INIGO
HALOS wala ng espasyo ang nakalaan para sa mga taong dumadaan. Puno ng mga taong nakikiramay kay Edison ang punerarya. Tonight is the last night of his burial.
Bukas na ng umaga ililibing si Edison.
Patuloy pang dumami ang mga tao. This has been the usual thing for the past few nights. Dadami ang mga tao, magkakaroon ng misa, at uuwi na naman ang mga tao.
I can't help but feel a little bit intimidated. Nabibilang lang ng mga daliri ko ang mga taong namumukhaan ko. The rest were strangers.
Marahil nga ay liban sa pamilya ni Edison, sa aming apat na magbabarkada, mga kaklase namin nung kolehiyo, at mga katrabaho namin sa serbisyo, marami pa talagang kaibigan si Edison.
Pero kahit ganon, hindi pa rin ako mapakali. There's this 'what if' in my mind that keeps on bugging me.
What if sa dinami dami ng tao rito ngayon, iisa sa kanila ay miyembro ng Crimson. Paano kung nandito ngayon ang mga taong may kinalaman sa pagkamatay niya at nagmamasid lang?
Habang iniisip ang mga bagay na ito ay naalala ko tuloy si Crystal. Matapos nung araw na inimbitahan siya ni Eric sa bahay nila ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi ko rin alam kung naikwento na ba ni Eric sa kaniya ang plano.
The plan we discussed.
Pagkatapos ng libing ay tsaka na ako gagawa ng paraan para mahanap yung Cyrstal na 'yon. Aside from Edison's case, gusto ko rin siyang tanungin tungkol kay Callista. I wanted to know more about her. Kung ano at sino siya dati bilang leader ng Crimson.
Callista on the other hand has been acting the usual way these past few days. Maglalaho siya, lilitaw, manggugulo, mang-iinis at mawawala naman. I tried my best to cope up with her usual acts.
Subalit kahit anong gawin ko, sa tuwing naaalala ko ang katotohanang ako ang pumatay sa kaniya, unti-unti ring napapawi ang mga ngiti sa mukha ko.
Mabilis na lumalim ang gabi. Nung nagsi-alisan na ang mga tao, at nung natiyak kong mga close relatives na lang yung naiwan sa burol, napag-isipan kong lumabas muna saglit sa balcony ng punerarya para magpahangin.
Bago ako lumabas ay minabuti ko munang hanapin si Karyll pero napahinga na rin lang ako ng malalim nang makita kong nakatulog na pala siya sa isang upuan sa gilid.
Pagdating ko sa balcony ay sumalubong agad ang sariwa at malamig na hangin. Dahil itong puting T-shirt lang na karaniwang ipinapaloob ko sa uniporme ko ang suot ko ngayon, damang dama ko talaga ang lamig ng hangin na tumatama sa braso ko.
The city lights were also glowing bright. Some of them were even in camouflage. Ang iilan sa kanila ay para naring mga bituin sa langit, na nagpapaliwanag sa buong lugar.
Sumandal ako sa malamig na pader at minabuti kong bumunot ng sigarilyo at lighter mula sa aking bulsa.
Ipinosisyon ko ang sigarilyo sa labi ko at akmang sisindahan ko na sana ito nang biglang lumitaw si Callista sa harapan ko, dahilan para magulat ako at mahulog ang sigarilyo sa sahig.
"You can't live without a smoke?" tanong niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at binigyan ng maikling sagot.
"I can."
"Eh, bakit naninigarilyo ka? Eh nakakasama yan sa katawan," pagsesermon niya. This time, I didn't respond. Pinulot ko na lang yung nahulog na sigarilyo at inilagay ito muli sa labi ko.
Mabilis ko itong sinindihan and after that, I had my first puff. Nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin pero mabilis rin namang natabunan ng puting usok ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
I'll Save You Forever
Misterio / SuspensoWATTYS 2021 WINNER A young dedicated policeman vows to find the motive behind the death of a ghost who's also the ex-master of the crime group he has been hunting for years. *** After a dangerous police operation, Inigo Herrera, a young yet dedicate...