Tuesdayyy
Ang buhay kahit minsan napaka unfair kailangan mo pa ring harapin. Ano ba naman to hindi ko kaya na hindi kasama si Liz para akong baliw dito sa court wala akong makausap kundi sarili ko. Alam ko na! Kinuha ko yung sketch pad ko at nag drawing na.
"Ang galing mo palang mag drawing" Itinaas ko yung ulo ko. At sabi ko na nga ba si pangit pala.
"Pwede ba kung sisirain mo lang yung araw ko umalis kana"
Umupo siya sa tabi ko"Oh chill ka lang, teka bakit pagnakikita mo ako parang kumukulo na yang dugo mo. May ginawa ba ako sayo?"
"Ganito talaga ako sa mga taong ayaw kung kausapin"
"Hindi mo ba alam maraming tao ang may gustong maging kaibigan ka pero hindi sila makalapit sayo kasi parang may pader na nakaharang sayo."
"Oh, papa jack ikaw ba yan? Tss"
"Andito naman ako, makikinig sayo kung may problema kman"
"Teka, close ba tayo?"
"Kung papayag kang maging close tayo"
"Pwes hindi ako papayag kaya umalis kana kasi nakakaabala ka."
"Kahit kailan talaga napaka sungit mo sa akin. Ah alam ko na siguro naman kaya ang sungit mo dahil may gusto ka sa akin?"
"Wow naman! Ang kapal kapal talaga ng mukha mo no? FYI hindi mga kagaya mo ang gusto ko."
"Hoy pre, tigilan mo na nga yang pangungulit mo kay Steph" Haay mabuti naman at umalis na rin yung lokong yun. Hindi ko rin maintindihan yung lalaking yun porket sinusungitan ko gusto ko na siya kaagad. Ang hanep ng generation ngayon.
Naglakad lakad muna ako sa may park dito sa school. Wala namang pasok kasi may meeting yung mga teacher. Umupo ako sa may bench at tumingin tingin sa paligid.
"Uy, steph ba't mag isa ka lang? Asan si Liz?" Sa dinami dami ng taong pwedeng makausap ito pang si Ethan bat ba palagi nalang kami nagtatagpo nako juice ko baka siya destiny ko? Wag naman sana ayokong magkasala huhuhu.
"Wala lang, Andoon siya sa Bohol naghahanap ng boyfriend"
"Bakit doon pa siya naghahanap? Marami naman dito"
"Ayaw niya dito kasi baka kagaya nanaman nung dati ang mapili niya" Makonsensya ka sana, walang hiya ka.
Yumuko siya "Doon sa bohol nagbabaka sakali siyang makakahanap siya ng lalaking marunong magtiwala at hindi siya iiwan. Masakit kasi yun yung iiwan ka nalang ng dahil lang sa naniwala siya mga bagay na hindi naman totoo. Ikaw nasaktan ka na ba?" Tumingin ako sa mata niya halatang nag sisisi siya sa ginawa niya noon.
"Ako? Oo naman kahit ganito ako nasaktan na rin ako."
"Ano ba yung ginawa sayo, malala ba kagaya nung kay Liz?"
"Kasi.." Sh*t naman bakit ngayon pa tumatawag si tatay.
(Baby, asan ka na? Andito kami sa labas nag iintay sayo)
(Ah eh tay, pwede po bang mamaya nalang ako uuwi?)
(Pupunta tayo sa bahay ng tita mo, nakalimutan mo na ba?) Ay oo nga! Sayang ang wrong timing naman.
(Sge po wait lang tay mga 10 minutes)
(Sge anak bsta bilisan mo lang)
"Ah ethan, sa susunod nalang tayo mag usap kasi nasa labas na yung sundo ko"
"Okay lang sige bye"
Pumunta muna ako sa locker para kunin bag ko at tumakbo papunta kina tatay.
"Ang tagal mo ate" sabi ng baby bunso namin.
"Kasi baby bunso may ginawa lang si ate"
"Yuck ate! Hindi na ako baby,ang laki ko na."
"Kahit anong sabihin baby ka pa rin. Depende nalang kung magka baby pa si nanay hehehe"
"Agree ako dyan little sis :)"
"Alam niyo mga anak sabi ng tita niyo si Gabby kasali sa isang competition sa Japan"
" Baka binigyan ng pera yung prof para siya yung irepresent ng school nila." Sabi ni ate
"Anak wag kang magsasalita ng ganyan masama yan pinsan mo pa rin yun"
Bumulong sa akin si ate "Totoo naman yun! Kasi yang si gabby pabida since birth"
Yung totoo talaga kaaway ng ate ko yang si ate gabby ever since talaga. Tapos ngayon si Gabriella inaaway rin ako oh dba ang saya mabuti nalang at wala silang lalaking kapatid kung hindi nako malamang pati si bunso awayin na rin.
"Andito na tayo. Oh behave kayo ha? Laging isipin ang tama" Pangaral ni nanay.
Bumaba kami sa car at pumasok na sa loob.
"Oh nester bakit ang tagal niyo kanina pa kayo hinihintay" sabi ni tita noris. Nag mano kami kina tito at tita.
"Sinundo ko muna yung mga anak ko" sabi ni tatay.
"Ah ganun ba? Sige mga pamangkin magkipag halubilo muna kayo sa mga pinsan niyo.
"Sis, kain nalang tayo" Grabe ang daming pagkain sana palaging may party para maraming foods.
"Here na pala sila couz eh" Sabi ni Britanny pinsan namin na kagaya rin nila.
"Oh we've been searching for you guys" sabi ni Gabby
"Wala naman kasing may nag sabi na hanapin niyo kami" pabulong na sabi ni ate.
"Hey, shanie may sinasabi ka?" Tanong ni ate gabby
"Oh nothing. So guys can you please excuse us were starving na kasi eh"
"Sige couz alis na kami" Couz eww ang plastic talaga nila.
"Grabe talaga yang sina ate gabby ang papangit ng ugali" Sabi ni bunso.
"Sinabi mo pa pero syempre pag pasensyahan natin yung mga sobra ng buwan bago pinanganak."
"Hahaha grabe ka naman ate"
Mga 11 na ng gabi kami naka uwi kasi kahit ayaw naming mag stay sabi ni nanay bawal raw kasi minsan nalang kami nagkakasama na magpinsan.
BINABASA MO ANG
Ms. Stone Heart
Fiksi RemajaWhat do you do when the only one who can make you stop crying is the one who is making you cry? Si Stephanie Nashia Yu ay nagmahal, nasaktan at nag move on ng sobra. Siya ay sinaktan ng lalaking minahal niya ng lubusan kaya simula noon hindi na niya...