Alexander's Pov.
Habang nag-sscroll sa fb ay naka-receive ako ng message galing sa kaibigan ni Amara.
From: Tilla
"We're drunk and Amara is sleeping here, can you fetch us?"
Agad ko naman syang nireplyan
Me:
"Stay there and watch Amara, I'm coming."
Sent.
Pagkatapos no'n ay agad akong bumaba at agad na pinaharurot ang sasakyan papunta sa bar na kanilang kinaroroonan.
Agad akong nagpark nang makarating ako at pumasok sa nasabing Bar.
Pagpasok ko ay rinig ko ang hiyawan at ang malakas na music.
Agad namang hinanap ng mata ko si Amara at Tilla ngunit hindi ko sila makita.
Agad naman akong lumapit sa bartender at umorder ng juice.
"Juice aken." Sagot ko ng magtanong sya kung anong akin.
Pagkabigay nya nito ay agad akong nagtanong at sumimsim naman ako sa Juice pagkatapos.
"Sir, may nakita ka bang babaeng naka-jacket ng itim dito kanina? Kulot at may mga kasama ring babae?" Pormal na tanong ko sa bartender na nagbigay ng order ko.
"Parang may napansin ako kanina sir, maraming babae ang nasa vip room at napansin ko nga ang babaeng naka-jacket." Sagot nito at agad naman akong tumayo.
"Thank you." Sagot ko at ininom ng mabilisan ang juice at iniwan ang baso roon.
Agad akong pumunta sa vip room at naabutan ko ang mga babaeng nakahilata na sa table at couch ngunit hindi ko sila pinansin.
Ang aking paningin ay direktang tumama sa natutulog na Amara sa couch at ang naka-yukong si Tilla sa gilid niya.
Agad ko namang tinapik si Tilla upang makuha ang atensyon nito.
"Okay ka lang?" Tanong ko nang mag-angat ito ng tingin.
"Yeah, sige na tara na." Sagot nito at agad ko namang nilapitan si Amara upang i-piggyback.
"Girls, hindi pa kayo uuwi?" Tanong ni Tilla sa kasamahan nila.
"No, we're enjoying pa e, una na kayo." Sagot nung isa.
"Yes, una na kayo." Sagot pa nung isa.
At halos lahat ay sumagot ngunit hindi ko na pinakinggan at inintindi na lang si Amara na mahimbing nang natutulog sa likod ko at si Tilla na ihahatid ko rin.
"Btw, Tilla, sino bang naka-isip nitong girls party nyo na 'to?" Tanong ko kay Tilla.
"Yung isa pa naming bestfriend." Sagot nito.
"Asan siya? Bat kayo na lang dalawa naiwan?" Tanong ko.
"Nauna na siya, sinundo sya." Sagot nito at nagtaka naman ako ngunit baka sabihin nitong chismoso ako kaya naman hindi na ako nagtanong.
Sa aking sariling opinyon, ang pangit nang ikaw ang nag-aya at nagset ng party pero ikaw ang unang mauuwi at iiwan mo lang ininvite mo, It's kinda rude but nevermind.
Inintindi ko na lang ang dalawa kong kasama at mabilisan kong hinatid si Tilla sa kanila nang maibigay nya ang kanyang address.
Pagkahatid ko sa kanya ay agad na akong nagmaneho pauwi.
Si Amara ay nagsasalita pa habang natutulog.
"Te--quila" sabi niya.
"Pasaway talaga, sabing wag iinom ng marami." Sabi ko na lang sa hangin.
Pagkarating sa bahay ay agad ko syang binuhat ngunit pangkasal na buhat na ang ginawa ko sa kanya at dinala sa kwarto namin.
Pagpasok ko pa lang ng kwarto namin ay nakita ko na ang mukha nyang pulang-pula dulot ng alak.
"Sobrang dami siguro nitong ininom." Sabi ko pa at saka ko hinubad ang jacket na ipinasuot ko sa kanya.
Gusto ko sanang tanggalin ang make-up na suot nya ngunit wala akong alam sa mga gamit nya kaya tinanggal ko na lang ang kung anumang idinikit nya sa mata niya at inilagay ito sa vanity nya at saka ko sya pinalitan ng damit, dinamitan ko na lang siya ng pantulog nya at saka ako natulog habang nakayakap sa kanya.
_________
Mas nauna akong nagising sa kanya.
Ang posisyon namin ay nakayakap sya sakin at ako naman ay nakasiksik sa yakap niya malapit sa dibdib niya at ang paa niya'y nakapatong malapit sa bewang ko.
Amoy na amoy ko ang alak sa katawan niya kaya agad akong bumangon at hinalikan sya sa pisngi.
Pagkabangon ko ay agad akong nagpahanda ng sinabawang manok sa maid at saka ako umakyat ulit at naligo dahil naalala kong ngayon kami mag-aarrange ng mga kung ano-ano para sa engagement party at sa mismong kasal namin.
Pagkatapos kong maligo ay agad ulit akong bumaba upang tignan kung luto na ang pinaluto ko.
Naghintay pa ko ng ilang minuto bago tuluyang naluto ang pinaluto kong sinabawang manok.
Pagkahanda nito ay ako na ang naglagay sa tray at inihatid ito patungo sa kwarto namin ni Amara.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong inilapag sa isang table ang tray at inilapit ito sa kama namin.
Pagkalapit ko nito ay agad ko syang ginising at bumangon naman siya ngunit agad syang napahawak sa ulo niya.
Agad ko namang iniabot ang tubig na nasa tray na dala ko at inalalayan syang uminom dito.
"Hindi kase marunong makinig e, sinabing wag uminom ng marami." Sumbat ko.
"Hindi naman ako uminom ng marami e." Sagot niya matapos uminom ng tubig.
"Hindi nga marami ininom mo, hard drink naman.. ganon pa rin yun." Sagot ko at sumimangot na lang siya
"Kumain ka na dyan, aalis ako." Galit kunwaring sabi ko at tumingin pa sa salamin ng vanity nya at nag-ayos kunwari ng buhok ko.
"Sa'n ka pupunta?" Tanong niya at hindi ko sya pinansin.
"Hala? Ayaw makinig, oy sa'n ka pupunta?" Inis na tanong niya at natawa ako ng palihim.
"Ikaw nga hindi nakikinig e, edi ako rin." Parang batang sagot ko sa kanya.
"Ahh ganon? Okay." Sabi niya at kinuha ang mangkok at nagsimulang humigop ng sabaw doon.
"Joke lang, pupunta tayo sa company ngayon kaya bilisan mo." Bawi ko agad dahil baka biglang magbago ang mood, may hangover pa naman HAHA.
"Ba't kasama ako?" Kunot noong tanong niya.
Umupo naman ako sa tabi niya at sumagot.
"Kase po, ngayon po yung arrangement para sa kasal at engagement party, dumating na raw ang mga portfolios para sa mga yun at kelangan nating mamili dahil sa susunod another plan na naman para sa engagement party sa ibang bansa po, okay na po?" Sagot ko.
"Para kang tanga." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain at natawa ako.
"Joke lang, iloveyou." Sabi ko sa kanya at nagpatuloy lang siya.
"Bilisan mo dyan ha, antayin kita sa baba." Dagdag ko pa at tumango lang siya kaya lumapit ako ulit para humalik sa noo niya at tuluyan ng bumaba.
BINABASA MO ANG
BOOK 1:(S)HE USED TO BE MINE (TRANSGENDER)
RomanceNOTE: ERROR'S AHEAD Si Amara Sparks ay isang transgender na anak ng isang matagumpay na businessman.At sa tagumpay na iyon ay may mga taong nakikipag-kumpitensya gaya na lang ni Velvet Rox-- na inutusan ang isang gwapo at matipunong lalaki na nagnga...