A/N: This part was kinda boring, but kaya medyo maikli at ilang transition ang nangyari para mas ma-elaborate ko yung situation, please do listen to sad song while reading this para mas dama LOL XOXO.
Tilla's Pov.
"Malapit na ang wedding nila, so what's your plan?" Tanong ko.
"Diba pinagtago kita no'n upang i-record ang magiging usapan namin ni Alexander?" Patanong niyang banggit.
"Oo bakit?" Patanong na sagot ko.
"Kung hindi nya gagawin ang planong pag-iwan kay Amara, si Amara mismo ang gagamitin natin para paalisin siya." Sabi niya pa at ngumisi nang nakakatakot.
"So tell me your plans, tutulungan kita." Sambit ko at ngumiti naman siya at saka sinabi ang plano.
"Okay, I got it.. ako nang bahala." Sagot ko at umalis na upang gawin ang ipinapagawa nya.
__________
Amara's Pov.
Maagang umalis si Alexander dahil pupuntahan nya raw ang designer nang aming susuotin sa kasal.
Bago nga sya umalis ay hinayaan nyang suotin ko ang paborito nyang kwintas, sinabi kong hihiramin ko lang ngunit sinabi nyang akin na lang daw ito dahil lahat daw nang meron sya ay parang akin na rin.
Abala naman ako sa pagbubuklat nang portfolio ng mga disenyo ng mga table para sa reception, klase nang bulaklak at kung ano-ano pa.
Nakatanggap naman ako ng text galing kay Tilla at sinabi nyang pumunta agad ako sa kanila kaya naman parang kinabahan ako at nawala ang saya ko.
Agad kong inutusan ang driver na ihatid ako kila Tilla na agad naman nitong sinunod.
Habang nasa byahe ako ay hindi ako mapakali at mas palapit nang palapit ay mas kinakabahan ako.
'wala naman sigurong masamang balita.'
_____________
Tilla's Pov.
"Papunta na siya, gagawin ko na ang plano." Sabi ko kay Velvet at ibinaba ang tawag at ipinagpatuloy ang pagsesend ng record gamit ang iba't ibang sim cards na binili ko sa number nang mga kakilala namin nila Amara.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang isang sasakyan na huminto sa tapat nang bahay ko kaya agad kong kinuha ang simcards at itinago ito sa ilalim ng carpet dito sa aking kwarto.
Agad naman akong bumaba upang makasigurado.
Habang pababa nang hagdan ay narinig ko na ang doorbell kaya naman sigurado akong siya na yon
Agad ko namang pinalitan ang ekspresyon nang muka ko para mas effective ang pag-acting.
Pagkabukas ko nang pinto ay nagbatian kami at niyakap siya.
"Ano bang meron?" Tanong niya at bumitiw naman ako sa yakapan namin at binigyan ko sya nang malungkot na tingin.
"May dapat kang malaman." Sabi ko at naglakad pabalik sa loob ng bahay at hinatak siya at nagpatianod naman siya.
"Kinakabahan tuloy ako lalo." Sambit nya pa at hindi ko naman siya sinagot bagkus ngumiti lang ako nang palihim.
Mabilis kong narating ang kwarto ko at kinuha ko ang cellphone ko.
"Eto ang dapat mong malaman." Sabi ko pa at ibinigay ang phone ko habang may malungkot na tono
"Anong meron dito?" Tanong niya na para bang nalilito sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
BOOK 1:(S)HE USED TO BE MINE (TRANSGENDER)
RomanceNOTE: ERROR'S AHEAD Si Amara Sparks ay isang transgender na anak ng isang matagumpay na businessman.At sa tagumpay na iyon ay may mga taong nakikipag-kumpitensya gaya na lang ni Velvet Rox-- na inutusan ang isang gwapo at matipunong lalaki na nagnga...