A/N: I will use 3rd person's pov again to make it more detailed :> XOXO btw, shout out to Tokita shippers ^_^
3rd person's Pov.
Ngayon ay paghahanda at pagseset-up na para sa venue ng kasal.
Dumating na rin ang mga bulaklak sa bahay nila Amara at ipinalagay ito sa medyo malamig na lugar para hindi ito agad malanta.
Ngayong araw ay dapat na nasa ibang bahay o hindi dapat na magkita ang ikakasal dahil magdadala raw ito ng malas ngunit nagpumilit si Alexander na gusto nyang makasama si Amara hanggang sa maikasal sila.
Kahit pa kinabahan ang iilan sa mga kamag-anak ni Amara na mahilig maniwala sa mga pamahiin ay wala silang nagawa sa desisyon ni Amara at Alexander.
Naipaliwanag din naman nila na mas magandang hindi na maghiwalay dahil mahirap ang ganung sitwasyon lalo na ngayon at abala ang lahat para sa kasal bukas.
Sumang-ayon rin naman ang mga event planners sa desisyong iyon kaya naman mas wala ng nagawa ang mga kamag-anak ni Amara.
Kino-contact na rin nila Amara ang event planner nila sa ibang bansa para sa kasal nila roon, hindi naman ito para ulitin ang kasal dahil proud sila ngunit inuulit ito para sa mga business partners na hindi makakadalo sa pilipinas at para na rin sa negotiation thing ng mga businessmens/ businesswomens.
Parehong napagod ang dalawa kaya nang sumapit ang dilim ay agad silang nahiga sa kama sa kwarto ni Amara.
"Para sa'n yang garter?" tanong ni Alexander kay Amara ng mapansin nya itong naglagay ng garter sa legs nito.
"Ewan ko e, sinabi ng Tita ko na ilagay ko 'raw to sa legs ko hanggang sa maikasal tayo." Sagot naman ni Amara habang inilalagay ang garter sa legs niya.
"Hindi ko alam bat may naniniwala sa mga ganyan, e hindi naman yan totoo." Maangas na sambit ni Alexander at humiga.
Tinawanan lang naman siya ni Amara at saka ito sumagot.
"Gagi wag kang ganyan,alam kong noon..naniwala ka rin sa mga ganyan!" pang-aasar ni Amara at tumawa lang din naman si Alexander
"Oo noon yun, pero ngayon? Hindi na no!" natatawang sagot niya kay Amara na humiga na rin at tumabi sa kanya.
"Matulog ka na nga!" sabi pa ni Amara at nginitian lang siya ni Alexander.
"Okay, excited na rin ako ikasal sayo e!" banat pa nito at inirapan lang sya ni Amara kahit pa nakangiti ito.
"H'wag ka ma-excite, baka hindi matuloy!" sambit pa ni Amara habang tumatawa.
"Matutuloy yan kung pareho tayong magpapakita at pupunta sa simbahan!" natatawang sagot ni Alexander at natawa naman ulit si Amara.
"Oo na matulog ka na!" sambit pa ulit nito.
"Okay goodnight loves, Iloveyou." sagot ni Alexander at yumakap kay Amara
"Goodnight Loves, Iloveyoutoo." tugon ni Amara at yumakap rin kay Alexander
Hinalikan naman sya ni Alexander sa noo bago tuluyang pumikit at natulog.
__________
kinabukasan..
Lahat ng tao sa mansion ay abala sa kasal na magaganap, naroon ang make-up artist at hairstylist, naroon din ang ibang event planner.
Halos lahat ng katulong ay tumulong sa pag-aayos ng mga table dahil ang reception ay dito sa malawak na bakuran nila Amara
Napili nilang dito na lang ang reception dahil mas ligtas at bantay sarado ito ng guards
BINABASA MO ANG
BOOK 1:(S)HE USED TO BE MINE (TRANSGENDER)
RomanceNOTE: ERROR'S AHEAD Si Amara Sparks ay isang transgender na anak ng isang matagumpay na businessman.At sa tagumpay na iyon ay may mga taong nakikipag-kumpitensya gaya na lang ni Velvet Rox-- na inutusan ang isang gwapo at matipunong lalaki na nagnga...