Chapter 8 ❤

13 0 0
                                    

Sunday

Lizzy's POV

Pupunta kami nila mama sa Bohol hindi ko nga alam kung bakit eh hindi naman kami mayaman para makabili ng ticket kapag tinatanong ko sila mama ang sinasabi lang nila palagi ay.

"Basta! Napanalunan lang namin to"

Kaya ayun naniwala nalang kami kasi possible naman yun malay natin nanalo sila sa raffle. Kaya eto kami ngayon naghahanda sa pag alis kahit ayoko namang umabsent wala rin naman akong magagawa kaya sinabihan ko na si Steph.

"Mga anak handa na ba kayo?" Sabi ni mama hindi naman sigurong halata sa mukha niyang excited siya.

"Sa wakas mama makakakita narin ako ng tarsier" Isa pa tong si Dayne

"Ako rin mama yung chocolate hills. Gusto ko kasing kainin yun" sabi ni Danielle napa Face palm tuloy kaming lahat.

"Baby hindi pwedeng kainin yun no baka pagalitan ka" paliwanag ni papa sa kanya.

"Ganoon? Ang damot naman nila eh hindi naman nila mauubos yun *pout* "

"Halika na nga baka mahuli tayo sa flight" Sabi ni mama kaya kinuha na namin yung mga bagahe pero pansin ko lang parang yung dala nila hindi pang 3 days at 2 nights para tuloy kaming naglayas nito.

Katapos ng biyahe may van na sumundo sa amin aba at para kaming mayayaman ah hanep naman kung alam ko lang na ganito yung feeling edi sana sumali na ako sa lahat ng raffle.

"Oh diane napagod kaba sa biyahe?" Sabi ni papa sa akin. "Hindi naman po papa ang totoo nga niyan masaya po ako kasi makikita ko na ang chocolate hills" biro ko. Eh hindi naman ako interesado sa chocolate hills isa pa nakita ko na yan sa mga picture.

Hinawakan niya yung kaliwang pisngi ko "Ako rin anak I hope na mag enjoy kayo ng mga kapatid mo"

Ang ganda naman ng hotel na to parang mga mayayaman yung nandito na OP tuloy ako. Andito kami ngayon sa room ng hotel actually dalawa yung room isa para kina mama at yung isa sa amin.

"Ang sosyal naman dito ate parang hindi tayo bagay" Sabi ni Dayne.

"Oo nga eh parang OP tayo dito"

"Pero ate kailangan rin nating maranasan to kahit sandali lang"

"Dayne kaya mag aral tayo ng mabuti para matulungan natin sina mama at maranasan natin to araw araw."

"Syempre naman ate hahaha" niyakap ako ni Dayne tapos lumapit na rin si Danielle.

"Lagi niyong tandaan na mahal na mahal kayo ni ate at gagawin ko lahat para sa inyo"

"Mahal ka rin namin ate. Dba Dan?" Tumango si danielle nako naman tong mga kapatid ko ang sweet naman nila.

Stephanie's POV

Monday na naman bukas at speaking of monday papasok ako na wala si Lizzy sa tabi ko, ano kaya yung nangyayari sa kanya ngayon I hope nag eenjoy siya.

Going back to the corner
Where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag
Not I'm gonna move

Teka ang ganda naman ng boses niya parang ramdam niya yung kanta akala ko ang pangit ng boses niya hindi pala.

Got some words on cardboard
Got your picture in my hand
Saying if you see this girl
Can you tell here where I am,

Kawawa naman siya kasi hindi pa siya maka move on sa taong mahal niya. Bakit kaya ganoon? Kung sino pa yung lubos na magmahal sila pa yung sinasaktan at iniiwan. Ano ba to ang drama naman.

Some try to hand me money
They don't understand
I'm not broke ..
I'm just a broken hearted man.

Wew naman kailangan ko tong makilala para naman payuhan ko nakakaawa eh. Hahaha kahit di ako expert sa love tutulunga ko siya.

I know it makes no sense,
But what else can I do
How can I move on when
I've been in love with you.

Totoo yan paano ka nga makakapag move on kung minahal mo siya ng lubusan noon? Hindi ko na nakayanan kaya tinawag ko na siya.

"Psst!" Sana naman pansinin niya ako.

"Ano ba problema mo? Dba sabi ko this is a free country so I ca.."

Di ko na siya pinatapos " Yeah I know you can do whatever you want but that's not what I meant"

"I don't care and I'm sorry cause I don't talk to strangers"

Aba at sa dinami dami ba naman ng pwedeng maging neighboor bakit sa masungit pa? Tsss. Siguro pangit yung lalaking yun eh hindi man lang pinapakita yung mukha sa akin well I don't care pero sayang naman yung boses niya. Makalabas na nga lang para matanong ko kina manang kung sino ba yung kapitbahay namin.

"Hi sis :) what's up?" Mukhang good mood si ateng.

"Wow naman sis ano ba nakain natin ngayon at ganyan ang mood mo?"

"Bakit bawal bang maging ganito ngayon?"

"Hindi naman di lang ako sanay. Btw kilala mo ba yung kapitbahay natin?"

"Ah hindi masyado pero sa pagkakaalam ko sila yung sikat na may ari ng mga mamahaling kotse. The Buenavista Family"

~

Bitin mo na sa ngayon ha? Guys free to comment me kahit ano.

Ms. Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon