Tulala parin ako habang nakatingin kay spencer na hawak ang isang bouquet ng rosas.
"Ikaw ang may pakana nito? Atsaka, pano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sakanya pero ngumiti lang ito.
Di ko parin tinatanggap ang dala niyang bouquet kasi di ko na magawakan lahat sa sobrang daming na ng hawak kong tag-iisang piraso ng rosas at yung pinamili ko pa
"Mauna na ako" paalam ko sa kanya pero di paman ako nakakalampas sa kanya ay pinigilan niya na ako.
"Sza, wait. Actually nalaman ko na nandito ka kasi kanina pa ako nasa harap ng building mo, nakasakay lang ako sa kotse ko. Umaasa na makikita kita at maibibigay ko sayo to" sabi niya saakin sabay turo niya sa kotse niya sa di kalayuan.
"Ano pa bang kailangan mo saakin spencer?kung tungkol lang to doon sa sinabi niyo kanina ni phillip na pati rin ikaw ay manliligaw ulit, please lang tigilan mo na to. Di ako natutuwa sa kalokohan mo" sabi ko sakanya sabay alis pero pinigilan niya ako at sa sobrang inis ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya ay bigla akong pumiglas kaya nahulog yung mga rosas t ibang pinamili ko.
"Ano ba!? Ano pabang kailangan mo?! Layuan mo na ako spencer! Di na ko natutuwa!" Medyo tumataas narin ang boses ko kasi naiirita na ako
"Because i want you back,sza!" Walang pakundangang sabi niya na nagpatigil saakin.
"I want you back, babe. Diba sabi ko sayo noon na babalikan kita? Na aayusin ko lang yung buhay at trabaho ko pero babalikan kita? Ito na yun sza, bumalik na ko. I want you back again sza, please, let me prove to you again that i'm still worthy for your love" sabi niya saakin pero tulala parin ako. Lumapit siya saakin at hinawakan ang dalawang pisnge ko at pinagdaop ang mga noo namin.
"Please sza, let me court you again. I will prove my self to you again. I still love you, i really do. Walang nagbago, lumayo lang ako para ayusin ang buhay at trabaho ko para sa future natin. Ito na yun sza, captain na ako, matutupad na yung pangarap nating kasal. Just please, let me prove my self to you again. I know, meron parin akong puwang sa puso mo" sabi niya kaya dito na ako natauhan sa posisyon namin at sa mga sinasabi niya.
"Matagal kanang walang puwang sa puso ko. Simula ng iwan mo ko, ipamukha saakin na sagabal ako, at iparamdam saakin na di ako karapat-dapat mahalin kasi nakakasira ako ng pangarap at buhay mo. Matagal ng tapos ang saatin, wag ka nang umasa na madudugtungan pa" sabi ko sabay dampot ng mga pinamili ko. Hinayaan ko nalang yung rosas.
Bakit niya ba ginagawa to? Ano nanaman bang gusto niya? mahal niya parin ako? Anong tingin niya saakin? Tanga? Para maniwala sa kanya? Kung mahal niya ako, di niya dapat ginawa yun, alam kong may pangarap siya at susupportahan ko naman siya eh, di ko siya pipigilan. Pero bakit ginawa niya parin saakin yun. Tapos na kami, matagal na. At kahit kailan di ma madurugtungan pa.
Kaya ko nga sila iniwan kanina kasi di ko alam isasagot ko, tapos ngayun pupuntahan niya ako para sabihing gusto niyang bumalik ako? Hindi ako gaga. Tama na yung isa.
Habang papasara na yung elevator ay may kamay na biglang humarang para di ito tuluyang magsara.
Nagulat ako ng makita ko si phillip, nagulat rin siya ng mapagtantong ako ang makakasabay niya.
'Bakit nandito rin itong isang to?' Tanong ko sa isip ko pagkasara ng elevator.
Walang umiimik saaming dalawa. Nagpapakiramdaman pa kaming dalawa.
"Vergara" sambit niya sa apelyido ko kaya napa tingin ako sakanya, nakatingin rin siya saakin
"bakit nandito ka vanquez?" Tanong ko sakanya
YOU ARE READING
Wonderful Memories (F. A Series 1)
Ficção AdolescentePhillip vanquez is a well known pilot captain in a well known airline, his life is just focus in his pilot life,he said that having a family in his kind of work is totally hard,that's why he's already contented in his life. "No girlfriend,no problem...