CHAPTER 17

309 16 16
                                    

Amara's Pov.

Ngayong araw ay nandito kami sa bahay dahil kinausap kaming muli ni Alexander tungkol sa aming kasal.

Ang mga naimbitahan ay nasa simbahan ngayon upang mai-ayos at makapag-rehearse sa kanilang magiging lakad at kung saan sila dapat pumwesto.

Gusto ko sanang natural ngunit sinabi ng mga planners na kung ganon ang gagawin ay baka hindi maging arrange at presentable ang mangyayari.

Wala naman ng rehearsal para sa'min dahil unang una si Alexander ay maghihintay sa akin sa unahan at ako nama'y ihahatid ni Papa kay Alexander.

Nang matapos kaming kausapin ay nagtitingin tingin ako sa mga susuotin kong alahas, gown, sapatos at kung ano-anong abubot.

Habang ginagawa ko iyon ay lumapit sa akin si Alexander at tinanong ka niya.

"Loves, okay ka lang?" Tanong ni Alexander na para bang wala kaming naging problema.

"Yeah" walang emosyong sagot ko at hinawakan pa kunwari ang mga alahas at sinuri 'yon.

"Baka napapagod ka na, pwede ka namang umupo...kanina ka pa kasi nakatayo." sambit pa niya at kinulong ako ng bahagya gamit ang isa n'yang braso at kumawala naman ako.

'Ano naman sa'yo kung pagod ako?'

"Ikaw? Baka pagod ka na...pwede ka namang umupo." pagbabalik ko sa kanya ng sinabi n'ya habang inaalis ang kamay n'yang nasa bewang ko.

"Gusto ko katabi kita." sinserong sabi niya at napabuntong hininga naman ako.

'Ang hirap maging marupok'

"Okay." malamig na tugon ko at hinawakan n'ya naman ang kamay ko at ini-upo ako sa isang sofa at saka sya umupo sa tabi ko.

Inihiga pa niya ang ulo nya sa balikat ko at hindi ko naman maiwasang mailang.

'dati na rin naman n'ya tong ginagawa pero bat parang naiilang ako'

'Hindi ka dapat naiilang Amara, tandaan mo ginagawa mo 'to para sa Papa mo..hindi na para sa kanya!'

Medyo nagulat pa ako ng kunin nya ang kanang kamay ko at pinag-isa ang mga palad namin.

"Ilang oras na lang, magiging asawa na kita... na-eexcite akong mai-kasal sa'yo." sambit niya habang nakahiga ang ulo sa balikat ko.

"H'wag kang ma-excite." sagot ko at napatayo naman sya at napatingin sa'kin ng kunot ang noo.

"Why? Anong ibig mong sabihin?" tanong niya at nakatingin sa'kin ng direkta at tinignan ko rin s'ya ng direkta bago tuluyang sumagot

"Hindi ko naman ginagawa 'to dahil gusto kong maikasal sa'yo, ginagawa ko 'to para kay Papa, para sa business at hindi para sa'yo." Prangkang sagot ko na akala ko'y hindi ko maitatawid.

'Kahit meron sa parteng kong gusto talagang maikasal ako sa'yo, hindi ko 'yon ipapa-alam dahil madalas kapag alam ng isang tao ang nararamdaman ko, sinasamantala nila ito para saktan ako.'

'Nasaktan mo'ko pero hindi kita sasaktan ng sobra gaya ng ginawa mo, pero hindi ko na rin hahayaang saktan mo ulit ako.'

Natahimik naman siya sa sinabi ko at umubo pa kunwari at ibinalik ang pagkakahiga ng ulo nya sa balikat ko.

"Kung 'yan ang dahilan mo? Ayos lang dahil iba naman ang dahilan ko e, ang dahilan kung bakit ko gustong maikasal sayo e dahil mahal kita" sinserong sabi niya at pinisil-pisil ang kamay kong hawak niya.

BOOK 1:(S)HE USED TO BE MINE  (TRANSGENDER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon