A/N: uwahhh sa wakas! Nakapag update din hahahahaha. Medyo matagal tagal din simula ng huli kong update. Busy masyadoNakatulala parin ako habang sila naman ay mukhang naghihintay ng sagot ko. Di parin ako makapaniwala na manliligaw silang dalawa saakin.
Totoo ba talaga to? Yung taong gusto ko pero walang planong mag seryoso at yung ex-boyfriend ko na iniwan ako dahil gusto niyang ayusin ang buhay niya ay manliligaw saakin? Parang ayaw tanggapin ng utak ko.
Bumuntong hininga muna ako bago tumuwid ng tayo. Tiningnan ko silang dalawa at umayos naman sila ng tayo. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko at walang pasabing pumasok sa loob at nilock agad ang pinto.
Kumatok naman ng kumatok sina phillip at spencer pero di ko sila pinansin. Sinuot ko na ang safetybelt ko at walang alinlangang pinaandar ito papalayo sakanila.
Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako kasi manliligaw saakin yung gusto ko at yung first boyfriend ko na ex ko na ngayon or malulungkot ako kasi alam ko sa sarili ko na wala pa akong tiwala sa kanilang dalawa.
Umalis ako kasi di ko alam ang isasagot ko, di ko alam i-re-react ko. Gusto ko munang mag-isip at gusto ko munang lumayo sa kanilang dalawa.
Pinagsisihan kong hinayaan ko silang magsalita ng sabay.
Habang nag da drive ako ay di ko parun maiwasang isipin yung mga nangyari ngayong araw. Simula ng di pag pansin saakin ni phillip, hanggang sa nagsabi silang dalawa ni spencer na manliligaw sila hayyssss nakaka stress naman yung dalawang yun
Nakarating ako sa building ng condo namin ng wala sa sarili, pasalamat nalang ako at di ako nadisgrasya.
Pagpasok ko palang ng lobby bitbit ang backpack ko ay nagtitinginan na ang mga tao sa lobby lalo na yung mga lalaki. Wala ako sa mood ngayon kaya deadma muna.
Pagdating ko sa unit namin ay binuksan ko kaagad ito at nadatnan ko sina zam at shentelle na nanunuod ng tv habang may nagkalat na mga chitchirya at can ng alak at softdrink.
"Wala kayong flight?" Tanong ko sa kanila ng makapasok ng tuluyan pero si zam lang ang tumingin saakin
"may flight kami sza, nandito nga kami ngayon sa canada at nanunuod ng tv eh" sarkastikong sagot ni zam at inirapan pa ko! Aba't nakakadating ko lang ba't ang init ng ulo nito?
"Nakakatawa yun? Tatawa na ba ako? Ha ha ha" sabi ko sakanya sabay upo sa sofa at at tinignan kung anong pinapanuod nila. Aba't ang mga walang hiya! Nanunuod lang naman po sila ng fifthty shades of darker!! Mga walang hiya, kaya pala focus na focus sa panunuod si shentelle.
"Aba't mga walang hiya talaga kayo no?" Sarkastikang tanong ko sa kanilang dalawa pero di nila ako pinansin kaya napairap nalang ako sabay kuha ng gamit ko at pumasok sa kwarto ko para makapag bihis na ako
Naligo ako at nag bihis ng pambahay at kinuha ang cellphone ko para tignan ang mga social media accounts ko pero halos mabitawan ko ang cellphone ko sa bumungad saakin pag bukas ko sa messages ko sa kahit saang social media ko.
Tinadtad lang naman ako ng message ng dalawang ugok na yun.
Tinatanong nila kung payag ba raw ako sa panliligaw nila at kung ligtas ba raw ako nakauwi.
Napabuntong hininga nalang ako at napag desiyonang bumili ng makakain sa isang convenient store sa harap nitong condo building.
Nagsuot lang ako ng hoodie at lumabas ng naka short at flipflop lang ang suot..tinamad akong magpajama, diyan lang naman sa baba at at sanay na akong ganito ang suot dahilbsa uniporme ko.
Nagpaalam ako sa dalawang loka na lalabas muna ako pero di nila ako pinansin at sinenyasan lang nila akong lumabas na kaya lumabas na ako.
nakarating ako sa convenient store kaya namili kaagad ako ng kakainin ko. Sinabay ko narin yung dalawang loka.
Habang namimili ako ay may lumapit saakin isang babae at binigyan ako ng isang tangkay ng rose kaya nagtaka naman ako.
Magtatanong na sana ako sa babae kung kanino galing ito pero umalis na siya at may sumulpot nanaman na isang babae at binigyan ako ng isang tangkay ulit ng rose.
Nagtataka akong napalingon sa mga tao sa store pero halos lahat busy.
'kanino naman kaya galing tung mga ito?' Tanong ko sa sarili ko pero biglang pumasok sa isip ko yung dalawang piloto.
'Sino naman kaya sa inyong dalawa ang ay pakana nito?' Tanong ko ulit sa isip ko pero napangiti nalang ako sa isiping baka si phillip ang nagpadala ng mga iyon.
Di pa ako natapos sa pamimili ng bibilhin ko ng may lumapit ulit saakin at binigyan ulit ako ng rose.
Akala ko tatlo lang pero nag sunod sunod na ang pagbibigay ng rosas na bulaklak. Wala naman akong magawa kundi ang tanggapin ito.
Hanggang sa natapos ako sa pamimili ko ng kakainin namin ay dumiretso na kaagad ako sa cashier para mag bayad.
Tudo ngiti pa saakin yung cashier habang nakatingin sa hawak kong kumpol ng rosas.
Habang inaayos ko yung pagkakahawak ko sa paper bag ng mga pinamili ko ay hawak ko naman sa kabilang kamay ang mga bulaklak.
nahihirapan akong kargahin lahat kasi ang bigat ng bulaklak.
saktong paglabas ko ng store ay may humarang sa daraanan ko. di ko makita kung sino kasi natatabunan ng isang kumpol bulaklak ang mukha niya pero base sa porma niya ay mukhang alam ko na kung sino ito kaya napangiti ako. Si phillip ito. Porma palang alam kong siya ito.
Tatawagin ko na sana ito kaso naunahan niya ako dahil binaba niya ba ang bulaklak at unti unting nawala ang ngiti sa labi ko.
"Hi sza. For you" sabay lahad niya ng bulaklak pero di ko magawang tanggapin ito. Nakatulala lang ako habang nakatingin kay...
"Spencer"
A/N: like what i always said. Thank you for supporting my story. I'll really do appreciate youd support vote and comment if you like my story.
Salamat parin sa patuloy na pag supporta. Kahit on-going palang tung story ko ay sinusupportahan niyo parin. Kahit antagak ko mag update hihihi.. road to 500 reads na tayoooo.. ayieee tenchuuu talagaaaa
Lets continue...
YOU ARE READING
Wonderful Memories (F. A Series 1)
Teen FictionPhillip vanquez is a well known pilot captain in a well known airline, his life is just focus in his pilot life,he said that having a family in his kind of work is totally hard,that's why he's already contented in his life. "No girlfriend,no problem...