Chapter 4 ❤

19 0 0
                                    

Lizzy's POV

Pumasok ako sa school sa hindi ko inaasahan nakabangga ko si Ethan tapos nahulog ko pa gamit ko.

"Tulungan na kita" sabi niya.

"Wag na. Kaya ko naman pulutin yan ng mag isa" ngumiti ako pero peke yun.

"Ah. Pasensya kana di kasi ako tumitingin sa daan"

"Okay lang, sa susunod tumingin kana para hindi ka makabangga." Aalis na sana ako pero hinawakan niya braso ko.

"Ahm Lizzy, sorry"

"Sorry? Hahaha nagpapatawa kaba? Kung oo pwes di ka nakakatawa."

"Alam kung nasaktan kita kaya humihingi ako ng sorry pero swear to god minahal kita."

"Pwes di ko na kailangan ng sorry mong yan kasi kung totoong minahal mo ko paniniwalaan mo ko at hindi sa iba. Ano ba ang silbi ng isang relasyon kung wala kayong tiwala sa isa't-isa." Umalis na ko di ko na kaya baka makita niya pang umiiyak ako. Wala kang kwenta Ethan Montereal. Pumunta ako sa room namin at niyakap ko ka agad si besst.

Hinihimas niya likod ko "Sino nagpaiyak sayo? Sabihin mo pupuntahan ko siya"

Tumingin ako sa kanya tapos kinuha niya panyo niya sa bulsa at pinunasan niya mukha ko. " Besst, walang nagpaiyak sa akin. Kaya ako umiiyak kasi nalulungkot lang ako."

"Maniwala ako sayo kilala kita malakas ka may reason yan kung bakit ka umiiyak. Pero kung ayaw mo talagang sabihin sige di kita pipilitin. Kaya besst tama na wag ka nang umiyak kasi baka pumangit ka" Pasalamat talaga ako dahil siya best friend ko hindi niya ako iniwan sa lahat ng mga problema kung ikinaharap.

Ngumiti ako tapos hinawakan ko kamay niya "Salamat besst sa lahat kaya labs kita eh :) "

"Hahaha wag na tayong mag drama pumapangit tayo" Pumasok na rin yung prof namin.

Nagdiscuss lang naman sila pero lutang naman isip ko dahil kay Ethan at sa sinabi niya.

( "Alam kung nasaktan kita kaya humihingi ako ng sorry pero swear to god minahal kita.")

( Swear to God minahal kita )

Alam kung minahal niya ako pero bakit siya naniwala sa lahat ng mga pinagsasabi ng Amethyst na yun tapos ngayon mag so sorry siya bahala siya sa buhay niya.

Stephanie's POV

Pumunta kami ni besst sa canteen at nilibre ko siya ng pagkain dahil alam kung pagkain lang yung stress reliever niya.

" Besst, naman nag abala ka pa. Pero salamat :) "

"You're welcome. It's nothing"

"Hi Ms. Menopause and hi Diane, right? " Paano niya kaya nalaman second name ni Besst.

"Ahm, yes but call me Lizzy instead"

"Oh, okay Lizzy pero okay lang ba ba Liz nalang?" Feeling close naman tung lalaking pangit.

Tumango naman si besst "Ahm, excuse me lalaking pangit pwede ba wag kang feeling close? Kasi kung wala kang kaibigan dito sa school wala kaming pake kaya umalis kana dito sa harapan namin" Tinarayan ko na siya kasi naman nakakainis.

"Menopause na nga masungit pa. Tss at isa pa marami na akong kaibigan"

"Marami na pala? Bakit kaba nandito sa amin?

"Wala lang. Siguro para na makilala kayo gusto ko kasi maging kaibigan ang lahat ng mga estudyante dito."

"Eh shunga ka pala eh, bakit naman gusto mo? Tatakbo ka bang Presidente sa school kasi kung oo pwes mananalo kana kahit wala kami. Halika na besst"

Hinablot ko na si besst kakainis kasi yung pangit na yun

"Besst, ang oa mo naman gusto lang makipag kaibigan napunta na sa pag ka President hay nako"

"Eh nakakainis kasi yung pangit nayun walang modo"

"Aysus hahaha. Sige mag away lang kayo baka sa next level hindi nalang kayo maging kaaway baka kasintahan na HAHAHAHA."

"Nang iinis kaba? Kung oo pwes nakakainis. Tss makaalis na nga"

Hay nako! Badtrip naman ang araw na to.

"Look who's here girls, ang bestfriend ng gold digger"

"Oh my gosh, look at you nakakaawa ka. Wala na nga si Ethan at Lizzy pero andyan ka parin bitter. Bakit natatakot kaba na bumalik ulit yang boyfriend mo kay Lizzy?"

"Of course not, may dalawa akong reason. Una, hindi na siya pupunta sayo dahil mahal niya ako at pangalawa ayaw niya sa mga taong kagaya mo na gold digger HAHAHAHA right girls?" Sabay sabay naman na umoo ang mga kampon niya. Sasampalin niya sana ako pero nahawakan ko kamay niya.

"Talaga lang ha? Sige subukan natin. Hahaha pero teka bago mo ko sampalin ako muna" sinampal ko siya ng medyo malakas.

Nag walk out na ako dahil baka kung ano pa magawa ko sa kanya.

Pagkauwi ko sa bahay humiga na ako sa room ko dahil na stress ako sa araw na to maraming nangyaring pangit. Sana bukas maging masaya naman ako because that is what I deserve.

Ms. Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon