Maaga akong nagising kinabukasan. Di rin naman ako nakatulog ng maayos ng dahil sa pag-iisip.
Bumangon kaagad ako at lumabas ng kwarto para tignan kung gising naba si ailey dahil maaga pa ang flight namin pabalik ng manila.
Pagkalabas ko naabutan ko si ailey na nag-aayos na. Mukhang katatapos niya lang maligo kasi basa pa yung buhok niya.
"maligo kana at pinamamadali tayo ni cap" sabi niya kaya tumango nalang ako at pumasok ulit sa loob ng kwarto para maligo at mag-ayos ng sarili.
Pagkatapos kung maligo at mag-ayos ng sarili ay kinuha ko na ang maleta ko at lumabas na ng kwarto. Nagulat naman ako sa nadatnan ko. Nandito kasi si phillip at spencer sa loob ng hotel room namin.
""Mabuti naman at tapos kana. Halina kayo" sabi ni phillip na iniwas kaagad ang paningin saakin. Problema nun? hinayaan ko nalang at sumunod nalang sa kanila palabas.
Habang papalabas kami ng hotel, walang nagsasalita saaming apat. Apat nalang kaming natitira dito sa hotel kasi yung iba nauna nang lumabas at hinihintay nalamang nila kami sa sasakyan.
Nagulat ako ng bigla akong kalabitin ni ailey
"Anong problema? Ba't antahimik niyo yatang tatlo?" Tanong niya peri nagkibit-balikat nalang ako kasi di ko rin naman alam ang sasabihin ko.
Ba't nga naman kasi antahimik nila ngayon? Si phillip naiintindihan ko kasi minsan talaga topakin siya. Minsan makulit, minsan mabait, madalas namang suplado. Si spencer naman mukhang nag-iisip.
Hanggang makalabas kami ng hotel at makasakay ng sasakyan namin papuntang airport ay tahimik parin sila. Tumahimik nalang din kami. Magkatabi kami ni phillip, yung sitting arrangement parin namin papunta duto sa hotel ang sitting arrangement namin ngayon.
Nakarating na kami sa airport at agad kaming nagtungo sa loob para makapaghanda na. Habang naglalakad kami ay kinalabit nanaman ako ni ailey.
"May nangyari sa pagitan niyong tatlo no? Kaya napakatahimik niyo at hindi kayo nagpapansinan.
Grabe naman si ailey sa salitang 'nangyari' iba tuloy naiisip ko mwahahah. Pero nag-isip ako ng posibleng dahilan kung bakit sila tahimik. Di kaya tahimik sila dahil sa nangyari kahapon? Baka nahihiya si phillip dahil sabi niya siya magbibigay ng pagkain ko pero si spencer ang naunang magbigay? Ah, basta! Hayaan na nga nakakasakit ng ulo tung dalawang to.
Pagkatapos ng kunting mga paalala ng piloto namin ay agad na kaming umakyat ng plane at inayos na ang mga sarili para salubingin ang mga pasahero pabalik ng pilipinas.
Naging busy kami sa dami ng pasahero, kaya pagdating namin sa pilipinas ay pagod na pagod ako.
Nakababa na lahat ng pasahero at nag-aayos na kami ng gamit para bumaba na at para makauwi na kami.
Namiss ko mga kaibigan ko, tatlong araw din yun. Sayang nga at di kami magkasabay nila zaureen at isabelle sa flight eh.
Bumaba na kami ng eroplano at pumasok na sa loob ng airport para mailagay na namin ang mga gamit namin na gusto naming ilagay sa quarters namin.
Iniwan ko nalang ang maleta ko at inilipat lahat ng mga damit na nagamit ko sa bagpack ko. Inilagay ko naman sa maleta ko lahat ng damit sa bagpack ko, para sa next flight ko, which is sa saturday na kasi wednesday na sw.
Nauna ng umuwi si ailey, di kasi siya mahilig mag iwan ng gamit dito sa quarter kasi nakakalimutan niya raw na may gamit pala siya dito kaya napakarami nang dinadala niya sa flight kasi natatambak halos dito sa qaurter.
Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko na agad ang susi ng sasakyan ko at binitbit na ang bag ko saka ako lumabas ng quarters at diretso na palabas ng airport at pumuntang parking lot kung nasaan ang kotse ko.
YOU ARE READING
Wonderful Memories (F. A Series 1)
Teen FictionPhillip vanquez is a well known pilot captain in a well known airline, his life is just focus in his pilot life,he said that having a family in his kind of work is totally hard,that's why he's already contented in his life. "No girlfriend,no problem...