A/N: JUST BEFORE YOU CONTINUE READING, PLEASE BARE WITH ME KUNG MALILITO AKO KAY ALEXANDER AND ALEJANDRO HAHAHA, NAKAKALITO YUNG MAGKAMBAL, ONCE AGAIN SORRY SA ERRORS XOXO.
3rd person's Pov.
Magara ang konsepto ng disenyo ng kasal, naggagandahang bulaklak at ang chandelier na nasa kisame ng simbahan ay nakakaagaw-pansin dahil sa ganda at laki nito na nakakadagdag sa ganda ng simbahan.
Ang lahat ay tutok sa Pari ng magsalita ito sa mikropono.
"We are all gathered here...family and friends in the sight of God, to unite these two people in marriage. Their decision to marry has not been into lightly and today they publicly declaire their private devotion to each other. The essence of this commitment is the acceptance of each other, entirely, as lover, companion and friend. A good and balanced relationship is one in which person is overpowered nor absorbed the other, one in which neither possessive of the other, one in which both give their love freely and without jealousy..." Mahabang sabi ng Pari at palihim namang naglilingunan si Amara at Alexander at ngumingiti sa isa't-isa.
"Into this holy estate, these two persons come now to be joined, if any here can show any cause why they may not lawfully be joined together, may now speak or else hereafter forever hold their peace." Sabi pa ni Father ngunit hindi na nakikinig si Amara dahil may sinabi si Alexander
"Ang ganda mo." mahinang sambit ni Alexander habang nagsasalita ang Pari
"Thank you." nakangiting sagot naman ni Amara.
"Pagkatapos nito, asawa na kita." sambit pa ni Alexander at nginitian lang siya ni Amara at nagpatuloy na sila sa pakikinig kay Father.
Maya-maya pa ay palitan na ng wedding vows ng dalawa at naiiyak na si Alexander dahil sa sayang nararamdaman.
Sinabi ng pari kay Alexander na gayahin nya ito na sya namang ginawa niya.
"I, say your name."sabi ng Pari
"I, Alexander." sagot naman ni Alexander
"Promise to love and support say her name." sabi pa ng Pari
"Promise to love and support Amara." sambit ni Alexander habang naiiyak na nakatitig kay Amara na nakangiti sa kanya.
"and live each day with kindness, understanding, truth, humor and kindness" sambit pa nung Pari
Habang hawak ni Alexander ang isusuot na singsing kay Amara ay biglang may pumasok na mga bandido sa naisaradong pintuan ng simbahan kanina.
Hindi pa nakakasagot si Alexander ay pinaulanan na sila ng bala na syang nagdulot ng malakas na sigawan ng babae.
Mabilisang nagtago ang bisita sa ilalim ng kina-uupuan nila at nagsiyuko at tinakpan ang kanilang mga bibig sa takot gumawa ng ingay.
Habang sa harap ay ang bumulagtang si Amara, ang pari at si Alexander sa sahig sa harap ng altar.
Nakatanggap ng tatlong tama si Alexander sa bandang tiyan at dibdib habang si Amara ay tinamaan ng dalawang beses sa balikat at sa bandang tiyan.
"ISANG MALING GALAW NYO, PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!" sigaw ng isang bandidong lalaki na may hawak na malaking baril.
Mabilis na naglakad ang mga bandido at dinampot si Amara ng mabilisan at walang kahirap-hirap
Naiyak si Amara at umimpit matapos syang damputin at mahawakan sa sugatan nyang braso.
Walang nagtangkang pumigil dahil armado ang mga kalalakihang pumasok at napansin nilang tumba na rin ang mga tauhan sa labas ng simbahan.
Lahat ng tao ay binalot ng takot kaya naman pinigilan nilang gumawa ng kahit anong ingay at galaw
BINABASA MO ANG
BOOK 1:(S)HE USED TO BE MINE (TRANSGENDER)
RomansaNOTE: ERROR'S AHEAD Si Amara Sparks ay isang transgender na anak ng isang matagumpay na businessman.At sa tagumpay na iyon ay may mga taong nakikipag-kumpitensya gaya na lang ni Velvet Rox-- na inutusan ang isang gwapo at matipunong lalaki na nagnga...