Amara's Pov.
Ngayong araw ay nasa kumpanya kami at nafinalize na ang lahat para sa party naming dalawa.
Kinailangan ko namang tulungan si Papa na isaayos ang mga papeles na kekelanganin sa pagmemerge ng dalawang kumpanya.
Si Alexander ang nakikipag-usap sa event organizer dahil nga tinutulungan ko si Papa.
Abala rin ang business partners ni Dad dahil ang iba pa nitong kasosyo sa negosyo ay imbitado rin sa kasal ko at ni Alexander
Gusto ko sanang onti lang ang tao sa kasal ko ngunit hindi pwede dahil maraming business partners ang magkabilang kumpanya at kailangang dumalo dahil sila'y bahagi ng kumpanya.
Nang matapos ang lahat nang gawain ay nagpasya na kaming umuwi.
Si Papa ay nagpahinga nang maaga dahil babalik pa sya sa kompanya kinabukasan at kami naman ni Alexander ay isusukat na ang tinahi saming mga damit para sa engagement party.
Dumeretso naman kami sa kusina ni Alexander.
"Love?" Tawag niya.
"Oh?" Sambit ko.
"Wala lang." Sagot niya at parang nainis naman ako.
'sino ba namang matutuwa, tatawagin ka tas wala lang daw'
"Bakit nga?" Tanong ko.
"Wala lang, namiss lang kita.. kahit magkasama tayo hindi naman tayo masyadong nakakapag-usap kaya gusto ko lang kausapin ka kahit walang topic." Sagot niya at napangiti naman ako habang naglalakad.
Huminto naman ako saglit at hinawakan sya sa kamay.
"Namiss din kita, sorry medyo busy tayo pareho e HAHAHAHA, hayaan mo na para rin naman to sa'tin." Paglalambing ko.
"I know, kase alam kong pag nangyari to, hindi mo na'ko pwede iwan." Sabi pa niya at natawa naman ako.
"Hindi rin naman kita iiwan kahit pwede pa o hindi." Sagot ko at binigyan nya ko ng tingin na hindi makapaniwala.
"Talaga?" Tanong pa niya.
"Oo nga." Sagot ko at niyakap sya.
Niyakap rin nya ako pabalik
"Iloveyou." Sabi niya
"Iloveyoutoo." Sagot ko.
"Tara na, nagugutom na ako asawa ko." Sabi naman niya at nagtaka naman ako sa itinawag nya sa'kin kaya tinignan ko siya.
"Oh bat ganyan ka makatingin?" Tanong niya nang mapansin ang tingin ko.
"Kahit tumingin ka sakin nang ganyan, magiging asawa pa rin naman kita kaya okay lang yan, ansarap kayang tawagin kang asawa ko." Sabi pa niya at tila kinilig naman ako.
"Ewan ko sa'yo." Sabi ko at hinatak na sya papuntang kusina para makakain na kami.
Pagkarating namin doon ay nakahanda na ang pagkain at agad naman akong pumikit upang magpasalamat.
Pagkatapos non ay agad akong kumuha ng kanin at ulam
Nang magsimula akong kumain ay napansin kong hindi man lang kumuha ng pagkain si Alexander bagkus ay nakatitig lang sya sa akin at nakangiti.
"Oh, bat di ka kumakain?" Takang tanong ko sa kanya at mas nginitian nya ako.
At nagulat ako ng ngumanga sya
"Ahhh" sabi pa niya, nagpapahiwatig na subuan ko siya.
Nakuha ko naman ang tingin nyang yon at natawa ako dahil alam kong nagpapalambing lang siya.
"Ahhh" sabi ko at iniamba sa kanya ang karne na may kanin.
At agad nya naman itong kinain at nginuya at nginitian ako na para syang paslit na pinapakain.
Natawa naman ako sa itsura nya at ipinagpatuloy ko naman ang pagpapa-kain sa kanya.
Nang matapos kaming kumain ay sinabihan ko ang mga katulong na magsikain muna bago tuluyang iligpit ang pinagkainan.
Pagkatapos non ay sabay kaming umakyat ng kwarto ni Alexander.
Pagkarating ko roon ay agad naman akong naligo at nang matapos ako ay nagbihis ako at nahiga sa kama katabi ni Alexander.
"Ambango mo love." Sabi niya habang nanonood sa tv dito sa kwarto.
"Syempre, bagong ligo e." Sagot ko naman at kinalikot ang phone ko.
"Pakiss nga." Sabi niya at nagsalubong naman ang kilay ko.
'ang abnormal talaga nitong isang to.'
'pwede namang humalik na lang kung gusto niya, di nya ba alam na nakaka-akward nung ginagaw nyang pagpapa-alam/ pagsasabi.'
"Ayoko nga." Sagot ko at nagscroll na lang sa fb.
"Sige na love, kiss lang e." Sabi pa niya at tinapik pa ako.
"Ang kulit mo naman e." Sagot ko na lang dahil nahihiya talaga ako.
"Sa iba nagpapakiss, tapos ayaw ako i-kiss." Bulong niya at tumalikod ng onti sakin at pinatay nya ang tv.
'amps, abnormal talaga'
"Oy, anong sabi mo?" Tanong ko kunwari kahit narinig ko at dinungaw ko siya
"Wala, matulog ka na dyan." Sagot niya at pumikit.
"Sus, eto oh kiss na kita." Pang-aasar ko.
"Sus, wag na.. napipilitan ka lang e." Sabi niya at napansin kong seryoso na ang tono niya.
"Sige na, sorry na..harap ka na dito." Sabi ko at humarap naman siya.
Pagharap niya ay agad ko syang binigyan ng damping halik sa labi ngunit bago pa ako makabitiw ay agad nyang hinawakan ang ulo ko at siniil ang ibabang parte ng labi ko.
"Iloveyou." Sabi niya ng magbitiw ang labi namin at nginitian pa ako.
"Iloveyoutoo." Sagot ko.
"Sa susunod kase kung gusto mo'ko i-kiss, wag ka na magpaalam kase mas nahihiya ako." Pag-amin ko.
"Ahhh, kaya ba hinayaan mo lang si Felix na halikan ka?" Tanong niya pa at tila namula naman ako.
"Abnormal ka" sigaw ko at hinampas siya.
"Hindi ko ginusto yun, lasing ako nun at hindi ko rin inexpect na ganun ang gagawin niya." Pasigaw kong sagot.
"Kung hindi ako nakapagtimpi no'n? Baka nasa ospital pa rin yun hanggang ngayon." Sabi niya pa.
"Sorry tungkol don a, basta ikaw lang mahal ko at wala akong nararamdaman para sa kanya." Sabi ko naman at hinawakan ang kamay niya at isiniksik doon ang kamay ko.
"Nagpahalik ka pa rin HAHAHA." Pang-aasar niya at nainis naman ako.
"Ewan ko sayo, bahala ka nga." Inis na sambit ko at humiga at bumitiw sa pagkakahawak ko sa kamay niya at tumalikod.
"Joke lang e, sorry loves." Malambing nyang sabi at niyakap ako sa likod.
"Ewan." Sagot ko na lang at diniinan naman nya ang yakap niya.
"Sorry na loves, iloveyou." Malambing pa niyang sabi.
"Iloveyoumore, goodnight." Walang emosyong sagot ko at mas yumakap pa siya.
"Sorry talaga loves, iloveyou bati na tayo." Sabi pa niya at medyo natawa naman ako sa tono ng pananalita nya.
"Oo na, matulog ka na." Sagot ko naman
"Iloveyouuuu." Pagdidiin nya sa sinabi niya.
"Iloveyoutoo." Panggagaya ko sa tono niya at pareho kaming natawa.
Pinatay ko naman ang lamp sa gilid ko at sabay kaming natulog habang nakayakap sya sa akin.
BINABASA MO ANG
BOOK 1:(S)HE USED TO BE MINE (TRANSGENDER)
RomanceNOTE: ERROR'S AHEAD Si Amara Sparks ay isang transgender na anak ng isang matagumpay na businessman.At sa tagumpay na iyon ay may mga taong nakikipag-kumpitensya gaya na lang ni Velvet Rox-- na inutusan ang isang gwapo at matipunong lalaki na nagnga...