"Can we talk now? Tapos na ang flight so di kana busy" sabi ni spencer kaya tinignan ko ang kamay niya na naka hawak sa braso ko.
"Paki tanggal ng kamay mo" sabi ko sakanya
"Ay sorry" sabi niya sabay alis nito
"Pagod ako. Magpapahinga muna ako" sabi ko sa kanya
"So pag tapos kanang magpahinga pwede na tayong mag-usap?" Tanong niya ulit ng akmang papasok na ako sa loob
"Ano pa bang pag-uusapan natin?" Tanong ko pabalik sa kanya
"Marami. Marami pa tayong dapat pag-usapan, alam mo yan"
Sasagot na sana ako kaso may biglang sumingit saamin
"Matagal na kayong magkakilala?" Tanong ni p.j
"Actually bro-" di ko na siya pinatapos kasi hinila ko na si p.j sa tabi ko
"Ahmm hindi, kanina lang. Gusto niya lang makipagkilala kaya gusto niyang mag-usap kami" sabi ko sabay tingin kay p.j pero nagulat ako kasi nakatulala siya sa kamay ko na naka intertwine sa kamay niya. "Sorry" sabi ko sabay bitaw
"Per-" di na naituloy ni spencer ang sasabihin niya ng pinandilatan ko siya ng mata.
"Ahh ganun ba? Okey wala namang problema saakin eh" sabi niya sabay lagay ng kamay sa balikat ko kaya napapitlag ako sabay tingin sakanya
"Ano bang kailangan niyong pag-usapan ng girlfriend ko, bro?" Dagdag na Tanong niya kaya mas nagulat ako
"G-girlfriend?" Takang tanong ni spencer saka tumingin saakin na parang nagtatanong kaya sinakyan ko nalang sinabi ni p.j
"Oo, boyfriend ko siya" sagot ko naman
"E-eh b-bat kanina sa flight parang naiirita ka sakanya?" Tanong niya na parang di talaga makapaniwala
"Kasi nagkatampuhan kami kaninang umaga bago kami pumunta sa airline kaya galit siya saakin nung nakita mo kami" paliwanag ni p.j
Ba't ang galing niyang umarte? At saan niya naman nakuha ang idea na to? Hayss
"Ahh, ganun ba? Sige congrats sa inyo" sabi niya sabay pasok sa loob ng kwarto nila ni p.j
Pagpasok ni spencer ay pinalo ko kaagad si p.j"Ano namang pakulo yun ha? vanquez" tanong ko sakanya pero ngumisi lang siya
"Ayaw mo non? Instant boyfriend mo na ako" ngising sabi niya
"Aba't ang kapal naman yata ng mukha mo?" Sagot ko naman sakanya
"Oh bakit? Lugi ka pa ba saakin?" Tanong niya rin kaya napangisi ako
"Talagang lugi ako! Isipin mo yun, sa ganda kong to magbo-boyfriend ako ng kagaya mo?hayss mundo nga naman, walang pinipili eh" sagot ko sabay kunwaring naiiling
"Hoy grabi ka ha! Baka ako pa ang lugi sa'yo. Tignan mo naman, gwapo, matino, mayaman, oh ano pa bang hinahanap mo?" Sabi niya
"May kulang pa sa sinabi mo..." sinadya ko talagang bitinin yung sasabihin ko para maka bawi man lang ako sa kakapalan ng mukha nitong lalaking ito
"Ay may kulang pa ba? Ano naman yung kulang? Maginoo? Matalino? Marespeto? Wag mo namang lahatin baka sabihin nang iba masyado naman yata akong perfect"
"Hindi yan ang kulang kasi alam ko naman na hindi ka ganyan" sabi ko sakanya
"Grabi ka naman. Maginoo kaya ako at marespeto pero di gaanong matalino. Tsaka ano ba talaga yung kulang?" Tanong niya saakin kaya napangisi ako
"Kulang sa description mo sa sarili mo? Isa kang F*CKBOY! L*tche na to,pinuri ang sarili. Self support ganun?" Sabi ko sakanya pero siya halatang nagulat kasi tulala parin saakin
YOU ARE READING
Wonderful Memories (F. A Series 1)
Teen FictionPhillip vanquez is a well known pilot captain in a well known airline, his life is just focus in his pilot life,he said that having a family in his kind of work is totally hard,that's why he's already contented in his life. "No girlfriend,no problem...