CHAPTER 21

598 19 2
                                    

A/N: Please do listen to sad songs while reading this :>>>  XOXO

Alexander's Pov.

Tumutulo ang aking luha habang inaalalayan ako ni Mama na maglakad papunta sa isang silid kung saan ibinurol ang abo ng aking asawa.

Habang naglalakad ay naka-alalay ang aking kamay sa benda ng tama ko.

Ang aking kapatid ay nanatiling walang malay sa ospital ngunit sinabi ng Doktor na magdasal na lang na sana ay magising na ito.

Habang papalapit kami ng papalapit sa silid na nasabi ay mas bumubuhos ang luha ko.

'Hindi ko talaga matanggap na wala na siya'

Hindi ko alam kung bakit umaasa ang puso ko na susurpresahin niya ako at papatunayan niyang hindi totoo ang lahat ng ito.

Nang marating ko ang tapat ng entrance ay napatingin agad ako sa harap at kasabay naman no'n ay pagsinghap ko ng hangin at pagbuga nito.

Bumagsak ang balikat ko at mas tumulo ang luha ko dahil nadurog ako sa nakita ko, talagang umasa ako na sosorpresahin nya ako ngunit sinampal ako ng reyalidad na talagang patay na siya.

Mabilis naman akong inalalayan ni Mama na umupo sa isang upuan sa pinakaharapan at itinabi ako kay Tito.

Agad kong napansin ang mugto niyang mga mata na nakatitig kung saan nakalagay ang jar ng abo ni Amara.

Halos pareho kami ng nararamdaman ni Tito ngayon, at masyadong masakit na wala na sa aming pareho ang pinakamamahal namin.

Tanging mahinang pagtangis lang ang aking nagagawa dulot ng lungkot dahil wala na ang mahal ko.

Sa pagtitig pa lang sa Jar na iyon na napapalibutan ng bulaklak at ilaw ay nasasaktan na ako sapagkat ipinamumukha lang sa'min nito na wala nang talaga si Amara.

Hinahagod ni Mama ang aking likod ngunit hindi sapat ang iyon upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

'Nasasaktan ako, pero pakiramdam ko kasalanan ko'ng lahat'

Sa lahat ng nangyayari ay hindi ko maiwasang isisi ang lahat sa sarili ko.

Sa kawalang-gawa ko nung mga oras na nasa kamay na ng mga bastardong iyon ang asawa ko.

At sa kakaisip ko at kasisisi ko sa sarili ko ay maraming luha ang lumalabas sa mata ko.

Punas lang ako ng punas sa mata ko dahil sa walang hintong pagtulo ng luha.

Nang marinig ni Mama ang medyo lumalakas ng tangis ko ay niyakap n'ya ako ngunit hindi man lang naibsan no'n ang kalungkutan.

"Anak, sorry! Walang magawa si Mama para sayo."

Sabi niya na mas nagpaluha sa akin dahil alam kong ang hiling ng puso ko ay makasama si Amara kahit sobrang labong mangyari.

Pinipilit kong ilibot ang mata ko upang malibang at matigil ang pagluha ko ngunit kahit saan ako tumingin ay mukha nya ang nakikita ko.

Yung mukha niyang masaya sa panaginip ko, yung mukha niya noong nagpapaalam sya.

Napatakip ako sa mukha ko at umiyak doon na parang babae dahil sa miss ko na sya at gusto ko syang makasama kahit malabo ng talaga.

Masakit dahil kapag pumipikit ako ay naririnig ko ang sinabi nya noong hindi kita iiwan at sasamahan niya ako hanggang sa pagtanda.

Pero ngayon parang ayoko ng tumanda dahil wala naman na siya para samahan akong harapin ang magiging pagsubok ng buhay ko.

BOOK 1:(S)HE USED TO BE MINE  (TRANSGENDER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon