mabait dito sa orphanage pero bakit pagdating sa kanya masungit ako?
Si Chi nga na maldita pero pagdating sa kanya sobrang bait naman.
Hindi ko na din alam ang sagot sa tanong niya kaya tumahimik nalang ako habang pasimpleng tinatanggal ang kamay ko sa hawak niya pero bigla nya ulit ako hinila papaupo.
"Bakit ba hila ka ng hila? Pwede ka naman magsabi kung gusto mo umupo e"
"Alam mo, napaka dami mong reklamo"
"Aba paano akong hindi magrereklamo e hanggang ngayon hawak mo pa din yung kamay ko" sagot ko sa kanya.
"Kung ibang babae ang hawak ko ngayon siguro tuwang tuwa pa yon at baka siya pa ang hindi bumitaw sa akin" mayabang niyang sagot sa akin.
"Edi bitawan mo ako at ibang babae yung hawakan mo" inis kong sagot.
"Ayoko, kamay mo lang yung gusto kong hawakan." biglang seryoso niyang sabi.
Putulin ko nalang kaya kamay ko tapos bigay ko sa kanya? Kaso wag nalang, bulag na nga ako tapos wala pa kong kamay. Kawawa naman na ako non.
"Pero seryoso nga, bakit mo nga ako hinila dito?"
"Wala lang"
"Wala lang? Trip mo lang akong hilahin papunta dito?"
"Gusto ko kasi pumunta dito. Tahimik lang, walang sigawan, wala akong naririnig na nagaaway, parang nasa ibang mundo ako tuwing na nandito." hindi ko alam pero pareho kami ng nararamdaman, tuwing nandito ako nakakalimutan kong bulag ako, na parang nakikita ko yung ganda ng lugar na to. Na nandito pa din si mama at hinihintay niya lang akong umuwi sa bahay. Kaya gustong gusto ko ang lugar na ito dahil dito, panandalian kong nalilimutan ang mga kakulangan ko. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin bago siya tumayo at bitawan ang kamay ko.
"Kailangan ko ng umuwi"
"I-iwan mo ko dito?" tanong ko sa kanya.
"Paparating na ang kaibigan mo at kung iiwan man kita, babalikan din kita agad sa mismong lugar kung saan kita iniwanan." naramdaman kong may umupo sa tabi ko at sa tingin ko ay si Gen na iyon.
"Babalik ka pa ba dito Sir Yhuan?" Tanong ni Gen.
"Siguro nga ay mapapadalas ako dito, ganyan ba naman kagandang view ang nakikita ko?" Narinig ko ang mahinang tili ni Gen dahil sa sagot nito.
YOU ARE READING
Unexpressed Blindness
Teen FictionShane Isabelle is a girl who can see the cruelty of the world and also stuck by her past met the boy Yhuan who's blinded by the truth.