Tilla's Pov.
"Okay ba?" Tanong ko kay Velvet nang nandito na'ko sa mansion nya.
Nakangiti ako ngayon dahil alam kong nagtagumpay kami
"Ang galing mo, napahanga mo'ko 'friend'" madiin nya pang sabi sa word na friend.
'sabi ko na e'
"So, where's my prize? Matutulungan mo ba ako sa business ko?" Tanong ko sa kanya dahil ito naman talaga ang pakay ko ngunit tinignan nya lang ako nang nagtataka.
"Your prize? Baket? Nanalo ka ba? Bat nanghihingi ka nang prize, wala naman akong ipinangako sa'yo." Sagot niya habang sumisimsim sa wine niya.
And my mood change.
"Ginawa ko ang lahat, tinulungan kita, tas ano? Wala lang?" Balik tanong ko sa kanya habang pinipigil ang sarili ko.
"Hep hep, What I could only recall is, you offer your help and I just accept it, I'd never ask for it, so don't you dare act as if I did ask help to you!" Mataray na sigaw niya sa'kin at natameme naman ako.
Talagang hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita na.
"Akala ko tutulungan mo'ko matapos kitang tulungan." Inis na sabi ko pa at natawa naman siya.
"Akala mo lang yun pero hindi, at saka wag ka ngang trying hard sa business mo, pang small type lang yan, hindi yan babagay sa naglalakihang business kagaya nang sa'min, you're nothing but just a trying hard small business owner." Sambit pa nito at talaga namang ikina-galit ko.
Lumunok naman muna ako at ngumiti nang sarkatisko sa kanya at lumakad nang kaunti.
"Tignan natin kung sinong magiging small type sa huli." Mataray kong sabi at umalis sa mansyong iyon.
'Humanda ka sa ganti ko, naka-handa ako Velvet, ibubunyag kita sa buong mundo'
Umalis ako roon nang may galit at inis sa aking puso.
Hindi ko matanggap na ganun lang ang gagawin n'ya matapos ko syang tulungan sa lahat nang plano niya.
Ni hindi man lang ako tulungang pabalik.
Agad ko namang iwinakli ang iniisip ko at nag-isip isip.
Habang naglalakad ay nakabuo ako agad nang plano para sa ganti ko kaya naman tila nawala ang inis sa akin at napalitan ito nang tuwa.
'tuwa dahil alam kong magtatagumpay ako'
Pagka-alis ko sa mansion ni Velvet ay agad kong tinawagan ang kambal ni Alexander Lucas.
Oo, may kambal si Alexander Lucas.
Matagal na kong nagsasaliksik tungkol sa pagkatao niya.
Ang parents nila ay merong business na Casino na hawak na ni Velvet ngayon, ngunit ang magulang nila ay parte na lang at hindi na ang mismong nagmamay-ari nito.
Si Alexander ay isang investors sa iba't-ibang business kaya kahit papano ay kumikita sya nang malaki lalo na't ang pera niya ay nakalapag sa mga business na kumikita nang malaki in just a day.
Si Alejandro na kakambal ni Alexander ay may simple lang pamumuhay sa kanilang bahay, suportado sa magulang at mabait, hindi sya kagaya nang kuya niya na madiskarte sa buhay, siya ay umaasa pa rin sa magulang hanggang ngayon.
Agad kong ki-nontact ang nalalaman kong number niya at ginawa ang binabalak kong plano para pabagsakin si Velvet at itama ang ginawa kong mali kay Amara.
BINABASA MO ANG
BOOK 1:(S)HE USED TO BE MINE (TRANSGENDER)
RomanceNOTE: ERROR'S AHEAD Si Amara Sparks ay isang transgender na anak ng isang matagumpay na businessman.At sa tagumpay na iyon ay may mga taong nakikipag-kumpitensya gaya na lang ni Velvet Rox-- na inutusan ang isang gwapo at matipunong lalaki na nagnga...