Nagulat ako kasi nakita ko si spencer. Mukhang siya nga ang bagong piloto dito base sa uniform.
"Kanina kapa namin hinihintay, ba't ngayon kalang?" Tanong ni p,j kay spencer
"A-ah, nilagay ko lang sa locker yung mga gamit ko" sabi niya sabay tingin saakin kaya umiwas ako at tatalikod na sana kaso tinawag ako ni p.j
"vergara" sabi niya kaya tumingin ako sa kanya sabay irap
"Ano yun, VANQUEZ?" Tanong ko na diniinan talaga ang apelyido niya
"Ipapakilala ko lang sa'yo ang makakasama natin sa flight papuntang singapore. Ito nga pala si spencer valdemor, co-pilot ko"
"Halata naman sa uniform niya na isa siyang piloto at tsaka, di ko naman tinanong pangalan niya kasi naka lagay na sa nameplate niya na naka kabit sa damit niya. So what's the purpose of introducing him?" pagtataray ko na hindi tumitingin sa katabi niya. Wala akong paki-alam kung mag mukha man akong masama sa paningin niya
"Ba't ang taray mo?" Tanong ni vanquez pero inirapan ko lang siya
"Papasok na ako sa loob para makapag-handa na ako" sabi ko sabay talikod na hindi tumitingin kay spencer
Pumasok na ako sa loob habang hindi parin makapaniwala sa nakita ko.
My gosh. Paano ako makatatagal ng siya ang kasama ko. Hayyss hayaan na nga lang
Pumasok muna ako sa kwarto kung saan nakalagay ang mga gamit namin at saka doon nag-ayos ulit. Ngunit di paman ako nagtatagal sa pag-aayos ay biglang pumasok sa loob si spencer. Ilalagay niya siguro ang mga gamit niya.
Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag-aayos, pero pansin ko ang tingin niya saakin.
"Hi" nagulat ako kasi binati niya ako
"Hello" casual na sagot ko habang inaayos ang scarf ko
"Kumusta kana" tanong niya pa
"Okey lang" sagot ko naman sabay lakad papunta sa pinto pero pinigilan niya ako
"Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi niya pero winaksi ko lang ang kamay niya at humarap sa kanya
"Busy ako. Wala akong time makipag-usap" sabi ko at lalabas na sana kaso biglang pumasok si vanquez
"Oh, magkakilala na kayo?" Tanong niya
"Pinakilala mo siya diba? So kilala ko na. Please excuse me, marami pa akong gagawin" sabi ko sabay alis na at inasikaso nalang ang mga pasahero na papasakay
Nagsimula na ang flight namin at busy ako sa pag se-serve ng pagkain sa mga pasahero ng biglang tinawag ako ni ailey.
"Sza, ako na muna diyan. Nagpapa assist sila cap don sa cockpit. Nagugutom na siguro sila ikaw nalang ang mag serve dun" sabi niya saakin.
Magpo-protesta pa sana ako kaso naunahan niya na ako kasi kinuha niya na ang cart at siya na ang nag serve sa mga pasahero kaya wala na akong nagawa kundi ang punta don para e assist sila.
"What can i help you?" Sabi ko kay vanquez habang siya naman nakangisi at si spencer naman ang sa control, focus masyado.
"Nagugutom na kami e. Pwede mo ba kaming dalhan ng pagkain at inumin?" Sabi niya kaya tumango nalang ako at saka kumuha ng pagkain nila.
Hinatid ko na ang pagkain nila bago bumalik sa pag-aasikaso ng mga pasahero.
Matapos ang ilang oras na byahe papuntang singapore ay nakarating narin kami. Naghahanda na kami ngayon ni ailey ng mga gamit namin pababa sa plane ng biglang humarang sa daraanan namin si vanquez
YOU ARE READING
Wonderful Memories (F. A Series 1)
Teen FictionPhillip vanquez is a well known pilot captain in a well known airline, his life is just focus in his pilot life,he said that having a family in his kind of work is totally hard,that's why he's already contented in his life. "No girlfriend,no problem...