A/N: as promised. This chapter is dedicated to xlujillex CESS_SII fuchsia_red. thank you very much guyz. Hope you enjoy. Ilabyouu all my precious <3. Keep safe and God bless you all.
Di parin ako makasagot sa tanong ni isabelle at mukhang nahalata naman yun ni zaureen kaya nagsalita na siya.
"Tulog na tayo, anong oras na pala oh. Baka napagod pa si sza-sza kasi galing pa yan sa flight kanina" sabi niya kaya tumango nalang rin kami ni isabelle.
Niligpit na namin yung kalat namin at nagpaalam na sa isa't isa para makatulog na. pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto at dumiretso kaagad ako sa banyo para mag half-bath. Pagod kasi ako kaya di ko pwedeng basain yung buhok ko para makatulog na kaagad ako.
Pagkatapos kung mag half-bath ay nagbihis na ako ng pantulog ko. Simpleng short at sando lang ang suot ko. Tapos na tulog na ako ng hindi nag-iisip about sa pinag-usapan namin kanina.
8:30 na ako nagising kaya dumiretso agad ako sa banyo para mag toothbrush at naghilamos bago lumabas.
Paglabas ko ay nagulat nalang ako sa nakita ko sa sala. Andito kasi si zamara at shentelle habang kumakain ng bread at may kape sa harap nila.
Ano nanaman kayang ginagawa ng dalawang yan dito? Pag andito kasi silang dalawa, dalawa lang ang ibig sabihin niyan. It's either namiss nila kami kasi kagagaling lang nila sa flight o di kaya ay magyayaya silang gumimik
"Anong ginagawa niyo dito? Ang aga pa ah?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Lumingon naman agad si zam saakin.
"Oh, goodmorning sza. buti naman at gising kana. Kumain kana dun at may pupuntahan tayo" sabi niya ni zam saakin, napakunot naman ang noo ko.
"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pero nginitian niya lang ako. Napailing nalang ako kasi mukhang alam ko na kung saan. Mukhang sa racing track nanaman kami ah? Mahilig kasi si zam sa car racing pero iwan ko ba at nag F.A yan.
Nagtungo nalang ako sa kusina para tignan kung anong makakain. Pagdating ko sa kusina, nakita ko rin sina zaureen at isabelle na kumakain,kaya umupo nalang ako at kumuha ng bacon, hotdog at slice of bread.
"Ba't angg aga nambulabog nung dalawa?" Tanong ko sa kanila
"Iwan ko nga rin sa dalawang yan. Nagyayaya nanaman pumunta sa field" sabi ni zaureen. Yung field na tinutukoy niya is yung racing track na pinupuntahan namin palagi pag gusto naming maglibang.
"Sasama kayo?" Tanong ko ulit sa kanila.
"Bakit ikaw ba, hindi ka sasama?" Tanong ni isabelle. Wala naman akong gagawin eh. Kaso sasagot na sana ako na sasama ako ng biglang ng vibrate ang phone ko sa shorts na suot ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagmessage. Nagulat ako ng unknown number pero ng mabasa ko ito ay napangiti ako.
"What time ka free? Free ka ba this morning? By the way, this is phillip" Text saakin ni phillip. putcha naman! May pupuntahan nga pala kami, ba't ko ba nalimutan yun. Pero di naman pwedeng hindi ako sumama sa mga kaibigan ko. Minsan lang kamo makompleto. Siguro pwede naman mamayang hapon or gabi kami mamasyal para makasama rin ako sa mga kaibigan ko. Syempre mas uunahin ko parin naman kaibigan ko no!
"Pwede bang mamayang hapon or gabi nalang tayo umalis? May pupuntahan kasi kami ng mga kaibigan ko. I hope you understand" i texted him back. Mabuti ng maayos akong magpaalam para fair din sakanya.
YOU ARE READING
Wonderful Memories (F. A Series 1)
Teen FictionPhillip vanquez is a well known pilot captain in a well known airline, his life is just focus in his pilot life,he said that having a family in his kind of work is totally hard,that's why he's already contented in his life. "No girlfriend,no problem...