CHAPTER 12

305 18 5
                                    

Alexander's Pov.

Dalawang linggo mahigit na rin ang lumipas nang matapos namin ang tatlong engagement party namin sa magkaka-ibang bansa.

Sinadya talagang magkaroon nang engagement party sa ibang bansa upang maka-attract pa nang mas maraming investor since may merging na magaganap.

Ngayon ay nandito ako sa isang flowershop upang maghanap nang pulang rosas.

Agad naman akong nagtanong sa isang babaeng nag-aayos nang bulaklak.

"Miss, may pulang rosas ba kayo rito." Tanong ko at agad naman syang huminto sa ginagawa at sumagot.

"Yes sir meron po, this way po." Sabi nya pa at pumunta naman sya sa tila likod nang store na ito at naroon pa ang ibang naggagandahang bulaklak ngunit napako ang tingin ko sa kumpol na rosas na tila nasa isang basket o parang timba, hindi ko mawari ang kinalalagyan ngunit maganda at nakaka-akit ito sa paningin.

"Miss, magkano iyang may pangalan na yan?" Tanong ko tungkol sa aking natipuhang bulaklak.

"3,000 po sir, pero kung gusto mong may kasamang chocolates sir, 3,800 po ang babayaran nyo." Sabi niya pa at natuwa naman ako.

"Okay, roses with chocolates. Kukunin ko na yan ngayon na." Sagot ko pa at agad naman niyang kinuha ang rosas na natipuhan ko.

"Okay sir." Sagot pa niya.

Nang makita ko nang mas malapitan ang bulaklak ay nakita ko na maganda ang pagkaka-arrange nito at hindi lang ito ordinaryong basket o timba dahil may initials pa ito nang pangalan ng flowershop na ito.

Iniabot naman sa'kin ng babae ang chocolate at iniabot ko naman ang bayad.

Iaabot pa sana niya ang sukli ngunit agad ko itong tinanggihan.

"Keep the change." Sabi ko at kinuha ang mga binili ko at umuwi.

________

Pagka-uwi ko ay nadatnan kong abala si Amara sa paghahanda sa aming kasal.

Agad naman akong yumakap at hinalikan sya sa pisngi.

"Ang busy naman nang asawa ko." Paglalambing ko pa at dinungaw ko ang rosas at chocolate na nilapag ko sa isang table sa di kalayuan sa kinauupuan nya.

"Nahihirapan kase ako e, ano bang bagay sakin dito?" Malungkot na tanong niya at natawa naman ako.

"Pumili ka na lang nang isa, tutal lahat naman yan bagay sa'yo." Sambit ko at agad naman nyang inalis ang kamay kong nakayakap sa kanya.

"Umayos ka nga, puro ka biro e." Inis na sagot nya at inilipat sa ibang disenyo at tumitig doon.

Agad ko ulit syang niyakap at hinalikan.

"Sorry, pero totoo naman kase, bagay lahat sayo yan." Sabi ko pa at hindi naman sya umimik kaya naisip ko ang rosas at tsokolate.

"Sandali lang loves ah." Paalam ko pa at agad kinuha ang rosas at chocolate.

Hindi naman ulit sya kumibo at nagpatuloy lang sa paglilipat lipat ng tingin sa mga designs hanggang sa makalapit ako sa kanya.

"Loves?" Pagtawag ko nung nasa likod na niya ako.

"Oh?" Kibo nya pa at unti unting tumingin at nagulat sya.

Nagulat sya nang makita niya ang rosas at tsokolateng nasa lalagyan na hugis puso.

"Para...sakin yan?" Tanong niya pa.

"Oo, hindi ka kase mawala sa isip ko e." Sagot ko at iniabot sa kanya ito at tinanggap nya naman.

BOOK 1:(S)HE USED TO BE MINE  (TRANSGENDER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon