A/N: as promised. This chapter is dedicated to. itsme_cess175 kakeshika knurl_brisss thank you guyzzz.. ilabyouu all. Keep safe always and God bless you all<3.
gulat parin ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Ano daw yun? Ipapakilala niya na ako sa magulang niya at gusto niya rin makilala sila mommy? Nababaliw na ba siya? Mygashhhh
"B-bakit ngayon m-mo lang s-sinabi?" Uutal utal na tanong ko kasi di parin ako makapag-isip ng tama at hindi ko alam ang sasabihin ko
"Alam ko namang pagsinabi ko hindi ka sasama. Atsaka, kagabi ko lang to naisip. Tumawag kasi si mommy at gusto niyang umuwi ako" paliwanag niya saakin. Kinakabahan ako.
Paano pag hindi ako gusto ng parents niya para sakanya? kinakabahan ako at hindi ako mapakali. Hindi pa nga kami may meet the parent na agad, jusko naman.
"Wag kang mag-alala. Alam nila mommy na kasama kita. At sigurado akong magugustuhan ka nila" sabi niya saakin pero kinakabahan parin ako.
"Nagugutom ka na ba? Gusto mo daan muna tayo sa isang fastfood?" Tanong niya kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Malapit narin naman kami pero nagugutom ako.
"Sa jollibee nalang. Medyo nagugutom narin ako eh" sabi ko kaya tumango siya dumaan na kami sa jollibee at nag order. Bali ang inorder namin ay yung chicken with spaghetti tapos fries, sundae and burger. Tag dadalawa nun.
"Kumakain ako ng burger ng biglang nagtanong si phillip.
"Kailan ulit flight mo?" Tanong niya kaya uminom muna ako ng coke bago sumagot.
"Sa susunod na araw pa naman, bakit?" Nag-isip muna siya bago sumagot.
"Pa macau ba yung flight mo?" Tumango ako kaya napangiti naman siya. Kumunot naman ang noo ko
"Bakit mo pala alam na sa macau ang susunod kung flight?" Tanong ko sabay kuha ng fries ko at agad sinubo.
"Ako piloto sa flight mo eh" nakangiting sagot niya kaya nanlaki ang mata ko. Magkasama nanaman kamo sa flight?
"Totoo?" Tanong ko sa kanya. Di parin ako makapaniwala ng tumango siya. biglang pumasok sa isip ko si spencer. Kasama parin kaya namin siya?
"Ah, phillip si spe-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita na siya.
"Hindi natin siya kasabay sa flight" sabi niya kaya napahinga naman ako ng maluwag.
Susubo na sana ulit ako ng fries ng biglang tumunog ang tiyan ni phillip. Sure akong di akin yun kaya sure din ako na kanya yun. Kami lang namang dalawa ang nandito eh.
"Nagugutom ka na pala sana sinabi mo. Itabi mo muna at ako ang mag da-drive" sabi ko at agad naman siyang sumunod. Nagugutom na talaga siguro siya. Bumaba na siya at lumipat naman ako sa driver seat.
Nang makasakay siya at makapag safetybelt ay pinaandar ko na. Nang tignan ko siya sa rearview mirror ay kumakain siya ng chicken niya kaya napangiti ako. Talagang gutom na siya.
YOU ARE READING
Wonderful Memories (F. A Series 1)
Teen FictionPhillip vanquez is a well known pilot captain in a well known airline, his life is just focus in his pilot life,he said that having a family in his kind of work is totally hard,that's why he's already contented in his life. "No girlfriend,no problem...