flight 1✈

100 19 15
                                    

"Uyy sza, tara na" yaya saakin nila zamara at shentelle kasi pupunta kami sa unit nila zaureen kasi mag sa-shopping kaming lima pero hito at di parin ako tapos sa pag-aayos kaya naiinip na silang pumasok sa kwarto ko

"Kanina kapa diyan,di ka parin tapos?" Sabi naman ni shentelle

"Sandali lang patapos na, oh ayan tapos na" sabi ko sabay kuha ng sling bag ko.

"Sure kana sa suot mo?"tanong ni shentelle

"Anong nakain mo at yan ang sinuot mo?" Sabi naman ni zam

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, naka suot ako ng medyo loose na shirt at naka tuck-in sa suot kung shorts na nilagyan ko ng belt at flat gucci sandal tapos naka ponytail lang ang buhok kong  itim na mahaba at medyo curl ang dulo

"Anong problema sa suot ko?" Takang tanong ko

"Ngayun kalang naming nakitang nagsuot ng ganyan eh" sabi ni zamara

"Eh sa tinatamad ako mag ayos eh" sabi ko sabay lakad palabas

" putcha, tinamad pa siya sa lagay nayan telle"

"Iba talaga ang salitang tamad sakanya" sabi naman ni shentelle na naiiling nalang

"Ano ba kayo, si szalera vergara lang tung kaharap niyo" sabi ko sa kanila sabay suot ng shades ko kasi napakainit

"Putcha humawak ka telle, parang liliparin tayo ng napaka kapal na HANGING nagmumula sa kanya" sabi ni zamara kaya sabay silang natawa habang ako ay napanguso nalang

"Halina nga kayo dahil naghihintay na raw sila zaureen sa baba" sabi ko sabay pindot ng ground floor sa elevator

Pagdating namin sa baba eh agad naming nakita sila zaureen sa lobby na naka upo. Naka suot ng skirt si zaureen at tube lang ang sa pang itaas na damit pero may denim jacket na naka lagay sa kamay niya at habang si isabelle naman ay naka fitted black dress na hapit na hapit sa katawan nito at mukhang isang dangkal ang haba mula tuhod.

"Mukhang tinamad din kayo mag ayos ah" sarcastic na tanong ni zam habang naka ngiwi

"Dzuhh! Ano gusto mo suotin namin sa mall? Bra at panty?" Pilosopong sabi ni zaureen kaya natawa kami

"Oh diba,  attitude ka ghurl" sabi ni shentelle kaya mas natawa kami

"Halina nga kayo para maka uwi tayo ng maaga at maka punta pa tayo sa bar" sabi naman ni isabelle kaya napatingin kami sa isa't isa sabay tingin kay isabelle ng nakangisi

"OWWRIIGHHHTTT!" sabay sabay na hiyaw namin kaya napatingin saamin ang mga tao kaya natawa nalang kami.

kilala kami dito sa building lalo na pag sabay sabay kaming dumating galing flight at naka uniform pa kaya natatawa nalang saamin ang mga crew or nakatira dito sa condominium dahil kilala kami bilang mga pilyang F.A

"Kaninong kotse gagamitin natin?"tanong shentelle

"Anong natin?hoyy!mag kanya kanya tayo ngayun no" sabi ni zaureen na papalapit na sa kanyang pinaka mamahal na sports car

"Kahit kailan talaga andamot niyan pagdating sa sasakyan niya" ngiwing sabi ni shentelle kaya natawa nalang kami at lumapit na sa kanya kanya naming sasakyan

"Convoy nalang,mauna ka isabelle" sabi ni zaureen na naka silip sa bintana ng sports car niya

"Geh" sabi nalang ni isabelle na nauna na sakay ng sasakyan niyang ferrari

Sa aming lahat si isabelle lang ang naiiba ang sasakyan dahil parehas kami ng sasakyan ni zaureen at parehas naman ng sasakyan si shentelle at zamara.

Wonderful Memories (F. A Series 1)Where stories live. Discover now