Amara's Pov.
Nagising ako sa matinding hilo na nararamdaman ko at mabilis ko namang naalala lahat nang nangyari kagabi at agad akong napadilat at napatingin sa tabi ko.
Wala na si Alexander sa tabi ko at agad naman akong nakonsensya.
"Ano ba kaseng pumasok sa kokote ng Felix na yun?" Mahinang sigaw ko pa.
Agad naman akong bumangon kahit pa nahihilo ako.
Pumunta ako sa kusina at nakita kong nagliligpit ang isang yaya namin.
"Yaya." Pagtawag ko.
"Yes ma'am?, Ano pong breakfast ang gusto nyo?" Tanong nito.
"Anything, btw.. nasaan sila Alex?" Tanong ko.
"Ah si Sir. Alexander po? Kasama po siya ni Senior na pumunta sa kompanya kanina." Sagot nito.
"Okay." Sagot ko na lang.
"Sige Ma'am, ipagluluto ko na po kayo." Sabi pa nito.
"Okay, thank you." Sagot ko at umupo na lang muna dito sa dining chair at naghintay sa pagkain.
_______
Gabi na nang makauwi si Papa at si Alexander galing sa kumpanya.
Pagkarating nila ay agad ko silang sinalubong at ngumiti naman sa akin si Papa.
"Uy pa." Pagtawag ko at lumapit ako paea magmano.
"Yes, darling?" Sagot naman niya.
"Kamusta?" Tanong ko at ngumiti naman sya.
"Okay lang, medyo pagod..sige mauna nako't magpapahinga ako." Sagot niya sakin at agad naman akong humabol.
"Uy pa, hindi ka na ba kakain?" Tanong ko.
"Hindi na, kumain na ako kanina." Sagot niya at hinayaan na syang umakyat sa hagdan.
Agad naman akong bumaling ng tingin kay Alexander na umuna ng lumakad papuntang kusina.
"Uy" pagtawag ko ngunit hindi lumingon.
'yari na, nagtatampo nga.'
"Sweetie" pagtawag ko at hindi ulit sya lumingon.
"Handsome uy!" Pagtawag ko pa at hinahabol ang mabilis nyang lakad.
"Alexander." And this time, lumingon na siya at binigyan ako ng blankong tingin.
"Oh?" Sagot niya.
"Sorry na." Nasabi ko na lang.
"Ayos lang yon, tara na, kumain na tayo." Sagot niya at lumakad na at sumunod na lang ako.
Talagang nalulungkot ako sa pagtrato nya sa akin ngayon, ni hindi ko man lang nakita yung ngiti nyang nagpapagwapo sa mukha nya na nagpapakilig sa akin at bumubuo ng araw ko.
Gusto ko tuloy syang yakapin at bigyan ng halik para magbati na kami dahil parang lahat ng nasa paligid ko ay matamlay at walang gana.
Agad namang naghanda ang mga katulong pagka-upo pa lang namin.
Hanggang sa matapos kaming kumaing dalawa ay wala talaga kaming imikan.
Ngayon ay nasa kwarto na kami at ako'y ginagawa na lamang ang paglalagay ng kung ano ano sa mukha para maging mas glowing ako tignan.
Pagkatapos ay agad akong humiga sa tabi niya ngunit hindi pa rin nya ako pinansin at nagfocus lang sa binabasa nyang libro.
"Love?" Pagtawag ko at yumakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
BOOK 1:(S)HE USED TO BE MINE (TRANSGENDER)
RomanceNOTE: ERROR'S AHEAD Si Amara Sparks ay isang transgender na anak ng isang matagumpay na businessman.At sa tagumpay na iyon ay may mga taong nakikipag-kumpitensya gaya na lang ni Velvet Rox-- na inutusan ang isang gwapo at matipunong lalaki na nagnga...