INIGO
NAPASIPOL ako sa paborito kong kanta nang tumugtog na ito sa earphones ko.
Kanina ko pa 'to hihintay. Alam niyo 'yong pakiramdam na gustong gusto mo nang marinig 'yong kantang paborito mo pero hinihintay mo lang na mag-play na siya kasi naka shuffle 'yong playlist? Tsk, oh 'di ba, sana all premium 'yong streaming platform.
I even closed my eyes while whistling to Elvis Presley's Can't Help Falling In Love pero tila ba gumuho na lang ang mundo ko nang may kumalabit sa'kin.
Hays, anak ng—
"Tol, pahingi pang isa oh." Hindi ko masyadong narinig ang sinabi nang kaibigan kong si Edison kasi masyadong malakas ang pinapatugtog kong kanta sa earphones ko. And I chose to ignore him. I need to relax with this song first.
And besides, I know he's not gonna say something important.
Nagrereserba ako ng lakas para sa operasyon namin ngayon. We are going to raid a suspected drug den that we've been hunting for quite some time now. Magkadikit na yata pati kaluluwa namin dito sa sasakyan at mas lalo lang talagang sisikip dito kapag patuloy pa 'tong magsasalita si Edison.
And that's a huge disturbance for me.
"Inigo!" sigaw pa niya kaya hindi ko na siya natiis pa at lumingon na ako sa kaniya. I pulled the earphone from my left ear so I can hear what he has been babbling about.
"Ano?" tipid kong sagot.
"Pahingi pang isa please?" tugon niya at nilakihan pa 'yong nguso niya na parang bata na nanghihingi ng stick-o.
Sa totoo lang, kung hindi niyo lubusang kilala itong kaibigan ko, malamang ay hindi niyo aakalaing isa siyang pulis. He's too childish to look like one.
I rolled my eyes then nodded. Hindi naman maalis sa mukha niya ang ngiti nang tumango ako at agad na niyang kinuha 'yong sisidlan ng yosi sa bulsa ko at bumunot ng dalawa.
"Tangina isa lang, tirhan mo ako!" pagsita ko sa kaniya at kinuha mula sa kaniya 'yong isang yosi. Baka ako naman ang walang mai-sigarilyo nito.
Agad ko namang ibinalik 'yong kahon sa bulsa at pagkatapos ay ipinikit ko na muli ang mga mata ko.
Ilang saglit pa ay huminto na ang sasakyan, hudyat na nakarating na kami.
"Police Master Sergeant Inigo Herrera, Police Corporal Edison Santos, you know what to do," mabilis na utos ng chief namin kaya sumaludo na kami agad nang bumaba.
Kaming dalawa ni Edison ang nauna at standby lang ang mga natitira sa team at ready-to-attack na lang kung sakaling magkagulo na. Tatlong sasakyan din ang gamit namin ngayon at naka-convoy.
Agad kaming tumakbo sa pinaghihinalaang bahay. Gawa lang ito sa kahoy at marami na ring butas ang bubong nito.
Marahil ay wala na ngang iba pang mapagtataguan 'yong drug lord na pinaghahahanap namin.
"Tao po!" sigaw ni Edison sabay katok sa maliit na pinto na gawa sa manipis na kahoy. May nakadikit pang krus dito kaya hindi mo talaga aakalaing drug lord pala ang nagtatago rito. Kunwari banal, huh?
Agad namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang taong walong buwan na naming pinaghahanap.
Medyo ka-edad lang namin ito ni Edison pero hanggang balikat lang ito kung ikukumpara sa akin at mahaba na rin ang balbas nito.
"Huwag kang gagalaw!" Kaagad na inilabas ni Edison ang kanyang rebolber at itinutok ito sa suspect.
Agad naman itong tumayo ng matuwid at initaas ang dalawa niyang kamay, senyales ng pagsuko nito.
BINABASA MO ANG
I'll Save You Forever
Mystery / ThrillerWATTYS 2021 WINNER A young dedicated policeman vows to find the motive behind the death of a ghost who's also the ex-master of the crime group he has been hunting for years. *** After a dangerous police operation, Inigo Herrera, a young yet dedicate...