flight 6✈

37 12 2
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan kasi sinadya ko talagang i-set ng maaga ang alarm clock ko kasi mahaba pa ang byahe ko papuntang airport.

Naligo na ako at nag-ayos na para di na hassle. Naka uniporme na ako para di na ako mag bibihis pag dating ko sa airline.

Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay ulit sa bag ko. Bumaba na ako bitbit ang mga gamit ko.

Pagdating ko sa ibaba ay naabutan ko sina mommy't daddy na nag-aayos na ng pagkain sa kusina kaya nilapag ko muna ang bag ko sa sala tsaka pumunta na sa kusina.

"Morning mom, morning dad" bati ko sakanila sabay halik sa mga pisnge nila

"Morning bhe" sagot ni mama habang nilalapag ang mga pagkain

"Bagay talaga sa'yo ang uniform mo anak" sabi naman ni daddy habang sumisimsim ng kape at nakatingin saakin. napangiti naman ako sa sinabi niya

"Thanks dad" sagot ko naman sabay lagay ng bacon and hotdog sa plato ko at nagsimula na akong kumain.

Pagkatapos kong kumain ay nag toothbrush na ako at nag ayos ulit. Nag-aayos na ako ng gamit ko paalis ng biglang nagsalita si mommy

"So kailan ka ulit babalik dito?"tanong ni mommy

"Di ko pa alam mom eh. Siguro pag di ako busy sa trabaho at kapag andito lang kayo" sabi ko sabay sabit na nang bag ko sa balikat ko at kinuha ko na ang susi at cellphone ko sa center table.

"Alis na po ako" paalam ko sa kanila sabay halik ulit sa pisnge nila

Hinatid nila ako palabas kasi nasa labas na ng gate ang sasakyan ko. Nilagay ko nalang sa shutgun sit ang mga gamit ko kasi ako nalang naman mag-isa. Sumakay na ako ng sasakyan ko at kumaway sa kanila.

"Alis na po ako mom,dad. Yaya eling alis na po ako" paalam ko sa kanila

"Mag-iingat ka sa byahe" sabi ni daddy

"Mag-iingat ka anak. Text mo ko pag nakarating kana sa airline" sabi naman ni mommy kaya tumango lang ako

"mag-iingat ka hija" sabi ni yaya kaya ngumiti nalang rin ako bago ko pinaandar yung sasakyan ko. Kinuha ko muna sa dashboard yung shades ko saka sinuot yun bago umalis.

Habang bumabyahe ako pabalik ng manila ay naalala ko nanaman yung pinag-usapan namin ni mommy kagabi bago ako umakyat sa kwarto pagkatapos kumain

*flashback*

"Bhe, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni mommy saakin nung papaakyat na ako

"Sige po" sabi ko sabay punta sa sala "ano pong pag-uusapan natin?" Tanong ko sakanya

"Kumusta ka na?" Tanong niya kaya nagtaka ako

"Okey lang naman mom. Bakit mo natanong yan?" Sabi ko sakanya

"eh yang puso mo? Okey ba?" Tanong ni mommy kaya natawa ako

"Mom...okey na po ako. Tsaka tapos na yun,kinalimutan ko na siya. Tsaka isa pa may gusto ako ngayon" sabi ko sakanya sabay ngiti para malaman niyang okey na ako

"Hindi na ba siya nagpaparamdam sayo?" Tanong ni niya kaya natawa ako

"Mom...alam mo naman na kahit magparamdam pa siya,eh wala na akong pakialam sa kanya kasi matagal nang tapos ang dapat naming pag-usapan" sabi ko kay mommy kaya ngumiti lang siya

"Mabuti naman kung ganun. Alam mo naman na ayaw na ayaw kitang nakikitang umiiyak diba?" Sabi niya kaya napangiti ako sabay yakap sakanya

"Oo naman ma, alam ko yun. Kaya nga okey na ako diba? Tsaka wag na nga nating pag-usapan yun" sabi ko sakanya kaya natawa siya sabay yakap saakin ng mahigpit

Wonderful Memories (F. A Series 1)Where stories live. Discover now