CHAPTER 6

391 32 9
                                    

Alexander's Pov.

Alas-dos na nang matapos si Amara sa mga ginagawa nya.

Ngayon ay papunta na kami kung saan para magdate.

As what she wanted, gusto nya sa street lang kami magdate, yung simple lang daw.

Kaya this time, dala lamang ang aking motor, pitaka at phone ay nag-date kami sa may gilid ng kalye kung saan maraming nagtitinda.

Nagpark naman muna ako sa motor sa gilid ng isang establishment at saka kami magkahawak kamay na pumunta roon.

Habang nakatingin ako sa nakangiti nyang mukha, napansin kong pareho kami ng kulay ng tshirt kahit na hindi kami nag-usap.

'bagay talaga kami, soulmate HAHAHA!'

Nagbayad naman agad ako kay manong at kumuha, dito kami kay manong bumili dahil hindi pa masyadong matao sa kanyang cart.

Pagkatapos ay tumambay kami sa may parke at nakatitig sa langit.

Nag-usap kami habang umiinom at kumakain nitong binili naming pagkain.

Nagulat ako ng i-open nya ang topic about sa kasal namin ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kanya.

"Alam mo? Kinakabahan ako sa kasal natin." Sabi niya at nakatitig lang sa langit habang nakasandal sa bench na inuupuan namin.

"Bakit ka naman kinakabahan?" Tanong ko.

"Ewan ko ba? Alam mo yun, ito kase yung moment na pinakahihintay ko tas tignan mo oh, 2months na lang ikakasal na tayo." Sagot niya.

"Wag ka kabahan, dapat nga masaya ka e." Sagot ko.

"Masaya naman ako, yung kabang nararamdaman ko kase dulot yun ng excitement." Sabi pa niya at ngumiti sakin.

"Haha, iloveyou." Sagot ko na lang.

"Iloveyoutoo." Sagot niya.

At natahimik naman kami.

"Pero, sorry talaga dun sa nangyari nung isang araw." Sabi pa niya.

"Oo nga, okay na ako." Sagot ko pa at pinag-isa ang mga palad namin.

"Alam ko naman, pero ako na nagsasabi sayo, para sakin walang meaning yun." Sabi pa niya at ngumiti ako.

"Meron yung meaning para sa kanya kaya sasamahan na kita kahit saan ka pa magpunta." Sagot ko naman at napangiti siya.

"Talaga?" Paninigurado nya habang nakangiti.

"Oo nga, kaso ayaw mo naman ako isama e." Lungkot-lungkutang sagot ko kunwari.

"Uy hindi a, promise... Isasama na kita kahit saan pa 'yan." Bawi nya at pinisil ang kamay ko at para naman akong lalaking tinadtad ng kolorete sa mukha.

'basta kinilig ako HAHA.'

"Okay deal, sabi mo yan..pag yan hindi mo tinupad, yari ka sa'kin." Pananakot ko.

"Okay HAHAHA, Iloveyou." Sabi niya at tumawa.

"Iloveyoumore." Sagot ko.

"Malapit na pala yung engagement party natin." Sabi ko.

"Oo nga e, this coming week na yun, dahil magkakaroon din tayo ng party sa ibang bansa para sa mga business partners at investors doon ni daddy." Sagot niya.

"Okay lang yun, kahit marami at kahit mapagod tayo, basta ikaw kasama ko, gagawin ko lahat yun." Sabi ko pa.

"HAHAHA" tawa niya

"Kinikilig to e." Pang-aasar ko e.

"Buset HAHAHA." Sagot nya na lang.

At tumitig na lang sya sa langit at ginaya ko sya.

At naisip ko ang lahat ng plano namin nila Velvet.

I know it's too bad pero ito ang gusto nyang gawin ko bilang kabayaran sa pagpapa-opera nya sa magulang ko noong lugmok sa hirap ang business at sabay na nagkasakit ang papa at mama.

Si Velvet ang tumulong sa kanila upang makabangon at bilang kapalit ay ito ang hiniling nya sa akin.

Pero hindi ko naman akalain na ma-iinlove ako at talagang nahihirapan ako.

Pero buo na ang desisyon ko, alam kong hindi makatarungan ngunit sigurado na ako na ito ang desisyon na gagawin ko.

Nagtagal kaming dalawa na nasa ganoon lang na posisyon at nang mag-alas singko ay inaya ko na syang umuwi.

"Tara uwi na tayo, didilim na." Sabi ko at iniabot ang kamay ko sa kanya.

"Sige para makapagpahinga rin ako kahit saglit." Sagot niya at nagtaka naman ako.

"Ba't saglit?" Tanong ko.

"Wala lang." Sagot niya at binalewala ko na iyon at naghawak kamay kami habang naglalakad patungo kung saan naka-park ang aking motor.

Nang makarating kami roon ay agad ko itong pinaandar at hinintay syang maka-sakay at nagmaneho pauwi.

______

Mabuti na lang ay umuwi kami agad dahil biglang kumulimlim at bumuhos ang malakas na ulan.

Alas singko pa lang pero ang langit ay mas madilim kumpara sa kulay ng kalangitan sa ganoong oras.

Habang ako'y nakaupo at naglalaro ng isang mobile game ay napansin ko si Amara na parang balisa habang pinapanood ang ulan sa labas mula sa bintana.

"Love? Are you okay?" Tanong ko.

"Oo naman." Sagot nya na lumingon pa sa akin at ibinalik din agad ang tingin nya sa labas ng bintana.

"E, bat parang may problema ka?" Tanong ko pa.

"Wala nga." Sagot nya at tumalikod at tumingin lang sa bintana.

"Ba't parang may hindi ka sinasabi sa'kin."

"W-wala nga, grrrr... Okay fine, meron akong hindi sinasabi sayo." Biglang sagot niya na lumapit pa sa'kin at lumuhod malapit kung saan ako naka-upo.

"Aalis kase ako." Dagdag pa niya.

"Sa'n ka naman pupunta?" Tanong ko at naglalaro pa rin.

"May friend akong babae na galing sa ibang bansa, kanina lang daw sya naka-uwi actually, and she's throwing a girl's party and gusto kong pumunta." Sagot niya.

"Okay, sabihin mo sa kanya, hindi ka makakapunta." Simpleng sabi ko at nakita ko naman ang inis sa mukha niya at bigla syang tumayo at nagsalita.

"Yan, kaya ayaw kong sabihin kase alam kong hindi ka papayag." Sabi pa niya at bumalik sa may bintana malapit at umupo sa upuan malapit roon kung saan nakatalikod sya at hindi ko nakikita ang ekspresyon niya.

Medyo natawa naman ako sa inis nyang mukha na yon kaya tinawag ko siya.

"Love?" Pagtawag ko ngunit hindi ako pinansin.

Agad ko namang inilapag ang cellphone ko sa side table at nilapitan sya at ako naman ang lumuhod sa harapan nya at nakita ko naman ang kunot nyang noo at magkasalubong na kilay.

"Okay, talo ako...payag na ako na pumunta ka." Sagot ko na may pagkatalo sa boses.

"Talaga?" Masayang sagot naman niya na pinisil pa ang magkabilang balikat ko.

"Oo, pero may kondisyon." Sabi ko.

"Anong kondisyon naman?" Confident nyang tanong.

"Ako ang maghahatid sayo at tatawag ka time to time, and please wag mo patayin ang phone mo." Sagot ko sa kanya at ngumiti naman sya.

"Deal." Sabi niya at kiniss ko sya sa labi at bumalik ako sa kinauupuan ko at masaya naman syang pumunta sa cr para maligo at maghanda para sa girl's party daw nila.

BOOK 1:(S)HE USED TO BE MINE  (TRANSGENDER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon