Nakarating na kami sa tagaytay. Di naman sagabal saakin kung saan ko siya idaan, kasi madadaanan ko naman ang central hotel kaya wala nang problema nong makarating na kami. Agad na siyang bumaba at binuksan ko naman ang compartment para makuha niya ang mga gamit niya.
"Salamat sa ride, ms.p" sabi niya sabay tawa
"Alam mo, okey na sana eh. Tinawag mo pa akong ms.p" nakangusong sabi ko kaya mas natawa siya. Tinitigan ko siya habang tumatawa, at masasabi ko talagang gwapo siya.
"Hahaha sige na, papasok na ako. Ingat ka sa pagda-drive" sabi niya sabay kindat at agad na pumasok na sa loob ng hotel.
Naka-ngiti akong nagpatuloy sa pag da-drive.
"Mukhang may pagkaka-abalahan nanaman ako maliban sa mga flight ko ah" naka ngising kausap ko sa sarili ko .
Nakarating na ako sa bahay namin sa tagaytay. Walang alam sila mommy na pupunta ako ngayon dito, kasi ang alam nila ay may flight ako bukas. Tuwing may flight kasi ako kinabukasan ay hindi na ako gumagala. Mall lang ako kadalasan, nagta-travel lang ako ng ganito kalayo pag dalawa or tatlong araw ang vacant ko.
Sakto namang naka bukas ang gate kaya pinasok ko nalang yung kotse ko para di marinig nila mommy na andito ako. Sinenyasan kong tumahimik sina yaya eling ng akma silang sisigaw para batiin ako. Ngayon nalang kasi ulit ako naka punta dito kaya ngayon nalang ulit kami nagkita.
Kinuha ko na cellphone ko at tsaka ako bumaba ng kotse. Mamaya ko na kukunin ang backpack ko. pagkababa ko ng kotse ay lumapit kaagad saakin si yaya eling.
"Ang ganda ganda mo na" sabi ni yaya sabay yakap saakin kaya nakangiti akong yumakap pabalik sakanya.
"ikaw talaga ya, binola mo pa ako" sabi ko nung kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Ay nako, di kita binobola no" sabi niya kaya natawa ako
"Ya, asan sina mommy?" Tanong ko sakanya.
"Nasa living room sila ng daddy mo at nanunuod ng tv" sabi ni yaya kaya napa ngisi ako at sinenyasan si yaya na tumahimik.
Pumasok na kami sa bahay at nang makita ko na sila mommy't daddy na naka-upo sa sala habang nanunuod at kumakain eh dahan dahan akong lumapit para gulatin sila.
"Yaya eling, pakidala nga dito yung bi-nake kong cookies" sabi ni mommy kaya mahina akong natawa. Akala niya siguro ako si yaya eling.
"SURPRISE!!" malakas na sigaw ko kaya agad nalaglag si mommy sa upuan habang si daddy naman ay nabulunan dahil umiinom siya ng juice.
"Ano ka ba namang bata ka! Ginulat mo kami! Ba't di ka nagsabing pupunta ka, edi sana nakapag handa kami" sabi ni mama pagkatapos niyang umupo ulit kaya natawa ako
"Paano magiging surprise visit kung sasabihin ko sa inyong pupunta ako" sabi ko sa kanya sabay lapit sakanila at humalik ako sa mga pisnge nila
"Oo nga naman no. Pero teka wala kabang flight bukas at andito ka?" Tanong ni mommy kaya natawa ako
"Meron" sabi kaya nagsalubong kaagad ang kilay niya.
"Eh ba't pumunta kapa dito? May flight ka pala bukas tapos nagpapagod kapa papunta dito" sabi niya kaya napanguso nalang ako
"Ba't parang ayaw niyo naman atang andito ako? Sige aalis nalang ako" akma na akong aalis nang pinigilan ako ni daddy at pinagalitan niya si mommy
"Ano ka ba naman mariza, minsan na nga lang natin makasama tung anak mo ginaganyan mo pa" sabi ni daddy kay mommy kaya siya naman ngayon ang napanguso
"Tinatanong ko lang naman eh. Tsaka ayaw ko lang siyang mapagod pabalik balik" sabi ni mommy kaya natawa ako
"Okey lang yun mom, pag alis ko bukas, deritso nanaman ako sa airport eh. Kaya nga nagdala na ako ng gamit para di na ako bumalik sa condo" sabi ko sakanila
"Oh edi sana sinabi mo kaagad" sabi niya kaya natawa kami ni daddy
"Kumusta ka naman?" Tanong ni daddy saakin
"Okey naman po. Minsan sunod-sunod yung flight wala ng time mag pahinga, pero okey lang naman kasi masaya naman ako sa trabaho ko eh" sabi ko pagkatapos kung umupo sa gitna nilang dalawa
Clingy ako masyado pag dating sa mga magulang ko. Di ako nahihiyang yumakap or humalik kahit maraming tao.
"Eh may boyfriend kana ba?" Tanong ni mommy kaya natawa ako
"Alam mo namang di pa ulit ako handang pumasok sa isang relasyon mom. Pero...meron akong lalaking nagugustuhan. Pero mukhang malabo rin kasi di nag seseryoso yun eh" mahabang paliwanag ko sa kanila
"Bakit naman di nag seseryoso?" Curious na tanong ni mommy
"Hindi kasi siya handang mag commit sa isang relasyon" sabi ko naman
"Yun ang mahirap" sabi naman ni daddy
"Ano ba ang rason niya?" Tanong ulit ni mommy
"Busy raw siya sa trabaho" sagot ko naman
"Ano bang trabaho niya?" Tanong ni mommy kaya napa-isip ako
"Di ko alam" sagot ko sa kanya ng maisip ko na hindi ko pala natanong kung ano ang trabaho niya
"Ba't di mo tinanong?" Tamong ni mommy
"Ba't ko naman tatanungin?" Tanong ko pabalik sakanya
"Ahmm...kasi gusto mo siya?" Di siya sigurado sa tanong niya kaya napatawa ako
"Mommy...kahit gusto ko siya, di ko parin naman kayang tanungin ang trabaho niya kasi masyado siyang mailap"
"Paano mo naman nalaman na mailap siya?" Tanong niya ulit
"Kasi kasama ko siya kanina papunta dito" casual na sagot ko pero nagulat ako ng bigla nalang tumayo si mommy "Oh san ka pupunta?" Tanong ko
"Akala ko ba kasama mo?eh asan siya?" Tanong niya na nililibog ang paningin kaya napa tampal nalang ako sa noo ko habang si daddy naman ay natawa nalang kay mommy.
"Tama na nga yang kalokohan niyo. halina kayo at kumain na tayo para makapag pahinga na si sza-sza at mahaba ang naging byahe niya" sabi ni daddy sabay alis papuntang kusina
Lumapit naman si mommy saakin kinulit kulit ako
"Akala ko ba kasama mo siyang papunta rito? So,asan na siya?" pabulong na tanong niya kaya natawa ako
"Oo nga po,sabay kaming papunta rito sa TAGAYTAY, hindi papunta dito sa bahay. Binaba ko lang siya kanina sa central hotel" sabi ko sakanya
"Ayy, walang kotse at nakisabay sayo?" Tanong niya kaya mas natawa ako
"May kotse siya pero nasiraan siya sa gitna ng kalsada kaya pinasakay ko na, pareha lang naman kami ng destinasyon eh" sagot ko sakanya
"Destinasyon patungong altar?" Tanong niya kaya agad akong napalingon sa kanya pero tumatawa na siyang tumakbo papuntang kusina
Natapos na kaming kumain at andito ako ngayon sa kwarto ko at tumutingin lang ng ganap sa mga social media ko. Pero ng tumagal ako sa instagram ko eh may nag message saakin, at nung tignan ko yun ay si vanques pala.
P.j_vanquez: nakarating kana?
Sza_vergara: oo, kanina pa
P.j_vanquez: mabuti naman. Salamat pala sa ride:)
Sza_vergara; anong salamat? May bayad yun no.
P.j_vanquez: ano?
Sza_vergara: libre mo ko nang starbucks pag balik ng manila
P.j_vanquez: sure
Sza_vergara: aasahan ko yan
P.j_vanquez: gotta go. May aasikasuhin pa ako.bye
Sza_vergara: bye:)
Pqgkatapos naming mag-usap eh natulog na kaagad ako kasi maaga pa ako aalis bukas para sa flight ko
A/N: Yayyy...sana nagustuhan niyo. I'll really do appreciate you vote and comments if you like this story.
Sana all close sa crush hahaha
Let's continue...
YOU ARE READING
Wonderful Memories (F. A Series 1)
Teen FictionPhillip vanquez is a well known pilot captain in a well known airline, his life is just focus in his pilot life,he said that having a family in his kind of work is totally hard,that's why he's already contented in his life. "No girlfriend,no problem...