flight 3✈

71 14 9
                                    


Maaga akong nagising ng dahil sa ingay, bumangon na ako at pumunta sa banyo para maligo at pagakatapos kong maligo at magbihis eh pumunta na kaagad ako sa kusina kung saan nanggagaling ang ingay.

"Oh?gising kana?" Tanong ni zam saakin na nakaupo sa dinning table habang nagkakape

"Sino ba naman di magigising sa ingay niyo?" Sabi ko sabay kuha ng bacon at sinubo ito

"Hahaha sorry naman,ito kasing si shentelle tinatanong ko about dun sa lalaking kausap niya kagabi sa bar" sabi ni zam sabay tawa

"Sige,asarin mo pa ko, pag ikaw talaga nakita kong may kausap na lalaki,lalapitan kaagad kita at sasabihin may asawa kana" sabi naman ni shentelle kay zam

"Hoyy,kapal naman nito,ako?may asawa? Dzuhhh di na oii" sabi pa nito sabay hawi ng buhok kaya natawa kami ni shentelle.

Sabay-sabay kaming kumain,pagkatapos ay pumunta kami sa sala para manuod ng tv. Wala kasi kaming flight ngayun kaya vacant day namin. Nakatira kami sa iisang condo unit nina shentelle at zamara samantalang yung dalawa pa naming kaibigan eh nasa kanya kanya nilang condo unit pero madalas parin naman kaming magsama sama dito sa unit namin nina zam.

"Putcha,isang araw lang pahinga ko dahil bukas may flight nanaman ako pa chicago" sabi ni zam

"Ako rin naman" sang-ayon ko kasi bukas may flight ulit ako papuntang singapore

"Mabuti pa tung si shentelle sa susunod na araw pa flight niya,makakatulog pa si loka" sabi ni zam kaya natawa ako

"Edi mag resign ka nalang para nakakatulog ka ng maayos" sabi ko habang natatawa pa ng bahagya

"Ano ako loka-loka? Sa tagal ko sa trabahong to ngayun pa ako aayaw?" Sabi niya sabay irap kaya sabay na talaga kaming natawa ni shentelle

"Pero bakit kaya ganun no? Kahit minsan di tayo nagkasabay sa flight dahil ang palaging kasabay ni sza-sza ay sina isabelle at zaureen samantalang ni minsan di natin nakasabay si sza-sza, diba telle?" Sabi ni zam kay shentelle

"Oo nga no? Tayong dalawa kasi ang madalas magkasama pero ni minsan di natin sila nakasabay"  sabi din ni shentelle

"Dami bang poging pasahero o piloto sa flight mo sza?" Tanong bigla ni zam

"Minsan sa business class marami,pero kung minsan halos mga gurang yung andon hahaha" sabi ko sabay tawa

"Ay putcha hahaha" nakitawa narin silang dalawa

"Maiba tayo, sza kilala mo ba yung bagong piloto sa airline?" Tanong ni zam

"May bago ba? Di ko nga alam na may bago eh" sabi ko sakanya

"May bago daw at kilalang pilot captain dahil gwapo raw eh" sabi naman ni shentelle

"Iwan ko di ko pa nakikita at ngayun ko lang rin naman nalaman eh" sabi ko sa kanila

"Ayyy wala to telle, akala ko ba matinik sa lalaki ang isang szalera vergara? Bakit di mo alam na may bagong gwapings sa airline?" Nanunuyang sabi ni zamara kaya natawa nalang si shentelle habang ako naman ay naka ngisi

"Bakit ano ba gusto mo? Jowain ko agad para masubukan kung may ibubuga sa kama?" Ngising sabi ko sa kanila kaya sabay sila napairap

"Alam mo ikaw! Dyan ka magaling eh no? Yang bunganga mo walang preno basta kabahaluraan ang topic eh no?" Ngiwing sabi ni zam kaya natawa ako

"Eh sino ba nag simula?" Tanong ko

"Anak ng...ang sabi ko matinik sa lalaki!!hindi matinik sa kama! Unpog kita diyan eh" sabi nito kaya natawa kami ni shentelle

Wonderful Memories (F. A Series 1)Where stories live. Discover now