Chapter 16 ❤

4 0 0
                                    

Stupid Memories 2

Katapos nila Teptep mag usap inaya ko na siyang umuwi nung una ayaw niya kasi ililibre niya ako kasi raw masaya siya ngayon pero tumanggi na ako kasi 5sos lang naman kailangan ko. Pero dahil sa threat ko napapayag ko rin siyang umuwi na. Pag-uwi namin nadatnan namin si Ate na naka simangot yung mukha,ano kaya problema nito?

"Tep, ano ba problema ni Ate?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Ewan, Siguro ni reject yan HAHAHA tanungin mo nalang."

"Hoy! STEPHEN NORIEL MONTEMAYOR YU NARIRINIG KITA."

Si ate pag tinawag ka na niya sa buo mong pangalan galit na yan. Pero may katapat yan eh ice cream lang yan.

"Eh ate ano ba problema mo?"

"Sis, kasi palagi nalang kayo magkasama ni Teptep. Tapos ako palaging mag isa :("

"Aysus yun lang pala! Andito lang kami Ate wag kang mag-alala." Sabi ko.

"Oo nga ate, isa pa itigil mo na yang kakaiyak kasi pumapangit ka." Sabi ni Teptep

"Pasensyahan niyo na si Ate kung maiyakin ha? Hehehe."

Sabay naming sabi ni Teptep "Sanay na kami!" Hahaha.

"Tara movie marathon tayo."

Ang saya kapag ganito yung bang wala kayong problemang inaalala. Wala pa ring tatalo sa bonding na kasama mo yung mga kapatid mo dahil sabi pa nga wala ka ng ibang mapupuntahan kundi ang diyos at ang pamilya mo. Mahal ko mga kapatid ko na sa sobrang mahal handa akong mag sakripisyo para sa kanila.

Lizzy's Pov

Hanep talaga ang exam nakaka hilo mabuti pa si Besst hindi niya ito mapagdadaanan. Nag reasearch kasi ako tungkol sa SHU tapos ang lumabas isa sa mga pinaka madaling school and yet walang nakakatop for sure si Stephanie ang makakatop diyan. Aalis na sana ako pero kinausap ako ni Amethyst.

"Andito na pala yung mang aagaw ng boyfriend."

"Wala ako sa mood Amethyst kaya umalis kana."

"Alam mo bang nakipaghiwalay na si Ethan?"

Hiwalay na pala sila bakit hindi ko man lang alam well wala naman akong paki sa kanila.

"Ows talaga? Mabuti naman at natauhan na rin siya."

"Hindi niya ako hihiwalayan kung hindi mo siya nilandi"

"Dinamay mo pa ako! Wala akong ginagawang masama."

"Anong wala? Eh bakit nakipaghiwalaly siya sa akin?"

"Bakit di mo siya tanungin, wag sa akin hindi ko naman siya kamag-anak o stalker na alam ko lahat."

"Kapag malaman kong ikaw yung rason, humanda ka!"

"Teka, gusto mo talagang malaman?" Seryoso kong pagkakasabi.

"Of course!"

"Edi itanong mo kay Kuya Kim geh bye Hahahaha."

Iniwan ko siyang mag-isa doon sigurado ako na nabwiset yun Hahaha bahala siya sa buhay niya sinama pa niya ako sa paghihiwalay nila

Umuwi na ako sa bahay kasi kailangan kong mag-aral para malaki grades ko. Nagmano na ako kayna mama at papa.

"Oh anak, may nagpapabigay pala sayo itong mga regalo." Sabi ni mama.

"Kanino daw po galing?"

"Hindi ko alam anak pinapabigay lang."

"Ate akin nalang yun flowers."

Ms. Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon