Di parin ako makapaniwala habang papasok ako sa room hotel namin ni ailey
'Siya talaga nag bigay nang pagkain ko kagabi? Akala ko si pj? Ba't naman niya ko bibigyan ng pagkain? Aisshhh yaan na nga'
"Hoyyy!! Ba't tulala ka diyan sa pinto?" Nagulat ako kasi biglang sumulpot si ailey sa harap ko
"Wala may iniisip ako" sabi ko sabay lakad papunta sa sofa at pabagsak na umupo "ai may tanong ako" sabi ko sakanya nung umupo siya sa harap ko
"Ano yun?" Tanong niya pero nasa tv ang paningin
"Diba magkasama kayo nila cap.vanquez kagabi?" tanong ko pero nagulat ako kasi bigla siyang tumili kaya tinignan ko kung anong pinanunuod niya pero nagulat ako sa nakita ko kaya binato ko siya ng unan "ano ka ba naman! Ba't yan pinapanuod mo?! May patili tili ka pang nalalaman eh di naman nakakatakot yan, busett na to" sabi ko sakanya pero tumawa lang ang loka. Alam niyo ba anong pinanunuod niya? Fifthy shades lang naman, walang hiya
"Ano nga ulit yung tanong mo?" Tanong niya saakin
"Diba magkasama kayo nila cap.vanquez kagabi?" Tanong ko ulit sakanya
"Oo, magkasama kami kumain kagabi" sagot niya saakin
"May binili ba siyang pagkain kagabi?" Tanong ko ulit sakanya, gusto ko kasing makasigurado, baka kasi nagbibiro lang si spencer
"Ahmmm, actually meron. Bakit mo natanong, e diba para sayo naman yun? Sabi mo kagabi si cap bibili nang pagkain mo, so ba't nagtatanong ka? Nagtatanong ka ba kasi walang dumating na pagkain sayo?" Sunod sunod na tanong niya kaya pinigilan ko na
"Eh si spencer may binili ba?" Tanong ko nalang sakanya
"Oo, same nga sila ni cap eh, kaso mas nauna si spencer umalis kasi baka raw nagugutom na yung pagbibigyan niya, bakit mo naman natanong?" Sabi niya saakin kaya nanlumo ako
"kaya pala iniwan nalang sa labas kagabi" bulong ko sa sarili ko pero narinig parin ni ailey
"Anong iniwan sa labas?" Tanong niya
"Yung pagkain ko kasi kagabi iniwan lang sa labas ng pinto, akala ko si cap ang nagbigay di pala" sabi ko sakanya
"So you mean, si spencer nag bigay nung pagkain mo? Ang feeling mo naman yata girl" sabi niya kaya natawa ako
"Siya nga ang nagbigay. Sinabi niya kanina" sabi ko pero nagulat ako kasi bigla niya akong binato ng unan "ba't ka nambabato ng unan?" Tanong ko sakanya pero nakasimangot lang siya
"Eh kasi, bakit lahat nalang ata ng mga piloto sa flght natin ngayon ay may gusto sa'yo? Una si cap, ngayon naman si spencer. Hayyss ba't ba ang swerte mo?" Maktol niya kaya natawa ako
"Wala namang gusto saakin si phillip at spencer eh. Tsaka kung meron mang gusto si phillip saakin, di ko rin alam kung sasagutin ko siya. Ang hirap sumugal sa isang relasyon na walang kasiguradohan" sabi ko sakanya
"Ayy bongga, tama yan girl. Pa hard to get ka muna kahit di kanaman hard kunin" sabi niya kaya binato ko siya ng unan
"Ang sama ng ugali mo" sabi ko pero tinawanan niya lang ulit ako
Pagkatapos naming mag-usap ni ailey ay nag-ayos na ako ng mga gamit ko kasi babalik na kami ng pilipinas bukas ng umaga. Napaaga ang balik namin sa pilipinas, dapat kasi two days pa kami mag i-stay dito sa singapore pero dahil sa emergency nang airline eh pinapabalik na ang lahat ng eroplanong lumabas ng bansa
Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ko ay naligo ako at ng ayos para matulog dahil maaga pa ang flight namin bukas, pero kahit anong pilit kung matulog di talaga ako makatulog dahil pumapasok sa isip ko si spencer, naaalala ko nanaman yung nangyari apat na taon na ang nakalipas
*flashback*
Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nila spencer kasi 1st anniversary namin, nag leave lang ako sa trabaho ko.
Kumatok ako sa pinto nila, si yaya loleng yung nagbukas, katulong nila spencer
"Ya, nasaan po si spencer?" Tanong ko sakanya ng makapasok ako ng bahay nila spencer
"Nasa study room hija, puntahan mo nalang" sabi ni yaya kaya tumango nalang ako at pumunta sa study room
Pagdating ko sa harap ng studyroom ay pumasok na kaagad ako at nadatnan ko siyang naglalaro, di niya napansing pumasok ako kaya nagdahan dahan akong pumasok, nang makarating ako sa likod niya saka ako humalik sa pisnge niya
"Happy anniversary, babe" sabi ko pagkatapos kong humalik pero nagulat ako ng bigla siyang tumayo
"Ba't ka andito?" Nagulat ako sa tanong niya kaya napatuwid ako ng tayo
"Anong ibig mong sabihin? Malamang anniversary natin kaya ako nandito" sabi ko sakanya pero iniwas niya ang paningin niya saakin at umupo ulit para maglaro
"Umuwi kana" sabi niya na mas nagpagulat saakin
"Ano bang nangyayari sayo? Mag-usap nga muna tayo. Ba't ka ba nagkakaganyan? Babe, anniversary natin, natural lang naman sigurong pumunta ako dito para makapag celebrate tayo diba?" Sabi ko sakanya pero tumayo siya ulit at humarap saakin
"nakikipag hiwalay na ako sayo kaya umuwi kana" sabi niya saakin ng walang kahirap hirap
"A-ano? U-ulitin mo nga s-sinabi mo? Hiwalay? As in break?" Utal na tanong ko sakanya
"Oo" sabi niya saakin
"Bakit? May nagawa ba akong mali?" Tanong ko sakanya. gusto nang tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko
"Wala" sagot niya saakin
"So bakit ka nakikipaghiwalay?"
"Gusto ko munang ayusin yung buhay ko, yung trabaho ko, gusto ko muna maging isang ganap na piloto" sabi niya saakin na nakapag patulo talaga ng luha ko
"Di mo ba maayos ang buhay, trabaho at pangarap mo pag magkasama tayo? Damn that excuses!! Akala ko ba magkasama nating aabutin ang mga pangarap natin? Pero putcha naman oh! Parang pinapalabas mo na pabigat ako sayo ah?! so lahat ng ginawa ko para sayo, wala lang?! B*llshit naman!! Sana sinabi mo nalang saakin na gusto mo munang maging isang pilot captain! F.A ako!! Malamang maiintindihan ko kung gusto mong maging isang pilot captain, pero yung sasabihin mo saaking gusto mong ayusin ang buhay mo, parang sinabi mo na rin saakin na panira ako ng buhay mo ganun ba?! Yan ba ang gusto mo? Ang maghiwalay tayo para maayos mo ang buhay mo? Sige pagbibigyan kita, simula sa araw na to malaya kana...malaya kanang maayos ang buhay mo kasi parang pinamukha mo narin saakin na isa lang akong panira sa mga pangarap at sa buhay mo. By the way...happy anniversary pala, sana matupad mo mga pangarap mo" sabi ko sakanya habang umiiyak bago ako patakbong lumabas
*end of flashback*
Mapait akong napangiti nang maalala ang mga nangyari noon sa amin. Oo, ex ko si spencer. Nakakatawa lang dahil natupad nga niya mga pangarap niya, good for him. Wala narin naman akong paki-alam kasi naka move-on na ko
Pinilit ko nalang matulog dahil maaga pa kaming aalis bukas, kesa naman mag-isip ako ng mga ala-alang di na dapat balikan
A/N: uwahhh.. hope nagustuhan niyo yung update ko ngayon, sorry ngayon lang nakapag-update busy si aketch eh hahahha. Short update muna
I'll really do appreciate your support, vote and comment if you like my story, lovelotss mga bish :)
Lets continue...
YOU ARE READING
Wonderful Memories (F. A Series 1)
Novela JuvenilPhillip vanquez is a well known pilot captain in a well known airline, his life is just focus in his pilot life,he said that having a family in his kind of work is totally hard,that's why he's already contented in his life. "No girlfriend,no problem...