Nagising nang 7:30 a.m dahil sa alarm ko. Bumangon na ako at lumabas para tignan si ailey. Kumatok muna ako sa kwarto niya bago pumasok at nakita ko si ailey na naka bihis kaya naman lumapit ako sakanya.
"Saan punta mo?" Tanong ko sabay upo sa kama niya
"Mamamasyal. Sayang naman yung araw eh, bukas babalik na tayong pilipinas" sabi niya habang nagsusuot ng sapatos niya "gusto mong sumama?" Tanong niya pa pero umiling lang ako
"May lakad din ako eh" sabi ko habang tinitignan kung anong laman nang sling bag niya
"Sino kasama mo?" Tanong niya pero hindi doon nakatuon ang atensyon ko kundi sa condom na nasa bulsa nang sling bag niya
"Ba't ka may dalang condom?" Tanong ko pero kinuha niya ang sling bag niya kaya nakangisi akong tumingin sa kanya "may laban ka?" Nakangising tanong ko sakanya pero binato niya ako ng pillow kaya natawa ako
"Wala no! Pero malay mo diba? Atleast prepare ako, mahirap na hahaha" sabi niya sabay tawa kaya napailing nalang ako habang natatawa
"Sino ba kasama mo?" Tanong ko sakanya pero nagulat ako kasi bigla siyang tumingin saakin sabay tingin na parang nanunuri.
"Ikaw ang dapat tanungin ko n'yan. Sino ang kasama MO?" Tanong niya saakin kaya humiga ako sa kama niya
"Si vanquez" sabi ko sabay kalikot sa phone ko baka kasi nag text or chat siya
"SI CAP. NANAMAN?!! SABIHIN MO NGA SAAKIN? KAYO NA BA!?" Tanong niya na may nanlalaking mata kaya napabalikwas ako nang bangon
"Wag ka ngang sumigaw! Hindi kami, okey? Tsaka wala akong balak pumasok sa isang relasyon nang siya ang magiging partner ko. Di naman nagseseryoso yun eh" sabi ko sakanya
"Ayyy, ganun ba? Sayang naman, bagay pa naman sana kayo" sabi niya pa
"Tss. Di nga yata non alam ang salitang LOVE eh. Kasi para sa kanya, isang laro lang ang pakikipag- relasyon" sabi ko naman sakanya sabay tayo na para mag-ayos para sa lakad namin
"Grabi ka naman kay cap. Baka di naman siya ganun" depensa niya pa
"Siya na mismo nag sabi saakin na wala siyang balak magseryoso. Aaminin kong may gusto ako sakanya pero di ko balak sumugal sa isang relasyon na walang kasiguradohan" sabi ko sabay labas nang kwarto niya pero humabol ang loka
"So gusto mo siya?" Tanong niya kaya tumango ako "ba't di mo sabihin sakanya? Malay mo magbago siya" sabi niya pa kaya humarap ako sakanya nang nasa tapat na ako nang kwarto ko
"Di ko ugaling ipaalam ang nararamdaman ko. Kung gusto kita,gusto kita. di na kailangan sabihin yun lalo na kung ang gusto ko naman ay walang balak mag seryoso. ako lang din naman ang kasi masasaktan pag-umasa akong magbabago siya pero di naman pala, edi sayang lang" sabi ko sakanya sabay ngiti nang mapait
"Ouch naman friend, masyadong masakit ha? Oh sige na nga, di na kita pipilitin kahit di naman talaga kita pinipilit hahaha. Alis na ako, bye. Ingat kayo sa lakad niyo mamaya" sabi niya sabay alis na kaya pumasok na ako sa kwarto ko para maghanda.
Tapos na akong maligo at magbilis. tapos narin akong mag-ayos. Nakasuot ako nang black 3/4 polo and white high-waist pants kaya naka tuck-in ang polo ko at belt na black, tapos black heels. Parang may patay no? Di naman masyadong obvious na mahilig ako sa black hahaha
Hinihintay ko nalang si pj. Sabi niya kasi tatawag siya sa pag-aalis na kami eh. Di rin naman nagtagal ang paghihintay ko kasi tumawag na siya
"Ready kana? Andito na ako sa labas ng room niyo" sabi niya saakin kaya kinuha ko na ang bag ko
YOU ARE READING
Wonderful Memories (F. A Series 1)
Teen FictionPhillip vanquez is a well known pilot captain in a well known airline, his life is just focus in his pilot life,he said that having a family in his kind of work is totally hard,that's why he's already contented in his life. "No girlfriend,no problem...