INIGO
"SIGURADO ka bang ayos ka lang kuya? Hindi ba nauntog 'yang ulo mo?" natatawang tanong sakin ni Jacob.
Student of medicine siya but he't telling me those nonsense? Dapat bigyan niya ako ng mga proper advice tsk.
Nakahiga lang ako ngayon sa kama at kanina pa ako inaasar nila Edison, Eric at Jacob.
"Nako, kanina pa yan ganyan do'n sa misyon namin. Mukhang gumagawa na siya ng imaginary girlfriend niya eh," dugtong naman ni Edison sa biro ni Jacob.
Tama, gising na ang hayop.
Tsk, kung nakakatayo lang sana ako ngayon ng maayos, malamang kanina ko pa siya sinapak. Nakakainis eh. Ba't kaunti lang yung natamo niya mula sa pagsabog?
Edi ako lang tuloy yung hindi makakapagduty. Masasayang na naman ata yung sick leave ko.
"Ano bang nangyari sayo at nabaliw ka yata?" dagdag pa ni Edison. Natawa naman sina Eric at Jacob sa sinabi niya.
"Hindi nga ako baliw! Nagsasabi ako ng totoo!" sigaw ko at itinuro pa yung babaeng mutlo na kanina pa nakikitawa sa kanila.
"Nagpapaniwala ka pala sa mga multo kuya ha," saad naman ni Jacob.
Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin. Normal lang na isipin nilang nahihibang na ako ngayon pero ano ba kasi 'tong nangyayari? Sino ba yang babaeng yan at kung multo nga siya, ba't ko siya nakikita at bakit ako lang yung nakakakita sa kaniya?
"Tol kung umuwi ka kaya muna sa probinsya. Siguradong nag-aalala yun sina tito at tita sayo," tugon naman ni Eric.
Napaisip ako sa sinabi niya. Miss ko na rin sina mama at papa. Kaso mas mabuti nang dito na lang muna ako sa Maynila at baka sakaling may bagong orders tungkol sa mga nakatakas na suspect kahapon.
"Dito na lang muna ako tol," mahina ko namang sagot.
"Good decision. I can't let you run away from me," ngisi naman nung babaeng mutlo. Napalingon ako sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Shut up!" sigaw ko dahilan para mapatingin sina Jacob sa akin. Napakunot naman yung noo ni Eric.
"Ah, hindi ikaw yung kinakausap ko tol," pagapalusot ko na lang at pilit na ngumiti.
"Baliw na nga ang image mo sa mga kaibigan mo," pang-aasar naman nung babae.
"Pwede ba? Tumigil ka na! Wala ka ngang mapapala sakin!" sigaw ko muli at tuluyan ng napabangon mula sa pagkakahiga.
Napatingin naman yung talto sa kung saan ako nakatingin pero mas lalo lang tuloy silang naguguluhan sa inasal ko ngayon.
"Kuya, seryoso na. May problema ka ba?" tanong ni Jacob. Seryoso na nga ang mukha niya ngayon kung ikukumpara kanina.
Naging seryoso na rin yung kambal pero naiinis pa rin ako kasi natatawa lang ngayon yung babaeng multo sa likod nila.
"Oo, pagod lang siguro 'to," pagapalusot ko na lang.
...
MABILIS na lumipas ang oras. Bigla na lang nawala yung 'Callista' kuno pero hindi pa rin ako nakatulog buong magdamag.
Napapaisip ako kung totoo nga bang multo siya. Hindi kaya, totoong nahihibang na ako?
Kahit saang anggulo ko tingnan ay napakalabong magkatotoo ng mga nangyayari.
Isang mutlo? Babaeng mutlo na dating leader daw ng pinaghahanap naming crimson group? Tsk.
Baka nga dahil sa sobrang pagnanais ko na mahuli na yung grupong 'yon ay kaya ako nakakapag-isip ng kung ano-ano lalo na't muntik na naming mahuli ang drug division nila kahapon.
BINABASA MO ANG
I'll Save You Forever
Mystery / ThrillerWATTYS 2021 WINNER A young dedicated policeman vows to find the motive behind the death of a ghost who's also the ex-master of the crime group he has been hunting for years. *** After a dangerous police operation, Inigo Herrera, a young yet dedicate...